Uncategorized  

PEPE

razel22
PEPE

Written by razel22

 


PEPE

 

18+

 

BY: RAZEL22

 

Isang hapon sa loob ng opisina ng isang lending company . Tumayo ang manager at agad isiniwalat ang isang napakagandang balita sa lahat . “ Ok guys. Gather here in front of me. I have a good news! And it’s a surprice huh.” Ani nito na kumuha ng atensyon ng kanyang mga tauhan.

 

Masayang nagsitayuan naman ang mga empleyado at lumipat ng upuan malapit sa managers desk at nag-antay sa susunod na sasabihin ng kanilang boss. “ As we all know na merong vacant position. And sa maswerteng nakakuha ng pinakamataas na production at naabot ang quota for almost a year ay isa lang masasabi ko. Congratiolations.” Nakangiting saad nito.

 

Agad naman tumayo ang isang lalaki at taas noong hinarap ang kanilang boss. “ Tinatanggap ko na po ang promotion sir. And alam ko namang sakin mapupunta ang promotion bilang supervisor eh hehe” saad niya sabay tingin sa mga kasamahan lalo na sa babaeng nananahimik na nakaupo sa dulo.

 

“ Keep calm guys at lalo na ikaw Stephen. I’m sorry but you got it wrong . Hindi ikaw ang makakatanggap ng promotion. “ saad ng manager kaya kunot noong napatitig siya dito . “ Huh? Ako yung may pinakamataas na nakuha sir and Quata din naman ako ah. “ sagot ni Stephen pero napailing ang manager.

 

“Ehem . . .Ok tama na ang pasikot sikot. Let’s Congrats our newly promoted supervisor. . . . . Pedro Sarmiento!” malakas na saad ng boss sabay palakpak. Natahimik ng ilang Segundo ang lahat at napabaling ang tingin sa isang binatang nananahimik sa gilid.

 

Si Pepe.

 

Di nagtagal ay biglang nagdiwang ang lahat at isa isang nag congrats sa binata. Nahihiya man ay mainit na tinanggap ni Pepe ang pakikipagkamay ng kanyang mga kasamahan. “ Ok Pepe come here at tabihan mo ko. “ saad ng manager kaya napapakamot sa ulo na tumayo si Pepe at naglakad papunta sa gitna . Nahihiya pa sa una pero nang mabaling ang tingin niya sa babae sa dulo na nakangiting nakatingin din sa kanya ay parang gumaan bigla ang kanyang pakiramdam at dahan dahang tinaas ang noo.

 

“ T-thank you po sir.” Simpleng saad niya sa manager at nakipagkamay. “ Pinaghirapan mo yang posisyong yan and nararapat lang na sayo maibigay. Congratiolations ulit Pedro Job well done. “ bati nito kay Pepe at tinapik tapik pa sa balikat.

 

“Ok here’s the results of promotion at kung bakit si Pedro ang nakakuha ng bakanteng posisyon. “ dugtong ng kanilang boss at pumunta sa kanyang desk sabay tutok ng projector sa harapan. Sa pagkagulat ng mga naroroon ay si Pepe nga ang may pinakamataas na puntos kahit saan tignan.

 

Kahit si Stephen ay hindi makapaniwala na nalamangan siya ni Pepe pero wala na rin siyang may magagawa dahil sa naipromote na ito kaya. . . “ Guys. . .Dahil san a promote si Pepe why don’t we celebrate for his promotion? Di ba? For our new supervisor it’s like a team building kung saan ay magkakasalo salo tayo at mas gumanda ang bonding!” sushestyon nito .

 

Nagkatitigan muna ang lahat hanggang sa napatango. “ Sige! Mas Masaya nga yun Steph!”

 

“ Bonding kasama mga boss! At inuman din minsan hahaha!”

 

“ Sa wakas  makakasama na rin namin sina Vi at Nancy sa labas!” sigaw naman ng isa kaya pati ang manager ay natatawa na sa mga sinabi ng kanyang mga  tauhan.

 

“Ok ok! Since maganda din yang suggestion ni Stephen sige. After office hours ay lalabas tayong lahat at mag bar!!” sambit ng manager na nagpasaya sa kanyang mga tauhan. Nanatiling tahimik naman si Pepe at parang naninibago dahil sa hindi niya inaasahan na sa kanya mapupunta ang posisyon.

 

Dahil na rin sa mga naranasan niya noon sa buhay ay natuto na siyang makipagsapalaran kaya napakasimple lang sa kanya ang makisalamuha sa mga tao lalo na sa clients ng kanilang lending. Siya rin ang may pinakamaraming new clients. Pero naninibago siya ng oras na yun dahil sa biglaang promotion na natanggap.

 

Matapos ang masayang pagpapakilala sa kanya na bagong supervisor ng opisina ay nagsilapitan ang kanyang mga kasamahan para batiin siya at kahit nahihiya man ay malugod niyang tinanggap ang pakikipagkamay ng mga ito hanggang sa. . . .

 

“ Pe. . . Congrats. “ sambit ng isang babae. Ito si Vi Gonzales. 23 years old at graduate ng kursong accountancy. Siya ang cashier ng opisina at inaaligid ng mga katrabaho dahil sa gandang taglay nito. May taas na 5,4 at mahubog ang katawan. Agaw tingin rin ang hinaharap nito at ang pwetan na sa bawat hakbang ay kusang umaalog . Ika nga ng iba na Apple of the eye ng opisina.

 

Di rin maikakailang nahumaling din si Pepe sa ganda ni Vi pero dahil sa ganda ng dalaga ay parang bumababa ang kanyang self esteem para dito . Pero nung oras na yun ay huminga siya ng malalim at napangiti. “ Salamat Vi. . . . .” simpleng sagot niya at inabot ang kamay ng babae.

 

Sa pinakaunang pagkakataon ay nahawakan niya ang kamay ng dalaga at halos magdiwang ang kanyang kalooban sa lambot ng palad nito hanggang sa sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga at pinakita ang mapuputing pares ng ipin na isa sa kanyang asset.

 

“Uy Vi ako naman jan oh. . .Hello Peps! Congratiolations! Uhhmm can I call you sir now? Hihi. “ saad naman ng isang dalaga na tumabi kay Vi at inilahad din ang kamay.  Siya si Nancy Trinidad 23 din at graduate ng business management. Siya ang Clerk ng opisina pero di tulad ni Vi . Medyo boyish pumorma si Nancy . Magkasintangkad lang sila ni Vi at mahubog din ang katawan. Pero dahil na rin sa brusko gumalaw ay walang nag-aatempt na dumiskarte sa babae lalo na’t pulis ang tatay at nanay nito at may apat na kuya na purong sundalo. Bilang bunso ay alagang alaga si Nancy ng kanyang pamilya kaya di na pinapasok pa sa pagpopolice at sa isang lending company na siya napunta at nagtrabaho.

 

Inabot naman agad ni Pepe ang kamay ni Nancy  pero di ito kasinlambot ng nauna. Medyo magaspang ang palad ng dalaga na parang isang maton . “ Salamat Nancy ha. “ simpleng sagot niya na lang at magsasalita pa sana ng biglang inakbayan siya ni Stephen na nagmula sa likuran.

 

“ Congrats Pepe! Or Sir Pedro na itatawag ko sayo haha. Nga pala Vi at Nancy! Sama kayo mamaya ha. Minsan lang naman to at magsasaya tayo sa pagdiriwang ng promotion ni Sir Pedro di ba sir!” sambit ni Stephen kaya napapatango na lang si Pepe dahil sa hindi ito komportable sa tabi ni Stephen.

 

Ito kasi yung bully ng opisina at ilang beses na rin siyang pinatikim ng pagkasuplado ng lalaki at pinagpainitan. Medyo mahigpit rin ang pagkakaakbay sa kanya pero naiintindihan rin ni Pepe yun dahil sa umaasa ang isa na sa kanya dapat ang promotion pero kay Pepe napunta.

 

“ Sure ! sasama kami! Di ba Vi? Sasama ka di ba? Di ba? Di ba?“ wika ni Nancy at kahit nagdadalawang isip ay napatango na lang ang dalaga .

 

Kinahapunan matapos ang trabaho ay sumakay sila sa Van na pag mamay-ari ng manager at tinahak ang daan papunta sa isang sikat na bar . Pagkadating nila ay agad na binati ng guard ang manager. “ Sir James! Good afternoon po. Pasok po kayo” masayang saad nito at tinapik tapik pa ng manager ang balikat ng gwardya na para bang close na ang mga ito.

 

Sa pagkakapasok ay meron ng mga naroroon na nag iinuman at nakikinig sa banda na nasa stage. Acoustic songs ang tinutugtog at nakakarelax sa tenga. Di nagtagal ay lumabas ang isang babae na may-ari ng bar at lumapit sa manager at kinausap ito hanggang tinuro ang isang silid na kung saan ito ang VIP room.

“Guys! Tonight walang sir sir! Let’s all be friends! Tapos na office hours kaya pantay pantay na tayo ngayon. Walang manager. . . .Magkalebel ang lahat kaya tara na at pumasok na tayo dun oh” sabi ng manager na si James kaya napangiti ang lahat at sinundan siya.

 

Nasa sampung katao ang lahat pati na si Pepe. Pagkapasok pa lang ay humanga ang mga empleyado sa ganda ng VIP room dahil sa merong tatlong mahahabang sofa at crytal na mesa sa gitna. Meron ding Videoke para sa kasiyahan ng biglang pumalakpak si Manager james .  “Guys! Let’s order. . Ako ng bahala sa lahat at gusto ko lang maging masaya tayo dito kaya enjoy na!” malakas na pagkakasabi niya at doon ay nagsiupuan na ang mga empleyado at kinuha nag songbook sabay hanap ng makakanta.

 

Ang manager na mismo ang nag order ng isang case ng beer at tatlong bucket ng friend Chicken. Masayang nag-usap ang lahat na para bang yun ang pinaka una unahan nilang pagsasama sa iisang bubong. “ Mario! Simulan mo nang kumanta para masundan na naming kaagad!” sambit bigla ni Stephen kaya nakangiting naglakad si Mario sa Videoke at pinindot ang kantang nagustuhan nito.

 

“Nagsimula sa patikim tikim! Pinilit kong gustuhin. “ intro nito at naghiyawan ang lahat

 

Bisyo’y nagsimulang lumalim! Kaya ngayon ang hirap tanggalin”

 

Sa indak ng musikang Laklak ay nagsimula ang kasiyahan at inuman. Nanatiling tahimik si Pepe at napapangiti na lang sa kanyang nakikita. Andun siya ngayon nakaupo sa kabilang sofa at kaharap niya ang manager na katabi nina Nancy at Vi na nagsisimula na ring uminom.

 

Isang oras,

 

Dalawang oras

 

Tatlong oras ang nakalipas at gabi na pero sige pa rin ang lahat ngunit isa isa ng umuwi ang may mga pamilya hanggang sa lima na lang ang natitira. Si Pepe, Manager James, Vi, Nancy at Stephen. Medyo may tama na rin ang lahat maliban sa manager na pasimpleng inakbayan na ang balikat ni Vi na tinamaan na rin ng kalasingan.

 

“ Nice Vi! Yan ang cashier ko! Isa pa hahahhaha. Sige inom pa. Don’t worry hahatid kita mamaya!” saad ng manager. Si Nancy na ngayon ang kumakanta at tumayo pa mismo na sinabayan ng pagsayaw. Si Stephen naman ay pabalik balik sa C.R hanggang sa luhaang bumalik sa sofa na pinahid pa ang bibig. “ S-sir! Sorry pero parang di ko na yata kaya! Mauuna na po ako. “ saad nito pero muli na namang naduduwal at patakbong bumalik sa C.R at muling  sumuka.

 

Isang oras pa ang lumipas at nalasing na ng tuluyan si Pepe at Nancy pero nanatili ang dalawa si Sofa at nakikinig na lang ng musika sa Videoke habang ang manager naman ay pasimpleng hinihimas ang bewang ng dalagang si Vi.

 

Dahil sa kalasingan ay parang nag-iba ang pagkatao ng mahinhing si Vi at nang oras na yun ay siya pa mismo ang nagpatong ng kanyang kamay sa binti ng manager. Gaano man kalasing si Pepe ay alam pa rin niya ang nangyayari lalo na nung may ibinulong si Manager James kay Vi sabay tayo. “ Guys! Samahan ko muna sa C.R. Mukhang di na kayang maglakad eh. Babalik din kami kaagad. Enjoy lang. “ saad nito

 

“Sus! Magkakantutan lang kayo sir eh hehe joke lang!  hik! Hnggghh nang alak yan ohh. . Pepe tagay pa!!” saad ni Nancy kaya napakamot na lang si Pepe sa kanyang ulo at napabaling ang tingin sa kayang manager na inalalayang ang dalagang si Vi papunta sa C.R.

 

“Pst! Peps. Sa tingin mo magkakantutan ba ang dalawang yan heheheh. “ sambit ni Nancy kaya natawa bigla si Pepe at nilagok ang kanyang beer. “ Hayaan mo na lang sila. Manager yan eh. At parang gusto naman ni Vi kaya inom ka na lang. “ sagot ni Pepe pero nakakadama din siya ng pagkadismaya.

 

“ Hmm sabagay. Nga pala Peps may jowa ka na ba? “ tanong nito kaya napapailing na lang si Pepe . “ Wala. Wala namang nagkakagusto sakin at isa pa wala namang kaespe-espesyal kaya ok lang ako kahit mag-isa. “ sagot nito.

 

“ Ahhh satisfy ka na pala kay Maria ano? “ tanong bigla ni Nancy na nakapagpakunot sa noo ni Pepe. “ Maria? Sino namang Maria yun eh wala nga akong syota.” Sagot nito

 

“Sino pa ba. Edi si Mariang Palad bahahahahaha. . . .” natatawang hiyaw  ni Nancy sabay galaw na parang nagjajakol. “ Oh pagod na ang Mariang kanan! Mariang Kaliwa naman bahahahahaahhaha” halakhak ng tawa niya kaya napatapik na lang si Pepe sa kanyang noo at hindi makapaniwala sa ginagawa ng kanilang Clerk.

 

Pero may tama din naman ito dahil minsan sa kakapanood niya ng porn ay di niya napipigilang mapajakol sa loob ng kanyang bahay. “ Sus ! Ikaw wala din namang boyfriend ah. “ sagot ni Pepe pero napangiti lang si Nancy . “ Di ko kailangan nun  uy! Di bale na nga! Cheers! haahah. “  Muling nag inuman ang dalawa hanggang sa magulat sa hiyaw ng isang babae.

 

“ Uggghhhhhhhh!!! Oh my God Sir!!! Hhnnngghh!! Fuckk Yeaaaaaaahhhhhh!!! “

 

Mga nakakapangilabot na ungol ang nadinig nila na nang galing sa loob ng banyo kaya napapailing na lang si Pepe at tinitigan si Nancy. “Mukhang makakasagabal yata tayo sa dalawa. Tara. “ saad nito pero bigla siyang tinapunan ng tissue ng dalaga. “ Heh! Anong akala mo madadala mo ko sa diskarteng yan? Sus Pepe. . . .May Pepe din ako no bahahaahha. . .” sagot nito pero agad na napapailing si Pepe at tumayo.

 

“ I mean is tara na at maunang umalis. “ saad niya kaya napanganga si Nancy at natatawang napatango. “ Ah yun pala yun? Sorry di ko na gets. Sige tara na. “ sambit nito sabay tayo hanggang sa. .  .

 

“Sir James!!! Vi!! Mauna na daw kami ni Pepe! Maaga pa trabaho bukas! Enjoy lang at magparami! Bahahahahaha” sigaw ni Nancy at nang wala silang madinig na sagot ay lumabas na lang sila ng VIP Room.

 

Pero nung gabing yun ay nangyari ang hindi inaasahan.

 

Sa paglabas nila ng establishimento ay pumara ng Taxi si Pepe para ihatid si Nancy. Masyadong matraffic ang daan na at parang pagong ang galaw ng mga sasakyan at di pa ito nakakalayo sa bar na pinanggalingan ng dalawa. “ Manung Driver. . . .Bakit parang di tayo umaalis? “ reklamo ni Nancy .

 

“ Pasensiya na miss pero masyadong marami ang mga sasakyan at wala tayong madadaanan. Huwag kayong mag-alala at makakaalis din tayo dito” sambit ng matanda na nakasilip sa rearview mirror.

 

Nahihilo pa ang pakiramdam ni Pepe at Nancy kaya napasandal ang dalaga sa balikat ng binata at ipinagpahinga ang katawan hanggang sa biglang makadinig sila ng sigawan sa unahan. Napasilip din si Pepe sa labas at nakitang nagkakagulo hanggang sa may biglang sumalpok na sasakyan ng bangko sa isang truck at nagsilabasan na ang mga tao at nagsisigawan.

 

“Nancy! Wait lang ha. Titignan ko muna nangyayari sa labas. “ saad ni Pepe bago lumabas ng taxi na hindi naman umaalis hanggang sa tinignan niyang mabuti ang sa unahan at nagulat sa nasaksihan.

 

Mula sa loob ng sasakyan ng banko ay bumukas ang pintoan sa likod at lumabas ang isang police sabay talon sa isang matanda at sinunggaban ng kagat ang leeg nito.

 

“ Graaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!! Hhraaaaaaaahhhh!!!” hiyaw ng matanda at pinipilit na itulak ang ulo ng police pero di nagtagal ay agad itong binawian ng buhay. Ang ibang naroroon ay nasindak sa nasilayan at ang iba naman ay kinuhanan ng video ang naganap.

 

Pero nung matapos lapain ng police ang matanda ay dahan dahan itong tumayo at nanginginig ang katawan dahil sa pagkabali nito nung bumangga ang sasakyan. Sa ilaw na nagmumula sa streetlight ay pinagmasdan ng mga tao ang mukha ng police at laking gulat ng mga ito ng makita na pula na ang mata at parang naaagnas na ang mukha. Merong  itim na rin na lumalabas na dugo sa bibig at ilong hanggang sa. . .

 

“Graaaahhhhhh!!!!” alulong nito at tinakbo ang pinakamalapit na tao at muli na naman sinunggaban. Sa hindi inaasahan ng karamihan ang matandang inatake ng police ay nanginig din at ang balat ay namutla. Nakikita na rin ang humuhulmang pulang ugat at madidinig ang pag crack ng katawan at di nagtagal ay nanghablot na rin ito ng mabibiktima.

 

“Ahhhhhh!!! Takbooooo!!! Mga halimaaaw!!!

 

“Halimaw!!! Mga halimaw!!! Takbooooo!!!!” sigaw ng mga tao at mas nagkagulo pa dahil sa dulo ng traffic sa bandang stoplight ay mahigit limampung katao na ang nabiktima ng mga bangkay at patakbong hinahabol ang mga naroroon.

 

Nasindak din si Pepe sa kanyang nasilayan kaya agad niyang binuksan ang taxi at inabot ang dalaga. “ Nancy!!! Lumabas ka na jan! Delikado na sa lugar na to!!” sigaw niya pero tulog na ang dalaga dahil sa kalasingan . Bumukas rin kaagad ang pintoan ng driver at dahil na rin sa takot ay napatakbo ito.

 

“Manung! Sandali! Tulungan mo muna ako!!” Sigaw ni Pepe pero di na ito muling lumingon ngunit sa tinakbuhan ng driver ay merong isang nabiktima ang tumalon sa kanya at parang isang gutom na hayop na nilapa ang driver na nagsisisigaw sa sakit ng pagkagat sa kanyang leeg.

 

Sa pagkataranta ay hinila ni Pepe ang kamay ni Nancy at inilabas ito sa Taxi sabay karga sa kanyang braso. Napakahimbing ng tulog ng lasing na dalaga at walang kaalam alam sa nagaganap sa paligid pero si Pepe naman ay tinakbo na ang daan pabalik sa pinanggalingang bar.

 

“ Guard! Emergency! Pakisarhan ang pinto bilis!” sigaw ni Pepe at pumasok na kaagad. “ Sarhan? Bakit ano bang nangyayari? “ kunot noong tanong ng guard . Kahit ang mga nasa loob na nakikinig sa banda ay napasilip rin sa nangyayari sa labas hanggang sa ipinaupo ni Pepe si Nancy sa bakanteng sofa at tinakbo ang pinto para pagsarahan na sana.

 

Lumabas naman ang guard para tignan ang nangyayari pero sa pagsilip niya pa lang ay meron nang isang naagnas na nilalang ang dumakma sa kanya at kinagat ang kanyang braso. “Ahhhhhhh!!! Putanginaaaaa!!! Ano toooooo!!” sigaw niya sa sakit at kinuha ang pistol na sout hanggang sa. .

 

“Blam!!! Blam!! Blam!!!” Tatlong putok ang pinatama sa katawan ng kumagat sa kanya pero parang di man lang ito naapektuhan at nakakuha pa ng atensyon sa ibang naagnas ang tunog ng baril hanggang sa mas dumami pa ang tumakbo papunta sa kinaroroonan ng guard at sa kasamaang palad ay muling kinagat na naman siya . Hindi lang isa kundi parami ng parami hanggang sa tuluyang nilapa ang katawan ng kawawang gwardya at namatay sa kanyang kinaroroonan.

 

Di naman nakagalaw si Pepe sa nasaksihan at buti na lang ay may kurtina sa glass door na hindi makikita ang loob nito. “ Iho! Anong nangyayari sa labas? Anong meron?” tanong ng isang lalaking sa tantya ay nasa edad kwarenta pero agad na sumenyas si Pepe na tahimik ngunit dahil na rin sa kyuryusidad ay naglakad ang lalaki papunta sa pintuan at sinilip ang mga nagaganap.

 

Ang mata’y biglang bumilog dahil sa kahindik hindik na eksenang nakita sa labas habang walang tigil na kinakain ng mga patay ang guard ng bar. “ Z-zombie? Iho totoo ba ang nakikita ko?” tanong ng lalaki kay Pepe kaya dahan dahan napatango ang binata. “ S-sa mga nakikita ko ay parang ganoon po ang nangyayari. Lock na po  muna natin ang pinto.” Saad ni Pepe at dahan dahang inikot ang lock ng glassdoor ngunit. . . . . .

 

Bago pa masarahan ay aksedenteng nadulas ang paa ng lalaki at tuluyang nabuksan ang pintuan. Sa pagkagulat ng karamihan lalo na si Pepe ay di nila alam ang gagawin lalo na nung napabaling ang tingin ng mga bangkay sa lalaki at isa-isang dinakmaan ng mga ito ang kawawang panibagong biktima. “ Huwag!!! Huwaaaaggggggggggg!!! Arggggghhhhhhhhhhh!!!”

 

Sa sobrang takot ay mabilis na napatakbo si Pepe pabalik sa kinaroroonan ng natutulog na si Nancy at kinarga ito sa kanyang balikat sabay takbo papunta sa kung saan ang VIP room ng kanilang inupahan. Di na ito nagdalawang isip pa nung binanggang ng kanyag balikat ang pinto at tuluyang nabuksan ngunit sa hindi inaasahan ay nagulat siya sa kanyang nadatnan.

 

“V-Vi?” sambit nito sa babaeng namutla nung makita siya. Nakabukaka si VI sa sofa na nakaharap sa kanya habang nakapasok pa ang titi ni Manager James sa naglalawang puke nito.

 

“Kyaaaaaaaaaaaaa!!!!” sa pagkagulat ay napasigaw ang babae pero kasunod nun ay ang sigawan sa labas . Natulala man ng ilang Segundo ay nilock na kaagad ni Pepe ang pinto at kinuha ang isang sofa sabay harang sa pasukan.

 

“ Pepe! Anong ibig sabihin nito!!” galit na sigaw ni James pero agad na sumenyas si Pepe na tumahimik at di na pinansin ang kahubdan ng dalawa. Dali-dali namang umalis sa pagkakapatong sa titi ni James si Vi at tumakbo pabalik sa C.R. dala dala ang kanyang mga damit.

 

“Pepe! Magsalita ka! Anong ibig sabi. . . . .” di na natapos ng manager ang pagsasalita nung makita sa bintana ang mga bangkay na umaatake sa mga naroroon sa labas. “ Zombie! Sir mga Zombie! “ bulong ni Pepe at dahan dahan pinahiga ang natutulog na si Nancy sa sofa .

 

“ Sorry sir pero wla na kaming mapupuntahan pa dahil sa napuno na ng bangkay ang paligid. Napakadelikado na sa lugar na to. “ saad ni Pepe at mabilis na tumakbo sabay hila sa kable ng videoke para mapatay ito. Agad niya ring pinatay ang ilaw para hindi na makakuha pa ng atensyon ng mga bangkay sa labas at si James naman ay nagmadaling nagbihis ng kanyang damit at nakakaramdaman na ng hiya.

 

“Sir sandal lang ha. Tignan ko lang kung may daanan dun sa C.R” saad ni Pepe pero di na siya sinagot ni James dahil sa muling sinilip nito ang mga nagaganap sa labas.  Naglakad naman si Pepe papunta sa C.R at sa pasilyo pa lang ay tinitignan nya na ang mga posibleng madaanan para makaalis dahil hindi na pwedeng makalabas sa entrance ng bar.

 

Nang makalapit siya sa C.R ay bigla ito bumukas  at lumabas si Vi na parang nahimasmasan na sa kalasingan. Napatigil ito ng makita si Pepe na palapit sa kanya ngunit di man lang siya pinansin ng lalaki at naglakad papasok sabay tingin sa kesame ng banyo.

 

“ Pe? S-sorry sa nakita mo kanina. . . . . Nadala lang ako sa kalasingan. . .” sambit ni Vi kaya hinarap siya ni Pepe at napangiti. “ Ok lang Vi. Wala sakin yun at di naman kita kaano ano hehe. Nga pala di na tayo pwedeng makalabas pa sa pinto dahil merong mga bangkay na naroroon at nanglalapa ng tao. “ saad ni Pepe na ikinatawa ni Vi.

 

“ Tsk. Kakapanood mo yan ng Pelikula. Zombie mode ba ka mo? “ saad ni Vi pero di na sumagot si Pepe at pumatong na lang sa indoro sabay abot ng maliit na kwadrado sa kesame at tulak ng dahan dahan. “ Yes. . . .Pwede  na to pero ang di natin masigurado ay kung paano tayo makaka-akyat. “ saad ni Pepe bago naglakad pabalik sa videoke. Sinundan na rin siya ni Vi na nagtataka .

 

Ngunit ang pagtatakang yun ay napalitan ng takot nung madinig niya ang mga ungol ng mga patay sa labas at nakita si James na nakasilip sa bintana. Doon ay sinilip din ito ng dalaga at akma sanang sisigaw dahil sa takot ngunit mabilis na tinakpan ni Pepe ang bibig nito. “ Shhh. . . Huwag mong kunin atensyon nila. . .Delikado tayo. “ mahinang bulong nito kaya napatango ang dalaga na kita ang takot sa mukha nito.

 

Napagpasyahan ng tatlo na maupo sa sofa at mag-antay ng mga tutulong sa kanila. Nasa tabi ng natutulog na si Nancy ang dalagang si Vi at nahihiya ito sa dalawang lalaking nakaupo sa kabilang sofa. Masyadong akward ang sitwasyon ng biglang basagin ni James ang katahimikan.

 

“ Pepe. May edeya ka ba kung paano tayo makakaalis dito? Kailangan ko pang nakauwi at balikan ang mag-ina ko. “ saad ni James kaya napatingin agad si Vi sa lalaki dahil sa nadinig. Alam niya ng may asawa’t anak ang manager nila pero ang sabi sa kanya ay nagkahiwalay na daw ang mga ito. Nakakapanlumo man ay naisahan siya pero wala siyang magagawa at tapos na ang lahat.

 

Naibigay niya na ang kanyang puri sa lalaki. “ Sa ngayon ay mag-antay muna tayo sir. Pero kung nagmamadali po kayo ay merong posibleng daan sa C.R ngunit ang hindi ko lang alam ay kung paano tayo makaka-akyat dun dahil sa kesame mismo ang daan. “ saad ni Pepe .

 

Dahil sa nadinig ay napatayo agad si James. “ That’s it ! Dun tayo dadaan ngayon! Total mas malaki ako sayo pepe ay ikaw muna ang aalalay sakin na makaakyat at kapag andun na ako sa itaas ay hihilahin ko kayo at sama sama tayong aalis dito. “ saad ni James .

 

Wala rin naman nagawa si Pepe at napatango na lang . “ Tara na at iakyat mo na ako. “ saad nito at mabilis na naglakad papunta sa C.R. Napalingon naman si Pepe sa dalagang si Vi at nakita na nagpapahid na ito ng luha sa mata. Di niya na ito tinanung pa kung bakit at sinundan na lang ang manager hanggang sa madatnan niya ito sa C.R na nakatingala at inaabot ang kesame.

 

“Pepe. Papatong ako sa balikat mo ha. “ saad nito kaya pumwesto na si Pepe sa gilid ng inodoro at inilalayan ang kanyang manager. Sa pagkapatong nito sa kanyang balikat ay nabigatan ng husto ang binata dahil sa malaking tao si James  pero tiniis niya na lang hanggang sa tuluyan na nga itong makaakyat.

 

“Haaaaaaa haaaa salamat Pepe. Sige tawagin mo na ang dalawa at sila naman paakyatin dito. “ utos ni James sa kanya kaya bumalik si Pepe at nadatnan si Vi na nakaupo pa rin pero niyakap na nito ang kanyang tuhod. “ Vi. . .Tara na ikaw na susunod na aakyat. “ saad ni Pepe kaya napatingin sa kanya ang babae at nakita niya ang luha sa mga mata nito.

 

“P-pe? “

 

“Shhhhh. Relax. Makakalis din tayo dito at makakauwi ka rin sa inyo. Huwag ka ng umiyak Vi” saad niya at inilalayan itong makatayo. Magkasama na silang naglakad pabalik sa C.R hanggang sa. .

 

“Sir. . Andito na po si Vi” sambit ni Pepe sabay tingala. “ Sir? Sir James? Andito na po si Vi sir. Siya na po aakyat. “ tawag pa ulit ni Pepe pero walang sagot na natanggap mula sa kanilang manager. “ Sir? Anjan ka pa ba sir?” tawag niya ulit ngunit ng walang sagot ay inakyat na rin ni Pepe ang inodoro at sinilip ang butas pero wala na talaga si James.

 

Napabuntong hininga na lang siya at pilit na ngiti ang pinakita sa dalagang si VI. “ Sorry Vi. Mukhang nauna na yata si Sir. “ sambit nito na kung saan ay naiyak na ang dalaga . Sinamahan ni Pepe si Vi na bumalik sa loob at pinapakalma dahil sa nanginginig na ang katawan nito sa takot hanggang sa muli niya itong pinaupo sa sofa at tinatapik tapik sa balikat.

 

Dahil na rin sa kalasingan ay nakaramdam ang sila ng pagkaantok hanggang napahikab si Vi at sumandal sa sofa. “ Pepe? Paano na to? Katapusan na ba natin? Tulad din ba to sa mga napapanood natin noon sa telebisyon? “ mahinang sambit ng babae. “ Siguro Vi. Di ko rin alam pero gagawin ko ang lahat makaalis lang tayo rito. “ saad nito ng biglang tumunog ang kanyang tiyan.

 

“Hmm mukhang di ka rin yata naghapunan kanina ha” saad ng Vi kaya napangiti na lang si Pepe at kumuha ng fried chicken sa mesa na mga tira nila kanina. “ No choice eh. Baka sabihing Kill Joy ako kung di ako sumama kanina. Sakin  pa naman yung promotion. Pero wala na to. Sayang na yun. Sa sitwasyong to ay siguradong nakalat na ang mga bangkay at kung may makita man sila na lumabas sa kalsada ay siguradong tutugisin nila ang mga yun. Haist. “ saad ni Pepe at nginuya ang manok sa kanyang bibig.

 

“ Paano kaya to nangyari Peps? Alam din ba to ni Nancy?” tanong nito na ikinailing ng lalaki. “ Tulog na siya nung malaman ko ang nangyari kanina at kinarga ko na lang siya pabalik dito” saad ni Pepe

 

“Swerte naman ni Nancy. May nag-aalaga. “ mahinang sambit ng dalaga . “ Btw Peps. Yung nakita mo kanina. Hmmm bunga lang yun ng kalasingan. . . . Di ako ganoong tao ha. “ saad niya. Natahimik na lang si Pepe at di makakuha ng maiisagot sa babae dahil sa nadatnan niya na ito at nakita ang katawan habang katalik ang kanilang boss.

 

“Peps? Ok ka lang ba?” tanong ulit ni Vi kaya pilit na ngiti na lang ang sinagot ni Pepe at napatango. Wala naman siyang dapat maramdaman na selos dahil wala namang namamagitan sa kanila. Pero parang nahihiya si Vi sa lalaki at magsasalita na naman sana ng biglang makadinig ang dalawa ng kalabog sa kabilang bintana. Agad na napasilip ang dalawa at dahil sa gumagana ang mga solar na streetlight sa gabi ay nakilala ng dalawa na si Manager James ang bumaba sa pader at payukong tumakbo paalis sa lugar.

 

Nakadama ng labis na galit si Pepe ng oras na yun pero wala siyang magagawa kundi ang antaying magising si Nancy para magkasama na silang tatlo na umalis. Ayaw niya ring iwan ang dalawang dalaga at para sa kanya bilang isang lalaki ay responisibilidad niya ang dalawa hanggang sa. . . .

 

“ Graaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!! Hraaaaahhhhhhhhhhh!!! GGrrkkkkkkk !!!!” isang bangkay ang aksedenteng bumangga sa pinto at dahil sa kalabog ay biglang nagising ang dalagang si Nancy. Nasa kabilang bintana pa sina Pepe at Vi at tinitignan ang mga nangyayari sa labas ng bigla na lang . ..

 

 

“Ahhhhhhhhhhh!!! Halimaaaaaaawwww!!! “ napakalakas na sigaw ni Nancy na kumuha sa atensyon ng mga bangkay sa paligid. Mabilis na dumami ang mga ito at pilit na tinutulak ang nakasaradong pintuan. Dahil sa tinted ang bintana ay di makita ng mga bangkay ang nasa loob kaya mabilis na nilapita ni Pepe si Nancy at tinakpan ang bibig nito .

 

Nanginginig na ang katawan ng dalaga sa takot at nahimasmasan na sa kalasingan ng biglang isang lagabog na naman ang nadinig at tunog ng pagkabasag ng salamin. “ Shit shit shit!! Vi! Nancy! Sa banyo! Bilis!!” natatarantang saad ni Pepe at tinakbo ang malaking videoke machine sabay tulak at tinumba sa pintuan na tinutulak ng mga bangkay sa labas.

 

Mabilis namang tumakbo sina Vi at Nancy sa banyo at napatingin sa butas sa itaas. Nang matakpan na ni Pepe ng videoke machine ang pinto ay sinundan niya ang dalawa sabay sara ng pinto “ Nancy! Mauna ka! Pumatong ka sa indoro at sa balikat ko bilis!” wika ni Pepe kaya  mabilis na sinunod ng natatarantang babae pero madali niya itong nagawa at nakaakyat ng tuluyan.

 

Nung si Vi naman ang susunod na aakyat ay nakadinig na sila ng nagkandabasag na salamin at napag-alamang tuluyan ng nakapasok ang mga bangkay. “ Bilis Vi!!!” pigil hiningang utos ni Pepe at tagaktak na ang pawis . Nakakaramdam na siya ng labis na takot kaya nung makapatong si Vi sa kanyang balikat ay inilalayan niya agad ng kanyang kamay ang paa nito hanggang sa makaakyat ng tuluyan.

 

Nang si Pepe na lang ang natitira ay sumenyas muna siya na tumahimik at dahan dahang ini lock ang banyo dahil sa nadidinig niya ang mga ungol ng bangkay sa labas. Napalunok na rin ng laway ang dalawang dalaga at inilahad isa isa ang mga kamay ng mga ito.

 

“Pepe . . . Kapit na bilis. . Kapit na please. . “ naluluhang saad ni Vi na kahit si Nancy ay naiiyak na rin kaya pumatong na si Pepe sa inodoro at inabot ang kamay ng dalawa.

 

Pero sa di inaasahang pagkakataon dahil na rin sa pawisang mga kamay sa paghila nila sa katawan ni Pepe paakyat ay biglang nadulas ang pagkakahawak ni Vi at tuluyang nahulog ang binata sa sahig na kung saan ay nagkaroon ng malakas na tunog na nakakuha sa atensyon ng mga bangkay sa labas hanggang sa. . .

 

“Graaaaaaaahhhhhhhh!!! Haaaaaaaaaa!!!” Bog bog bog bog  haaaaaaa!!” sunod sunod na pag bangga ng mga bangkay sa pintuan ng banyo. “ Vi! Nancy! Mauna na kayooo!!! Ako ng bahala dito!” di na napigilan ni Pepe na mapasigaw sa sobrang takot at pinilit na tumayo.

 

Pero sa muli niyang pag-akyat sa lababo ay bigla na lang nasira ang pinto at nagkandatumba ang mga bangkay na pilit pumasok at doon na kinilabutan ng todo si Pepe at nawalan ng pag-asa. . .

 

“Pepe!!! Kapit Pepe!!!!!!” Sigaw ng dalawang dalaga pero huli na ang lahat ng makita na tumayo ang iilang bangkay at tumakbo sa kinaroroonan ng binatang kanilang tagapagtanggol.

 

 

ITUTULOY

 

AUTHORS NOTE: SANA MAY MAG TIP SA GCASH KO FOR FASTER UPDATE. 09158301314 THANK YOU
RAZEL22
razel22
Latest posts by razel22 (see all)

Responses (4)

  1. PEPE story will be posted once a week. Tatapusin ko muna ang prinsyana. Yung book 3 na kwento ni Napoleon sa sususnod na lang kasi di ko na m open ang drafts. Sayang 😁

  2. To be honest, it’s an excellent story. However, it seems you must complete your previous stories before starting another. As such, writing will become easy for you while providing you with fresh ideas that will not stress you out. I hope this does not offend you. Anyway, I enjoyed reading “Ang Probinsyana.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories