Uncategorized  

Ang Pinuno Trece

elmergomopas
Ang Pinuno

Written by elmergomopas

 


“Huli ka Balbon”

Baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg, baaagggg..”

Tuloy-tuloy na buga ng Machine Gun ng mga rebeldeng Moro sa tropang nasa paanan ng burol, matapos itong sapilitang pasukin para sa inaakalang clearing na lamang sana na misyon. Isa itong Battalion Operation, at si Tinyente Santos ang naatasang magdala ng Weapons Platoon.

“Krssshhhhh, Horton to Echo 1, krssssssssshh, Horton to Echo 1, advance ako Sir mapipin-down na kami.”

“Echo 1 to Top Gun, Echo 1 to Top Gun”, tawag ng tinyente sa radio kay Captain Asuncion, ang Company Commander. Subalit walang tugon mula dito.

Alanganin ang kanilang posisyon, mababa, wala ring masyadong maasahang cover maliban sa iilang puno ng niyog.

“Echo 1 to Top Gun, permission to request for Close Air Support Over”.

“Krssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhh”, ang patuloy lamang na squelch ng PR77 Base Radio.

“Putang-inang iyan, sinabi na kasing alanganin, ayaw makinig sa rekomendasyon.”

Buong umagang pinulbos ng 105 Howitzer mula sa Artillery Battery ang burol na iyon. Sa unang salvo pa nga lang ng markings ng White Phosphorous round ay shoot na shoot na ito sa kampo ng MILF na kanilang target. Kanyang-kanyang pulasan ang mga rebeldeng Moro, pagkatapos silang ulanin ng mga bala ng kanyon. Paisa-isa naman silang pini pick-up ng mga nag-aabang na mga tropa. Pero mali sila. Inakala nilang tapos na ang labanan.

Bago pasukin, nagrekomenda si Edwin sa Commander ng Axis of Advance sa gagawing clearing, subalit hindi tinanggap ang kanyang suhestiyon.

Ang plano niya sana’y huwag dumaan ang tropa sa low grounds, basic naman ito kung tutuusin, subalit wala siyang magawa pagkatapos siyang barahin ng nakakataaas sa kanya.

“Pulbos na pulbos na nga eh, isa pa, pitik-pitikin lang tayo ng sniper ng mga iyan, ang Company Commander. May BARETT (50 caliber Sniper Rifle) yang mga yan baka nakakalimutan mo, anito.”

Walang pagsidlan ang mga mura ni Edwin para kay Asuncion nung mga sandaling iyon.

“Putang-ina mong bobo ka kasi, tapos ngayon hindi ka makapag-command, asar na turan na lamang ng pinuno.”

“Horton, advance ako, sumunod ka by bounce, ang giya niya sa nagpapasaklolong Platoon Leader.

Sa nakitang pag-abante ng Weapons Platoon, agad namang sinunggaban ni Lt. Tagbina ang nabakanteng puwesto nina Edwin, subalit…

“WWWWAAAAGAAMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM…”

Klarong-klarong sa mga mata ni Edwin ang napakaitim na pinaghalong usok, alikabok, at lupa. Wala na din siyang madinig maliban sa mga bagting sa magkabilaan niyang tainga.

Ang higit na nakakapanlumo, ay nasaksihan niya kung paano lumipad ang buong Fire Team na umabante, pagkatapos nilang halos salubungin ang isang round ng Rocket Propelled Grenade na pinakawalan ng kalaban.

“Ang tropa ko, ang tropa ko”, mangiyak-ngiyak, may kasamang panaghoy na usal ng Tinyente.

Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg, Baaagggg,”…

Halos sampung segundong muling bira ng General Purpose Machine Gun ng mga MILF sa mga sundalong hindi na makagalaw.

Sa mga talsik sa kanyang mata ng mga lupang nabubungkal gawa ng tama ng mga tingga, at mga hiyaw at panaghoy ng mga tinamaaang kasama, tuluyang tumulo ang kanyang luha.

Tinanggal ng tinyenete ang suot na kevlar at kinuha ang litratong nakaipit dito. Sa gitna nang tahimik na pag-iyak, may ngiting gumuhit sa kanyang mga labi habang tinitingnan ang larawan.

Isa na lamang ang kanyang hinihintay, at ito ay ang pakiramdam ng tingga na tatama sa kanyang katawan.

“I love you Claire”, si Edwin, niyakap niya ang maliit na baong litrato ng sinisinta.

“Hindi naman pala masakit”, si Edwin.

Sa nanlalabo niyang paningin ay aninag pa rin niya ang masaganang dugo na bumubulwak mula sa sugat na natamo sa kanyang bandang dibdib.

Nagsimulang mahirapang huminga ang pinuno…
Nalulunod na siya, kailangan niya ng hangin.

“Huuuuuuuuuuuuuuumpppppppppphhhhhhhhh, haaaaaaaahhhhhh haaahhhhhhhhh hahhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Haaaah ahhhh , haaaahhhhhh, ahhhhhhhh…”

Halos malaglag siya sa kanyang papag matapos mapabalikwas.

“Putang-inang panaginip iyan bwisit”, sa pagitan ng malalalim na paghinga ay bulalas ng tinyente. Binangugot ang tinyente, hawak-hawak ang dibdib, kapa-kapa ang bahaging tinamaan sa kanyang panaginip, ay hindi na ulit siya nakabalik sa pagtulog.

Araw ng sabado. Sa utos ng Batalyon, hapon pa lamang ay nagsipanaog na lahat ng kompanya para sa nalalabing bahagi ng okasyon. Talagang pinaghandaan. Maayos at de-kalidad ang kinuhang serbisyo para sa pailaw at musika. Hindi rin daw basta-basta ang kinuhang banda ayon pa sa mga tropa. Dahil pala ito sa Guest of Honor and Speaker ng Batalyon, na walang-iba kundi ang Commander ng kanilang Division. Isa ito sa mga pumondo sa naturang pagtitipon, sapagkat sa parehong araw, ay ipinagdiriwang din pala ng Heneral at ng kanyang esposa ang anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib at pagmamahalan.

Mag-aalas Kuwatro na at Alas Sais ang nakatakdang simula ng programa. Nasa liaison ang tinyente kasama ang buong tropa ng Alpha. Hindi kalakihan ang espasyo, idagdag pa ang nagsidatingang pamilya ng mga tropa kaya’t nagsisiksikan ang mga ito sa opisina ng Alpha sa loob ng kampo ng Batalyon.

Pagdating na pagdating ni Edwin at Ireneo sa kampo ay agad nag-yaya ng tagay ang pinuno.

Total naman ay party ang kanilang dadaluhan ay planong magpakawal-wal ni Edwin kasama ang kanyang tropa. Hindi pa man lasing subalit halatang may tama na ang tinyente sa sipa ng pulang kabayo.

“Pssssssttttt..”, tipa niya sa kanyang cellphone, isang text message para sa inimbita niyang bisita.

“DING”, ilang saglit ay replay mula kay Joy.

“Miss mo na ako noh?”, saad sa replay ng dalaga.

“Ba’t antagal niyo, sinabi na kasing sabay na tayo kanina eh, ano sinakyan niyo ni Rina?”

Kulang-kulang mga bente minuto bago matanggap ni Edwin ang replay ni Joy.

“Edwin ayaw kami papasukin wala daw decal itong sasakyan hihihi, pakipuntahan kami dito sa gate”, si Joy.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Binaybay ng tinyente ang pasilyo palabas ng kampo. Nasa bandang likuran ang Rear Command Post ng Alpha Company kung kaya kailangan niyang dumaan sa pasilyo ng Bachelor Officer’s Quarters palabas, maliban na lamang kung dadaan siya sa kalagitnaan ng compound ng Battalion kung saan paroot- parito ang mga tropang okupado sa paghahakot ng mga lamesa at mga bangko.

Natanaw ni Edwin ang kumpolan ng mga kabataang babae, mga Senior High School sa tingin niya. Mga anak ng tropa, mga dependents na magkakabarkada. Sa grupo ay angat ang halakhak ng isang bading. Habang papalapit siya sa mga ito ay dinig niya ang mahihinang hagikgikan ng mga kabataan.

“Hala mga beshhhhieee, may pogi, ang pogi ni Sir hihihihihi, maya-maya ay naulinigan ni Edwin galing sa grupo.

Nilagpasan niya ang grupo subalit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang huling tinuran ng bakla pagkatapos itong bulungan ng isa sa mga dalagitang mukhang namumukhaan ang tinyente.

“Hala officer pala iyon? Ba’t mukhang bagets hihihihihi, ang pogi ayieeeeeeee…”, pahabol nito, bagay na bahagyang ikinahagalpak ng tinyente.

“Putang-inang yan, bakit kaya noon pa’y ang lakas ng dating ko sa mga bakla, pero hindi sa mga chicks?”, pailing-iling na sambit ng tinyente.

Sa labas ay agad siyang nakipag-usap sa guwardiya.

Sa kadahilanang magiging punuan ang parking space dahil nga sa hindi basta-basta ang kanilang magiging bisita, walang magawa si Edwin kundi sa labas na lamang iparada ang sasakyang dala-dala nina Joy at Rina. Kinuha niya ang susi mula sa mga ito at maayos na ipinarada ang sasakyan sa bandang giliran ng Guard Post.

“Bantayan mo iyan ha Sarge”, biro ni Edwin sa guwardiya, sabay kindat at abot dito ng isang kaha ng sigarilyo.

“Kopya Sir, salamat po Sir.”, nahihiya subalit nakangiti namang tugon ng tropa.

“Oh diba, ang lakas mo sa akin, may personal security pa talaga ang service mo, kiss ko?”, biro ni Edwin kay Joy, na bahagyang idinukwang ang nguso.

“Hoy lasing ka na naman ang aga-aga pa.”, irap dito ng dalaga. Paano ka kaakanta niyan?”, dugtong nito.

“Naku nagbago ang program wala na daw presentation, inuman na lang daw saka me live band naman na eh, pang-aasar naman ni Edwin sa dalaga.

Kita sa mukha ni Joy ang bahagyang pagkadismaya. At nagwika ito, “Subukan mo lang hindi kumanta Edwin hindi na kita kakausapin, ikaw lang ang pinunta-punta ko dito loko ka..”
Gustong matawa ng tinyente sa pagtatampo nito.

Ang ganda ni Joy. Tuwid na tuwid ang buhok nito. Halatang bagong ayos ng salon. Bumagay sa balingkinitan nitong katawan ang suot nitong payak na gray Abercrombie and Fitch na baby tee, na tinernuhan ng kupasin din na skinny jeans.

“Hoy lasing”, kasunod ng pagpilantik ng hinlalaki at hinlalato ng dalaga sa may bandang mukha ni Edwin.

Bahagya pala siyang natigilan sa kakamasid sa cute na cute na mukha ng dalaga.

Si Rina, sa mga sandaling iyon ay aliw na aliw at kinikilig sa magkapareha, ngiting-ngiti ito sa dalawa na mistulang magkasintahang naglalambingan.

“Sir Ed ang guwapo natin ngayon ah, goodbye long hair na Sir ha?
At bagong ahit hahahahaha, kantiyaw ni Rina ke Edwin.”

Kahapon ay nag pasya siyang ipaputol na ang may kahabaan na niyang buhok. Simpleng crew cut lamang ang estilo nito. Nagpasya na rin siyang ipaahit ang kanyang bigote at balbas, para nga sa nasabing okasyon.

Dinala na niya ang mga bisita sa loob kung saan naghihintay din si Ireneo kay Rina.

Nang makahanap ng pagkakataon ay inilayo ni Edwin sa umpukan ang kapareha. Sa bandang gilid, sa ilalim ng puno ng sampalok, kung saan may ginawa ang mga tropang payak na tambayan ay niyakag niya si Joy.

“Lasing ka naman na Ed nakakainis ka, .. ilang bote na ba ang naubos niyo, hindi pa nga nagsisimula ang program.” si Joy, ang tila sermon nito sa binata.

“Ssshhhhhhhhhhhhh'”, tinakpan niya ng daliri ang mga labi nito, at pinatahimik ng mga banayad na halik. Padampi-dampi ang kanyang mga labi sa ilong, babalik sa labi, sa balikat, sa collar bone, at sa tainga ng dalaga.

“Hihihi huwag diyan ayyyy hihihi.”, nakikiliting reaksiyon ni Joy.

“Hayan, mas lalo kang pumogi, ang linis-linis mo nang tignan hihihi.”

“Ganun ba talaga ako kapangit?”

“Pogi ka nga, magugustuhan ba kita kung chaka ka, aber?

Hahahaha. Eh nung mahaba kasi yang buhok mo para ka kasing si Tarzan eh hahaha.”

Batid ni Edwin na tuluyan na siyang malalasing kung tutungga pa siya kaya minarapat na lamang niyang magpahinga. Pinalipas nila ang oras. Dito’y nagkaroon ng masinsinan, maayos, at pormal na pag-uusap ang dalawa. Dito rin bahagyang nalaman ang ilang mahahalagang bagay sa buhay ng dalaga, at ganun din ang dalaga sa tinyente.

Sa kandungan ni Joy, ay nakaidlip ang tinyente. Alas-Siyete na, at tumutugtog na ang banda nang gisingin siya nito.

“Hihihi, hoy tinulugan mo na naman ako ang lakas mong humilik, ewwwwwwww hahahahahaha.”

Sinipat niya ang relos at bahagyang naalimpungatan nang mapagtantong anumang oras ay darating na ang bisita at kailangang ang lahat ng opisyal sa pagsalubong dito. Kailangan na niyang magbihis. Nagpaalam siya sa kapareha. Paalam na sinagot lamang ni joy ng bahgyang tango at matamis na ngiti.

“Mmmmmmmnmmmmmmnnn”, isang madiin at mapusok na halik sa labi ang iginawad ng tinyente bago iwanan ang dalaga. Madilim naman na at wala nang makakapansin sa kanila sa ibayong iyon ng kampo.

Nadala ang pinuno at hinagilap ng kamay nito, at pinisil-pisil ang isang dibdib ni Joy. Lumalim pa ang kanilang halikan, walang may planong bumitaw.

“Edwin, Edd, Edwiiiiin, oiiistttttt, maya-maya ay pigil na ng dalaga sa kapareha. Alis na malate ka” …

“Mamaya ka ha… sabay tayo uuwi, sakay na ako sa inyo ni Rina, tapos sasakyan kita dun sa kuwarto mo, tabi tayo, dun ako matutulog…”

Natawa ang dalaga, bahagya itong dumukwang at may ibinulong sa tinyente.

“Malas mo meron ako hahahaha…”

“Owsss, maniniwala lang ako kung makikita ko yan mamaya, to see is to believe.” si Edwin.

“Ewwwwww ka Edwin alis na, sinamahan na ng bahagyang tulak ni Joy ang tinyente.

Pasado alas-Otso na, ang mga Masters of Ceremonies ay pareho nang okupado sa entablado.

Magaling ang nakuha nilang banda. Ang dance floor ay punuan na ng mga tropa, mga pamilya, at mga bisita, lalo na ang mga kabataang umiindak sa kasalukuyang piyesang tinutugtog ng combo.

Fire Burning ni Sean Kingston.
Aliw na aliw ang lahat, nang pansamantalang putulin ng MC ang musika at i-anunsiyo ang pagdating ng Panauhing Pandangal.

“Ladies and Gentlemen, we are pleased to announce the arrival of our Guest of Honor and Speaker, our Division Commander, Major General Manuel Rey Juaton. Welcome to the founding anniversary of the Tiradores Battalion Sir, and same goes to the lovely wife of our beloved Commander, Maam Rose Nakpil Juaton. The whole battalion greets you both on the occasion of your Wedding Anniversary of this same day, Maam and Sir.”

Naka linya, ay isang isang ipinakilala ni Lt Colonel Salgado sa bisita ang Battalion Staffs, hanggang sa mga Company Commanders kung saan isa-isa naman ang mga itong kinamayan ng bisitang Heneral.

Pagtapat sa Alpha Company ay agad namukhaan ng Division Commander si Lt. Santos. Hindi na kailangang iabot ang kamay, ay agad na inabot ng Heneral ang kanan niya.

“Anto, salamat at dumating ka na hahahaha, sana sa madaling panahon ay madinig ko ng katayin mo ang nalalabing NPA dito ha hehehe. Alagaan niyo itong batang ito Batcom, putang-ina swerte natin sa atin ito ibinigay, mabangis itong tinyenteng ito.”, ang galanteng pagbibida ni General Juaton ke Edwin.

“Edwin, isa pa, baka akala mo hindi ko alam o nakalimutan ko na. Hindi ba’t ikaw ung pinakanta ni CG sa Club House nung send-off niyo hahaha? Akala mo ha, Batcom, naku pakinggan mo kumanta ito, di lang ito sa operation mabangis, maganada boses ng mokong na ito. Anto kumanta ka ha, sige subukan mo akong tanggihan.” , me halong birong banat ng DC.
Sa nadinig nama’y nagitla ang tinyente.

“Napakatalas naman ng memorya ng matandang ito, naalala pa niya iyon?”, si Edwin.

Tatlong taon na ang nakalipas noong send-.off nila ay napasubo siya ng magrequest ng singer sa Class nila ang Commanding General ng Philippine Army at ipakanta sa kanya ang paborito nitong piyesa. Wala naman siyang nagawa pagkatapos siyang ituro nang halos lahat ng kanyang kaklase, sa kadahilanang siya lang naman talaga ang may kakayahan sa kahilingan ng pinakamataas na opisyal ng Army.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


“Will Comply Sir.”, pagkumpirma niya sa request ng kanilang pinuno, bago siya lagpasan nito at dumiretso sa Opisyales ng Bravo Company.

Dahil sa lamig ng natural na bukal na kanyang ipinanligo ay nawala ang kani- kanina’y pagkahapo at bahagyang tama ng red horse kay Edwin.

Preskong presko na rin siya sa simpleng cotton shirt na pang-itaas, at acid wash levis 501 na pang-ibaba. Total ay casual lang naman ang dress code, ay simpleng simple lang ang gayak niya.

Isang itim na low cut merrell shoes ang sapin niya sa paa, na kanyang tinernuhan ng kanyang paboritong itim na denim na jacket, sapagkat may kalamigan ang pook na iyon sa mga ganoon nang mga oras.

Bumalik siya sa mesa ng Alpha, at hindi nagdalawang-isip na tunggahin ang alok na tagay ni Ireneo na baso na naman ng pulang kabayo. Sa isip niya’y mukhang mapapasubo siya sa gabing ito sapagkat tiyak niyang hindi siya tatantanan ng Heneral sa kahilingan nito. Kailangan niya ng kaunting pampalakas ng loob at pampataas nang kumpiyansa ngayong gabing ito.

Hindi sa alanganin siya sa kanyang abilidad, kundi dahil ito sa pagkapasubo niya sa lahat ng opisyales ng Battalion. Umaasa ang mga ito na mala-ibong adarna ang kanyang boses, dahil na rin sa sobra-sobrang pagpapakilala ni General Juaton sa kanyang talento.

“Bry isa pa nga” hirit niya, na di naman binigo ni Ireneo.
Daglian ulit niyang tinungga ang lamang beer ng baso.

“Oh bok dahan-dahan lang”, isang pamilyar na boses.

Si Delavega, ang Battalion S3, walang kalam-alam si Edwin na kasama pala ito sa grupo ng mga taga Alpha. Nasa bandang gitna kasi ng mahabang mesa Sina Brian, Joy, at Rina, at hindi niya kagad agad mapapansin ang hilera ng mga taong nkaaupo patagilid sa kanya.

“Oh Art, buti napadaan ka dito sa amin”, si Edwin, habang nagmamadaling umikot upang makabalik sa kanyang upuan.

Kung nabigla man siya sa presensiya ni Delavega, ay dobleng gulat naman niya pagkatapos mamukhaan ang katabi ng S3 sa lamesa.

Si Claire. Napadako ang tingin nito sa kanyang pag-upo, kasunod ang isang simple nitong pagbati.

“Hi Edwin…. “. Kakakibat nito ang bahayang pagkaway ni Claire sa kanyang dako.

“Hi Claire”, simpleng balik-bati ng tinyente.

Dahil nga yata sa lamig ng lugar tuwing gabi ay nakapantalon ang karamihan. Si Claire, bagamat simpleng-simple din sa gayak, ay labas ang mga malarosas na pisngi dahil sa suot na kulay pink na baby tee shirt..

Makaraang bawiin ni Claire ang paningin ke Edwin, ay pinal na ring nagpasiya ang binata.
Papanindigan niyang hinding-hindi na ulit siya lilingon o susulyap sa mga dako ng dalaga. Isa pa’y mayroon talagang bahid ng inis at pagkadismaya na nadarama si Edwin sa dalaga kahit pa sabihing meron siyang pagsinta dito.

Ang kanyang puwesto ay bahagyang nakatalikod sa stage, kung kaya’t kailangan niya ipihit ang kanyang kinauupuan.

“Hoy ok lang?”, si Joy matapos nitong pihitin din ang ang upuan kasunod niya, ang dalawa ay parehas nang nakatunghay sa entablado.

“Okay na okay, ang ganda ng katabi ko eh, ikaw okay ka lang?”

“Medyo malamig na”, si Joy. Malambing nitong idinantay ang ulo sa balikat ng tinyente.

“Ganda pala niya talaga noh, ahihihi”, may- maya at walang anu-ano ay tila pang-aalaska ni Joy ke Edwin.

Tiningnan niya ito. Ngiting-ngiti si Joy, habang ang tinyente nama’y walang kaemo-emosyon.

“Ang ganda pala niya talaga sabi ko Edwin”.

Hindi pa rin ito pinapansin ng tinyente hanggang sa may maramdaman siyang bahagyang sakit mula sa kanyang tagiliran.

“Aray, araaayyy, arrrayyy koo,” si Edwin, pagkatapos siyang kurutin ni Joy.

Inapuhap ng tinyente ang kanang kamay ng dalaga. Nang makuha ay ipinatong ito sa kanyang hita, pagkatapos ay pinisil-pisil, at hindi na ito muling binitawan.

“Mas maganda ka hoy, tatalikuran ko ba yan kung mas maganda siya sa iyo, sige nga?”, biro ng tinyente sa halatang nagseselos na kapareha.

“Edwin, bagay kayo. Mas bagay kayo Edwin”, si Joy.

Hindi niya nakita ang mukha nito pagkatapos bitawan ang mga katagang iyon, pero sa pagkakadantay pa rin ng mga ulo nito sa kanyang balikat, ay ramdam na ramdam ng tinyente ang medyo bumilis na paghinga ng dalaga.

Nagseselos nga ito, natiyak niya, na kanya na lamang ginantihan ng pagpisil-pisil sa hawak-hawak pa ring kamay ng dalaga.

“Pwede manigarilyo?” si Edwin, pag-iiba niya sa paksa.

“Uh- huh”, ang dalaga.

“Ang ganda niya Edwin, malungkot pa ring sambit nang dalaga, at nagpatuloy pa ito.

“Edwin, totoo iyon, mas bagay kayo, kung gusto mo talaga siya, huwag mo siya susukuan, basta kung kayo na ha, huwag mo lang akong kakalimutang sabihan.”

Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabing iyon ni Joy.

Gusto niyang magsalita, pero ayaw naman niyang magmukhang nagpapaliwanag. Isa pa’y may guhit na ng habag siyang nararamdaman para dito.
Gamit ang dalawang kamay, ay inakbayan ni Edwin ang dalaga, hanggang sa tuluyang ihilig nito ang ulo sa kanyang balikat.

“Iyang panty mo dapat masikip yan ha, baka malaglag na talaga yan mamayang kantahan kita”, banat ni Edwin.

Bagay na mistulang nagpabago sa bahagyang nalungkot na si Joy, sa narinig ay bumalik ang nawala nitong sigla kani-kanina lamang.

Muling nasilayan ng tinyente ang matamis na ngiti ni Joy, ang cute na cute nitong mukha, at ang muli na namang lumilitaw na biloy nito.

“Okay ladies and gentlemen please settle down so we can proceed with this night’s event. We will commence theBattalion’s Got Talent shortly. Mangyaring magpunta dito sa stage ang isang kinatawan ng bawat kompanya para sa draw latch ng kanya- kanyang performances, in the spirit of fairness.”

Hindi pa man tuluyang natatapos ang Master of Ceremony, ay isang humahangos na Private ang umakyat sa entablado, halatang inutusan ng mga nakatataas sapagkat galing ito mula sa direksiyon ng mga VIP’s, sa Presidential Table.

“Lt Santos Sir.”, maya-maya nga’y tawag na mula sa entablado sa kanya.

Sa stage, ay ipinaliwanang sa kanya na pinapauna siyang pakantahin ng Divison Commander, bagay na wala siyang magagawa. Pagkatapos ianunsiyo ng MC sa mga hurado na ang Alpha ang unang magpeperform, ay inabot na nito ang mic sa tinyente.

Pagkabigay na pagkabigay ng mikropono sa kanya, ay agad na naghiyawan hindi lamang ang kanyang tropa sa Alpha, kundi maging ang mga kabataang bisita ng buong batalyon ng gabing iyon. Matawa- tawa din siya ng madinig niya ang pinakamalakas na yata na hiyaw mula sa mga grupo ng dalagitang me kasamang bading kanina.

“POOOOOOOGIIIIIIII, kakanta si POGIIIIIIIIIIIIIIII”, ang nakakatulig na tili at sigaw ng bading, sigaw na nangibabaw sa lahat ng ingay sa kampo, sigaw na pumukaw sa atensiyon ni Claire na sa mga sandaling iyon, na kundi okupado sa kanyang cellphone, ay wiling-wili naman sa pambobola ni Delavega.

Napatuon ang kanyang mga mata sa dako ng entablado, gustong matiyak kung para kanino ang nagsimulang masigabong palakpakan na galing sa madla. Sa kanyang kinauupuan ay tanaw na tanaw niya si Edwin, at natiyak na ang mga hiyawan na iyon ay para nga sa batang pinuno.

“ALPHA”, simpleng yakag sa mikropono ni Edwin sa mga tropang kasamang magtatanghal.

Walang mga bitbit na mga sariling instrumento ang grupo, bagay na lalong nagpahiyaw sa mga naghihintay na manonood at bisita, sa pag-aakalang isang dance number ang gagawin ng mga sundalo.

Saglit na nakipag-usap ang tinyente sa pianista ng inarkilang combo. Makaraa’y tumapat na ang lahat sa kanya-kanyang aparato. Sa puntong iyon, pagkatapos niyang isuot ang strap ng rhythm guitar sa kanyang balikat, at tapatan ang mikropono na nakahanda para lamang sa lead vocalist, ay doon pa lamang lubusang napagtanto ng kanyang mga tropa ang kanyang palaging sinasabi noong sila’y nag-eensayo: “Ako bahala sa bokalista, focus lang kayo sa kanyang-kanyang instrumento”.

Dumagundong pa lalo ang sigawan, pinakamalakas ang palakpakan mula sa Alpha Company matapos ding matanto ng mga ito na ang kanilang Company Commander mismo ang bokalista.

Nagsilipatan din ng posisyon ang mga taga Alpha, kung kayat nawala sa dating posisyon ang mga tropa.

Bago magsimula, tumingin si Edwin sa kinauupuan kanina ni Joy, naroroon pa rin ang dalaga, at kinindatan ito, bago kalabitin ang kwerdas ng kanyang gitara, ang hudyat ng pagsisimula ng banda…

Pumailanlang na nga ang tipa (key) ng “G” sa hangin, mula sa isa sa mga sikat na sikat para sa mga kabataan na kanta, ang tanyag na piyesa ni Troye Sivan, kasunod ng boses ni Edwin, na siyang tuluyang magpapatahimik sa lahat…

I need a lover to keep me sane
Pull me from hell bring me back again
Play me the classics, something romantic
Give him my all when I don’t even have it….

Ang unang talata pa lamang ng kanta ay naghatid na kay Joy nang ibayong ligaya at pagkakilig.

Oo alam niya na maganda ang boses ni Edwin, pero ni sa hinagap ay hindi niya aakalain na ang kanyang paborito pa talaga ang kakantahin nito.

Hindi mabura-bura sa kanyang mga labi ang pagkakangiti nito habang minamasdan ang kumakantang si Edwin.

Naging espesyal pa lalo ang tinyente sa kanyang puso.

Sa gawing likuran ng umpukan ng nagsilipatang miyembro ng Alpha ay si Claire. Biglang naging tahimik ang dalagang kanina lamang ay bibong- bibong nakikipaghuntahan ke Delavega. Tahimik, subalit hindi nito maikukubli ang tamis ng kanyang pagkakangiti, at ang pasimple niyang pagsabay lalo na nang humiwa na sa hangin ang nakabibighaning tipa mula sa “synthesizer” o pianista, bago pa tahakin ni Edwin ang bahaging Chorus ng kanta..

I just wana live in this moment forever
Cause im afraid that living couldn’t get any better
Started giving up on the word forever
Until you give up heaven so we could be together
You’re my angel, angel baby
Angel, you’re my angel
Baby, baby you’re my angel, angel baby….

Halos himatayin ang mga kabataan sa kilig, habang sinasabayan ang liriko, at ang napakalamig na boses ng bokalista, ang pinuno.

Pati ang buong mesa ng mga VIP ay ngiting-ngiti, manghang-mangha sa hatak ng boses ng tinyente sa mga nanonood.

Si Claire. Hindi niya mawari, pero batid niyang may dalang haplos sa kanyang kaloob-looban habang tinatapos ni Edwin ang nalalabing bahagi ng kanta.

At bumalik bigla sa kanyang alaala ang una nilang pagtatagpo.

Ang sandaling natarayan niya ito at napagsupladahan, lalo ang sandaling mistula niyang napahiya ang binata dahil sa walang preno niyang mga bibig.

Hindi ito matiyak kung ano ni Claire, sapagkat bago para sa kanya ang sumibol na damdamin na iyon.


Join our new website to chat and read more updated stories at www.libog-stories.com


Tuluyan na siyang inanod ng nadarama. walang pakialam ay napatayo bigla ang dalaga, at tumuntong sa monoblock na kinauupuan, bahala na kung siya’y matumba at mabuwal, o magmukhang katawa-tawa sa ginawa.

Basta ang tiyak lang niya’y hindi na niya kaya ang silakbo, na kailangan niyang masilayan ang mukha ng bokalista, kasunod nang hindi niya sinasadyang pagkamutawi sa pangalan ng tinyente.

“Edwin…”

elmergomopas
Latest posts by elmergomopas (see all)

Response (1)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories