One Friend Last Chapter: End of Vacation

Avatar
Real Sex Stories

Written by mmisola

 


Halos tatlong linggo kami sa subic at ngayon ay pauwi na kami. Di ko na nakita pa si iya. Di na rin kami lumabas ni george dahil naging busy sya. Ang itim ko na at problemado ako. “tsk. Tsk. Pano na yan? Papasok pa naman na ako sa MEU. Ang itim ko na. hirap pa naman magpaputi.” Sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko ang gamit ko. Pagkatapos nun ay naligo ako at naghanda na para sa pag alis namin. “lance.. tara na.” sabi ni mom sa labas ng kwarto ko. “yes po mom! Patapos na ko!” sabi ko at agad agad akong nagsapatos. Pag bukas ko ng pinto ay may tao sa labas. “ay putek! Ano ba? Bat ba palagi ka nalang nasulpot?! Magpapacheck up na nga ako!” sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni chloe. “o.a mo talaga! Kakarating ko lang. pinapatawag kana kasi ni tita.” Sabi nya sabay irap at tumalikod na sakin. Sinundan ko sya pababa at nakita kong naghihintay na sakin sila mom pati na din sila tita verna, chiky at buboy para magpaalam samin.
“oh magiingat kayo ah.” Bilin ni tita verna at nagbeso sila ni mom at tita allie. “kayo din po nila chiky tita. Mwah” bilin ko din sa kanila. “babye na chiky. Aral mabuti couz ah. Wag magboboyfriend.” Bilin ko kay chiky at niyakap ako. Mukhang matagal tagal ko pa silang makikita. “babye na buboy. Mamimiss kita.” Pagpapaalam ko naman kay buboy. “babye ka dyan?! Kasama kaya natin si buboy!” Sabi ni chloe at tinignan ko sya ng nagtataka. “ano? Adik ka ba?” sabi ko at inirapan nya ako. Si mom na ang sumagot at pinaliwanag nya. “lance, satin muna si buboy. Binilin sya ng tito mo. Wala kasing tutuluyan si buboy dahil binenta ng tito mo bahay nila para makabili ng bahay sa subdivision satin. Ayon ang inayos nya dito. Napaaga lang.” sabi ni mom at nagulat ako. Mukhang makakasama ko si buboy ng matagal. Ok lang dahil masarap kasama ang bata. Nakita kong nakahanda na din pala ang mga gamit ni buboy na dinala nya dito sa subic. At sinabi ni mom na kukunin din namin ang iba sa bahay nila buboy. Napansin ko din na excited si buboy.

Pumasok na kami sa kotse at bumyahe. Medyo sumikip ang kotse dahil nadagdagan kami, nakakatawa si chloe dahil di sya makatulog kahit inaantok pa sya. Di sya makshiga dahil nasa gitna namin si buboy.
Maya-maya nagyaya ulit si mom kumain sa resto. Dun ulit sa chinese resto kami kumaen. Naging excited ako dahil baka makita ko si iya pero wala pala sya. Pagkatapos nun ay bumyahe kami ulit. At nang makauwi na kami ay inayos na namin mga gamit sa bahay. Lumipat ako sa guest room at si buboy sa room ko. Masyado kasing malaki ang guest room para sa bata. Agad agad din kami nakatulog pagka tapos ng lahat.

Kinabukasan ay umalis kami ni mom. Namili kami ng gagamitin ko sa school at pati narin kay buboy. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa school para kumuha ng uniform ko. After namin sa school pumunta na kami sa bahay nila buboy sa makati at kinuha ang ibang gamit nya. Kumain kaming tatlo sa labas at nagtake out para kay dad.

Umuwi kami ng sobrang pagod. Agad akong nag ayos ng gamit ko para sa lunes. Magpapasukan na kami at sobrang excited na ako.pagkaayos ko ay naghanda na ako sa pagtulog at nahiga. Nagmuni muni muna ako at nagisip-isip. Sa ngayon dito na nagtatapos ang bakasyon ko. Kahit pano ay naging masaya ako. Masayang masaya pala. Hehe. Pero ngayon pa lang ang simula. Simula para sa panibago kong buhay simula para matahak ko ang daan papuntang adulthood. Di nako makapaghintay sa mga mangyayari. Sa mga taong makikilala ko at sa mga bago kong matututunan sa buhay. Ito na ang simula ang aking….

“zzzzzzzzz…..”

At ako’y nakatulog na..

End of book 1

DEAR READERS,
Salamat sa mga tumangkilik sa kwentong ito. Pansamantala, isasara ko muna ang libro. Ang unang librong ito ay pagpapakilala palang sa mga main characters. At sa susunod ay mas lalo nyo pa silang makilala. Abangan nyo po ang book two ng one friend..

mariz misola

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories