Uncategorized  

Akin Ka Lang P19.

Avatar
Akin Ka Lang P1.

Written by ramram

 


Akin Ka Lang P19.

IiSA lang ang naisip niyang kunan ng pera, ang anak na si Jordan.

Pero galit sa kanya ang huli kaya malamang na tiisin siya ng anak.

Naisip niyang ang manugang na si Beulah ang tawagan at hingan ng pera.

Kapag tumanggi, tatakutin niya.

Babantaang kukunin ang kanyang anak na si Joshua.

Iyon ang nabuong plano ni Ariston.

Isang araw nga ay tinawagan niya ang manugang sa kanyang cellphone.

Nasa bahay noon si Beulah.

Nagulat si Beulah nang marinig na tumutunog ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng tokador sa loob ng kanilang kuwarto.

Nang damputin niya ito at alamin kung sino ang caller, nagulat siya ng matuklasang pangalan ng biyenan ang rumehistro sa display window.

Hindi niya sinagot ang tawag.

At para hindi na makatawag pa si Ariston, bigla niyang ini-off ang kanyang cellphone.

Pero hindi siya tinigilan ng biyenan …

Sa telepono naman tumawag.

Ang kasambahay na si Nenet ang nakasagot.

“T-Tito Ariston, ikaw pala,” gulat na sabi ng una.

“Sino ang tao riyan,” paniniyak ng lalaki.

“Ako lang po at si Ate Beulah. Nasa tindahan na po si Kuya Jordan.”


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


“Tawagan mo ang ate mo. Sabihin mong gusto ko siyang makausap. Importante kamo ang sasabihin ko sa kanya,” utos ni Ariston.

Hangos namang tumalima ang kasambahay.

“Tumawag po si Tito Ariston. May importante raw po siya na sasabihin sa iyo,” sabi ni Nenet kay Beulah.

“Sabihin mong ayokong makipag-usap sa kanya. Ang anak niyang si Jordan ang kausapin niya,” inis na sagot ng babae.

Balik naman ulit sa telepono si Nenet at sinabi sa caller ang sinabi ni Beulah.

Nagalit si Ariston.

“Bumalik ka sa kanya, sabihin mong kapag hindi siya nakipag-usap sa akin, lilikha ako ng malaking gulo na magiging dahilan upang mapahiya sila ni Jordan,” banta ng lalaki.

Takot na bumalik si Nenet kay Beulah.

“Galit po si Tito Ariston. Kapag hindi ka raw nakipag-usap sa kanya, manggugulo siya rito,” namumutlang sumbong ng kasambahay.

Napilitang kausapin ng manugang ang kanyang biyenan.

“Bakit pa kayo tumawag? Huwag na ninyong guluhin ang buhay namin. Bigyan mo kami ng katahimikan!” galit na sabi ni Beulah kay Ariston sa pamamagitan ng telepono.

000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000

“WALA akong planong manggulo. Gusto ko lang mangumusta,” sabi ni Ariston sa manugang sa pamamagitan ng telepono.

“Huwag kayong mag-alaala. Tahimik na ang aming buhay simula nang mawala ka rito sa bahay,” inis na sagot ni Beulah.

“Kumusta na si Joshua …. ang anak natin at yang pinagbubuntis mo?”

“Wala kang anak dito. Anak namin sila ni Jordan!” galit na sagot ng manugang.

“Huwag mong lokohin ang iyong sarili. Alam mong anak natin yang si Joshua at yang sa tiyan mo. Dahil nang mabuo si Joshua natin, wala rito ang aking anak dahil nasa barko at nagtatrabaho bilang seaman,” may himig ng pang-iinsulto na sabi ni Ariston.

“Marami pa akong akong gagawin. Sabihin na ninyo ang gusto ninyo at ibaba ko na ang telepono,” mainit na sagot naman ng manugang.

“Simple lang ang kailangan ko. Naubusan na ako ng panggastos at kailangan ko ng pera.”

“Pakialam ko sa iyo!”

“Kailangang bigyan mo ako. Kapag hindi ka nagbigay, masama ang mangyayari,” banta ni Ariston.

“GO TO HELL!” galit na sigaw ni Beulah.

“Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. Oras na hindi mo ibigay ang kailangan ko, malalaman ng marami na anak natin si Joshua at kukunin ko siya sa inyong mag-asawa,” mariing banta naman ng lalaki.

Ubos ang tapang ni Beulah.

“Bakit sa akin ka nanghihingi ng pera? Si Jordan ang may pera. Bakit hindi sa anak mo ikaw humingi?” pigil ang panggigigil na tanong ng una.

“Sa palagay mo kaya’y bibigyan ako ng gagong iyon? Papupuntahin ko riyan ang bata ko na si Jobelle. Sa kanya mo ibigay ang pera. Huwag kang magkakamaling sabihin kay Jordan ang usapan natin dahil itutuloy ko ang aking banta,” paliwanag ni Ariston sa manugang.

Hindi tahasang sinabi ni Ariston na anak nya si Jobelle. Para lang maitago ang lihim ng kanyang nakaraan.

Nasukol na si Beulah …

“Magkano ba ang kailangan ninyo?” tanong niya.

“Bente mil! Maliit lang na halaga iyan. Hindi makakahalata ang asawa mo kung babawas ka sa kaha.”

Hindi na sumagot ang manugang.

Pabagsak na ibinaba na ang hawak na telepono.

KINAHAPUNAN din, dumating si Jobelle sa tindahan nina Jordan.

Dahil sa kanyang ganda at mapanuksong ayos, halos lahat ng lalaki sa tindahan ay naagaw niya ang atensiyon.

Pati na si Jordan.

“Ano ba ang maipaglilingkod namin sa iyo, miss?” nakangiting tanong ng lalaki.

“Hindi ako bibili. Pupuntahan ko lang ang kaibigan kong si Beulah. Saan ko ba siya makikita?” nakangiting tanong ni Jobelle.

“Nasa bahay namin sa likuran. Ako ang mister niya,” mabilis namang tugon ni Jordan.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Malagkit na tinitigan ng babae ang lalaki.

“Ang suwerte naman ng friend ko. Guwapo at mukhang magaling magpaligaya ang napangasawa niya,” malanding sabi ni Jobelle.

Ito palang ang kauna unahang pag-tatagpo nila ni Jordan, na hindi nila alam ang tunay nilang ugnayan na sila ay magkapatid sa ama.

Itutuloy!!

 

ramram
Latest posts by ramram (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories