Agent Orange: Chapter 15: Four

Avatar
Real Sex Stories

Written by ereimondb

 


Biglang nanginig ang buong kalamnan ni Agent Orange. Pakiramdam niya ay isang maling kilos lamang ay magigilitan na siya dahil sa matalas na kutsilyong nakaabang sa kanyang leeg.

“Hindi ko akalain na hahantong tayo sa ganito… Hindi ako sanay, kaya huwag mo nang subukan pang gumalaw dahil mabilis akong mataranta… baka mapatay pa kita…” Saad ng lalaki.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ruth nang madinig nito ang boses ng isang pamilyar na lalaki. Lalong lumakas ang kabog sa kanyang puso.

“Hindi mo kailangang gawin ito…” Saad niya.

“Bakit? Ikaw lang ang may karapatang kumitil ng buhay?”
“Dahil hindi mo alam ang ginagawa mo?”
“Anong alam mo sa anong kaya ko? Trinaydor mo kami…”

“Myk…” Nangangatal na saad ni Ruth.

Napahikpit naman ang hawak ng lalaki sa bandang balikat ni Agent Orange at tila nanginginig na rin ang kanyang mga kamay habang hawak ang isang matalas na kutsilyo.

Samyu-samyo niya ang bagong paligong babae at tila mayroong magandang alaala ang pumupukaw sa kanyang isipan habang hostage niya ito.

“Myk… mali ang ginagawa mo…”
“Anong karapatan mo Ruth? Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na isawalang bahala ang mga plano ng Resistance? Sino!?”
“Huwag mong dungisan ang kamay mo ng dugong nagmula sa akin… Huwag…”
“Sabi mo tutulungan mo kami? Ipinangako mo at umasa silang lahat sa iyo…”
“Ginawa ko lang ang nararapat… Ginawa ko lang ang aking makakaya…”
“Iniligtas mo lang ang sarili mo…”

“Iniligtas ko ang sarili ko, para sa inyo… para sa inyo…” Naiiyak na saad ni Ruth.

“Anong pinagsasasabi mo? Madamot ka Agent Orange… madamot ka…”

“Kung maramot ako… hindi ko isasakripisyo at ilalagay sa alanganin ang sarili kong buhay…” Muling saad ni Agent Orange sabay siko sa bandang tiyan ni Myk.

Mabilis namang napaigtad ang binata at tuluyan na nitong nabitawan ang kanina pang hawak na kutsilyo. Tumuba siya sa tabi ni Ruth at agad nakuha ng babae ang kutsilyo nito’t pumunta sa kabilang bahagi ng silid.

Napahawak sa kanyang sikmura si Myk habang nakaluhod ito. Itinutok naman ni Ruth ang armas na naagaw niya sa binata.

“Papatayin mo rin ako? Sige… ikaw na ang bahala sa buhay ko… Ikaw na ang bahala Ruth…”

“Lumabas ka na… Lumabas ka na ng kuwarto ko.” Saad ni Agent Orange habang inaayos ng kanyang kaliwang kamay ang pagkakatapis ng tuwalya sa kanyang hubad at basang katawan.

“Panalo ka na Ruth… Nakuha mo na ang gusto mo… Napagtagumpayan mo na ang mga plano mong makabalik sa puwesto…”

“Nakainom ka Myk… Saka mo na lang ako kausapin kung wala nang tama ng alcohol yang utak mo… Lumabas ka na ng kuwarto ko dahil gusto ko nang magpahinga…”

Tila nagbingi-bingihan naman ang binata at pinili pang umupo sa sahig kaysa sa sundin ang sinabi sa kanya ni Agent Orange. Sumandal ito sa malamig na pader habang nakatingin siya sa magandang babaeng nasa kanyang harapan.

Nakatutok pa rin ang kutsilyong hawak ni Ruth habang nakaabang lang siya sa kung anong gagawin ni Myk.

“Sa tingin mo ba basta-basta lang ako aalis dito? Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nalalaman ang katotohanan diyan sa pagkatao mo ngayon…”
“Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi na kita kilala… Hindi na kita makilala Ruth…” Saad ni Myk sabay tulo ng luha mula sa kanyang kanang mata.

Mabilis namang naapektuhan si Ruth dahil sa nasaksihang pagluha ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang maging emusyonal. Nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang mga planong nakalatag para sa kanyang kasamahan sa Resistance.

“Bakit? Bakit mo kami tinarantado? Bakit mo kami trinaydor? Bakit Ruth? Bakit?” Paulit-ulit na saad ng binata.

Hindi naman nakaimik si Agent Orange. Pinapakinggan lamang niya ang daing ng kanyang nobyo.

“Hindi lamang ang mga ipinangako mo para sa Resistance ang isinawalang bahala mo… Kinalimutan mo pati ako… Alam mo bang hinanap kita kung saan-saan para lamang mailigtas ka at huwag bumalik sa Programme… Sabi mo gusto mong harapin mag-isa ang tumutugis sa iyo… Ayaw ko sanang mangyari iyon, pero maramot ka… Hindi mo ako binigyan ng halaga ang pag-aalala at pagmamahal ko sayo… Bakit Ruth? Bakit ka bumalik sa buhay na matagal mo nang kinasusuklaman? Gusto mo bang maging mamamatay-tao habang buhay? Gusto mo bang maging si Agent Orange habang buhay? Bakit hinayaan mong ibalik ang alaala mo para pumaslang muli ng tao?”

Tuluyan nang naapektuhan si Ruth sa mga itinuran sa kanya ng binata. Itinapon niya sa sahig ang kutsilyong pagmamay-ari ni Myk at tila napako naman ang kanyang mga paa sa sahig. Mayroong patak at tulo ng tubig na nanggagaling sa kanyang basang buhok habang pilit niyang iniipit ang nakatapis na tuwalya sa kanyang katawan.

“Hindi mo alam ang mga sinasabi mo Myk… Wala kang alam sa kung ano ang totoong pinagdadaanan ko…”

“Sabihin mo sa akin! Ipaalam mo sa akin! Dapat sinasabi mo lahat sa akin dahil alam mong kakampi mo ako… Higit pa tayo sa magkaibigan… Alam mo yan!” Bahagyang pasigaw na saad ni Myk.

Bumuhos namang ang mga luha mula sa mga maaamong mata ni Agent Orange.

“Ruth… matagal na tayong magkasama… Alam na natin ang ugali ng isa’t isa… Walang mas nakakaalam tungkol sa akin, sa tunay kong pagkatao, maliban sa iyo… Ikaw lang ang laman ng puso at isipan ko… Pero bakit ikaw? Bakit ang hirap-hirap mo pa ring basahin… Bakit hindi mo pa rin ako pinapatuloy diyan sa puso at buhay mo? Mabuti pa nga noong tinanggal nila ang memorya mo, mas naipakita mo sa akin ang pagmamahal na hinahangad ko… Pero ngayong nakabalik ka na, parang mas lalong lumala ka… Bakit?”

“Mas pinili kong lumayo dahil alam ko, at alam mo, na ako ang sadya at pakay ng kumpanya, ng Programme. Lumayo ako para hindi na lumala ang sitwasyon…”

“Sa tingin mo ba naging maayos ang lahat noong umalis ka? Sa tingin mo naging okay ang lahat? Sa tingin mo naging okay ako?”

Hindi naman nakasagot si Ruth. Alam niyang isang malaking sakripisyo ang kanyang ginawa. Ngunit hindi rin niya maipagkakaila na mayroon siyang pagkakamali, at ito ay ang hindi isama si Myk sa kanyang mga plano. Naisip kasi niyang mas magiging ligtas ang lahat, maging ang kanyang nobyo, kung siya lamang ang kikilos para sa kanilang grupo.

Nagpanggap siyang malakas. Nagpanggap siyang kaya niya ang lahat. Nagpanggap siyang nakalimutan na ang mga naipangako niya sa mga miyembro ng Resistance, upang makamtan muli ang pinakamataas na posisyon sa Programme.

Maya-maya ay napayuko na lamang si Myk. Tila wala na rin siyang masabi dahil mas nangingibabaw ang pagtatampong nararamdaman sa kanyang kasintahan. Wala na siyang maintindihan sa mga nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung saan at papaano pupulutin ang kanilang kakaibang relasiyon.

“Gusto ko lang malaman mo… na nangungulila ako sayo. Na wala akong ibang ipinagdasal kundi ang bumalik ka sa dating inosenteng ikaw. Pero alam kong hanggang pangarap na lang iyon dahil mas pinili mong dumaan sa sistema ng Reversal.”

Bakas sa mukha ni Myk ang labis na pag-aalala sa sinapit ng kanyang kasintahan. Gustuhin man niyang ibalik ang nakaraan, ay hindi na niya ito magagawa. Hindi na niya maibabalik sa parang maamong tupa na si Ruth Bermudes.

Naantig naman ang puso ni Agent Orange dahan-dahan niya itong nilapitan at umupo sa harapan ng kanyang pinakamamahal.

“Patawarin mo ako… Patawarin mo ako…” Halos pabulong na saad ng magandang babae.

Tumingin naman sa kanya si Myk. Tumitig ito sa kanyang mga mata, at laking gulat niya nang makita nito ang sinseridad sa mga maamong mata ng dalaga. Kapareho ng mga matang kanyang nasilayan noong ito’y nasailalim pa lamang ng Clearance.

“Ruth???”
“Ako pa rin ito Myk… Ako pa rin ang babaeng minahal mo… Patawarin mo ako kung naging maka-sarili ako… Patawarin mo ako…”
“Pero paano nangyari? Anong nangyari sa iyo?”
“Bago ako sumailalim sa Reversal Method, humingi ako ng tulong kay Dra Galvez upang maalala ko pa rin ang mga binalak kong gawin noong mga panahong wala pa ako sa sarili kong pagkatao… Isinulat ko ang lahat sa isang journal… Binidyo ni ko ang aking sarili, sa tulong din ni dok, kung saan ko inihayag lahat ng dapat kong tuparing pangako… Tatlong araw akong naghirap upang makabalik sa Agent Orange na kinakatakutan ng lahat… Hinarap kong mag-isa si Editha at ang mga tauhan ng Programme. SInikap kong hindi ipaalam sa kanila ang mga nalalaman ko… Na sa likod ng matapang na pagharap at pakikipaglaban ko sa kanila, ay naroroon ang isang babaeng naghahangad ng kalayaan. Hawak-hawak ko ang pangakong iniwan ko sa iyo at sa mga kasapi ng Resistance… Sa totoo lang, natatakot din ako noong hinarap ko ang grupo ni Editha, pero mas pinili ko maging matapang at walang takot, upang mapagtagumpayan ko ang nasimulan nating plano. Ang pagbabago para sa kumpanya.”

Kahit may kaunti pang pag-aalinlangan sa mga mata ni Myk, ay pilit niya pa ring inuunawa ang mga pinagdaanan ni Agent Orange. Hindi niya lubos akalaing magagawa ng babaeng ito ang isang delikadong misyon para sa kanilang grupo.

“Pero… Bakit mo itinuro ang kampo ng Resistance.”
“Hindi ko sinasadyang gawin iyon. Wala sa plano. Tanging si Melissa at ang konseho ang bumuo ng kasunduang iyon. Wala na akong magagawa kundi ang kagatin iyon at patunayan sa kanila ang aking katapatan sa Programme. Bago kamu sumugod sa kampo ninyo, ay sinigurado kong madidinig ito ng nakatalagang kasapi ng Resistance na nasa loob ng kumpanya. Alam kong may nagmamatyag sa akin at kinuha ko itong pagkakataon upang makatakas kayo. Pinangunahan ko ang paglusob sa kuta ng Resistance upang makontrol ko ang lahat ng mangyayari. Walang mamatay. Walang masasaktan. Hindi ko man hawak ang buhay ng ibang sundalong naroroon, ay sinikap ko namang mabuhay sina Carmen at ang kanyang mga kasama. Dinakip sila at iniharap sa konseho upang mapatunayan ang kakayahan kong muling mamuno. Hanggang sa ibinalik sa akin ang pinakamataas na posisyon ng Programme; ang pagiging Country Director. Kailangan ko ng posisyon upang makuha ko ang lahat ng gusto ko. Upang maisakatuparan natin ang plano. Pinalaya ko rin si Ryan para maibalik ang tiwala ni Melissa sa akin, at para na rin makuha sa kanila ang Clearance. Ginawa ko ang lahat ng maaabot ng aking makakaya para lang mapagtagumpayan ang giyera sa pagitan ng Programme at Resistance.”

Tila pigil naman sa paghinga ang binata habang pinapakinggan ang mga planong isinagawa ni Agent Orange. Hindi makapinawala si Myk na pinagdudahan niya ang kakayahan at katapatan ni Ruth para sa Resistance at sa kanya. Hindi rin siya makapaniwala na pinagdaanan lahat ni Ruth ang delikadong misyon o isang suicide mission nang maituturing, samantalang siya naman ay patuloy sa pag-iipon ng galit at tampo para sa dalaga.

“Patawarin mo ako Myk… Patawarin mo ako kung mas ninais kong mag-isa sa laban na ito. Ayaw ko kayong mapahamak… Ayaw kitang mapahamak…” Dagdag na paliwanag ni Ruth.

Hindi na sumagot ang binata, sa halip ay umayos ito ng pagkakaupo’t lumuhod papalapit sa magandang babae. Hindi naman kumilos si Agent Orange at hinayaan niyang dumampi ang mainit na yapos ng kamay ni Myk sa kanyang mukha. Sinalo niya ito ng kanyang dalawang kamay at tila lalo pang idinikit sa kanyang mukha ang haplos ng binata.

Marahan niyang hinalikan ang palad ni Myk.

“Patawad… Mahal na mahal pa rin kita…” Pabulong na saad ni Ruth sabay tulo ng kanyang mga luha.

Inilapit ni Myk ang kanyang mukha sa dalaga at mabilis niya itong hinapit ng halik, pinakikiramdaman muli ang mainit at malambot na labi ng kanyang nobya.

Halos mawalan sila ng hininga sa tila sabik na sabik nilang paghahalikan. Hindi sila paaawat, inaangkin ang bawat pagkakataong mayroon sila ng mga oras na iyon.

Hinila papaitas ni Ruth ang suot na t-shirt ni Myk at tumambad muli sa kanya ang mabalbong katawan ng binata. Tumingin siya sa maamong mukha nito, at tila hindi na pinabayaan ng binata ang kanyang sarili, lalo na ang pagtubo ng malalagong bigot at balbas nito.

Marahan namang tinanggal ni Myk ang tuwalyang nakatapis kay Agent Orange. Titig na titig ito sa hubad na katawan ng kanyang nobya. Hindi niya akalaing masisilayan niyang muli ang napagkagandang hubog ng pangangatawan ni Ruth.

Inilapit niya ang kanyang sabik na mga kamay at inabot ang tayung-tayo na suso ng kanyang kasintahan. Hanggang sa hindi na ito nakapagpigil pa’t sinupsop ang magkabilang utong ni Agent Orange.

“Uhhhhhmmmmm Oooooooohhh…” Impit na saad ni Ruth habang pinakikiramdaman ang pagkagat ng binata sa kanyang utong.

Napapaliyad pa ang dalaga dahil sa sarap na ginagawa sa kanya ni Myk at mas hinahapit niya pa ang bandang ulunan ng kanyang nobyo upang mas pagbutihin pa nito ang ginagawang pagsuso.

Tumalima naman agad si Myk at inalalayan niya pang tumayo si Ruth habang papataas ang kanyang halik papunta sa labi ng dalaga. Habang nakahinang ang mga labi nito kay Agent Orange ay binuksan nito ang zipper at butones ng kanyang pantalon, hanggang sa tuluyan na itong naibaba ng binata.

Sabik na sabik na rin si Ruth at nadagdagan pa ang kanyang kalibugan dahil sa init ng mga halik sa kanya ni Myk. Matagal-tagal na rin niyang hindi naranasan ang ganitong uri ng kapanabikan mula nang siya ay sumailalim sa sistemang nagtanggal ng kanyang alaala. Hindi na niya halos maalala kung kailan sila nagniig ng kanyang kasintahan.

Ngunit iba ang karanasan ni Myk. Natikman niya ang parehong pagkatao ni Ruth.

Si Ruth bilang ang mapusok at mapanganib na si Agent Orange.

At si Ruth bilang isang inosenteng babae at tila walang bahid ng pagkakasala.

Parang kailan lang naranasan ni Myk ang kakaibang sarap ng pakikipagtalik kay Ruth bago pa itong nagpasyang ibalik ang kanyang alaala.

Maya-maya ay unti-unting bumababa sa katawan ng lalaki si Ruth at pinaghahalikan nito mula sa balikat, dibdib at hanggang sa pusod ni Myk. Napakapit naman ang binata sa buhok ng kanyang katalik. Dinadama ang bawat himaymay ng halik na nagmumula dito.

Naramdaman naman ng binata ang palad ni Ruth na bumalot sa kanyang may katabaang burat. Napatingin ito sa kung anong ginagawa sa kanya ni Agent Orange.

Unang sinumpungan ng babae ang bayag ng binata.

Napatingala sa sarap si Myk habang pinakikiramdaman ang mainit na dila ng babae.

Taas-baba ang kaliwang kamay ni Ruth sa kahabaan ng binata. Hanggang sa parang sinilindro niya ang burat nito, na siya namang lalong nagpalibog kay Myk. Hindi na nakapagpigil ang lalaki at dali-daling inutos dito ang isang bagay…

“Isubo mo na Ruth… Isubo mo na…”

Napangiti ang babae. Tila para siyang naging sunud-sunuran sa lalaking kanyang pinakamamahal.

Si Myk lamang ang tanging tao na kanyang kinakatakutan at sinusunod.

Hanggang sa naramdaman ng binata ang makipot na bibig ni Ruth habang pumapaloob ang kanyang burat dito.

Basa.

Mainit.

At daig pa ang pugon habang nakababad sa loob ng bibig ng dalaga ang kanyang burat.

Nagsimulang kumadyot si Myk upang lalong bumaon ang pagkakatsupa sa kanya ni Ruth.

Halos mabulunan naman ang dalaga dahil na rin sa napapalakas ang bawat kantot sa kanyang bibig, maliban pa sa pagkontrol sa kanya mula sa kanyang buhok.

“Aaaaaaaaahhhh saraaaappp… saraaaaaaaappp…” Saad ni Myk na tila mabilis napawi ang mga araw na pagod na pagod siyang kakaisip sa problema nila ni Ruth. Pati na rin sa mga araw na wala siyang tulog dahil na rin sa pag-aalala kung saan patungo ang kanyang kasintahan.

Pinigilan ni Myk ang sarap na nararamdaman niya sa ginagawa ng kanyang nobya. Dahil kung ipagpapatuloy niya ito sa pagkakatsupa ni Ruth ay lalabasan na siya agad sa bibig ng dalaga.

Ayaw niya itong mangyari.

Gusto pa niyang tagalan ang kanilang pagniniig.

Muli niyang inalalayan si Ruth papunta’t papahiga sa malambot na kama. Pumuwesto si Myk sa bandang paanan ng dalaga at inayos nito ang kinalalagyan ni Agent Orange.

Inilagay niya ang mga hita nito sa bandang balikat at saka inilapit ang kanyang maamong mukha sa puke ng kanyang kasintahan.

Gamit ang kanyang dalawang kamay, ay tila hinimay niya’t hinawi ang manipis na bulbol ng dalaga upang hanapin ang bagay na magpapainit dito.

Nang ito’y matagpuan ay agad namang sinungkit ng kanyang dila ang nakausling kuntil.

Mabilis na nanginig ang kalamnan ni Ruth dahil na rin sa kiliting naramdaman sa sunod-sunod na pagdila sa kanyang kaselanan. Idagdag pa ang nakasuksok na panggitnang daliri ng binata sa kanyang kuweba.

Ginantihan ng sabunot ni Ruth si Myk at tila gusto pa niya ipapaloob ang dila nito sa kanyang medyo basa nang puke.

“Ooooooooohhh shiiiiittt… Namiss ko ito… Namiss ko…” Pabulong na saad ni Ruth habang nakabuka ang kanyang bibig. Sapu-sapo na rin niya ang kanyang magkabilang suso habang ninanamnam ang sarap na dulot ng pagdila ni Myk sa kanyang puke.

Pinagbuti ng binata ang kanyang ginagawang pagpapaligaya kay Agent Orange.

Kay tagal din niyang hinintay ang matikman muli ang napakasarap na putaheng ito.

Halos ingudngod niya ang kanyang matangos na ilong sa bandang bulbol ni Ruth.

Pabilis na rin ng pabilis ang kanyang ginagawang pagbabaon ng kanyang daliri sa puke nito.

Hanggang sa namamalayan niyang namamasa nang talaga ang pagkababae ni Agent Orange at napapalakas na ang pag-ungol at pagsabunot nito sa kanya.

Lalong ginanahan si Myk at mas ginalingan pa niya ang ginagawang pagromansa sa babae, hanggang sa sumirit at naglawa ang puke ni Ruth.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh… Fucccckkkkkkk!”

Hindi pa rin tinitigilan ni Myk ang kanyang ginagawa habang sinasaid ang katas ng kanyang pinaghirapan.

Pareho na silang pawis na pawis, ngunit patindi ng patindi ang libog na kanilang nararamdaman.

Umayos na sa kanyang posisyon si Myk at pumatong na ito sa kanyang nobya.

Binalikan ang magkabilang utong ng dalaga at ang paborito nitong pagsubsob sa gitna ng malambot na suso ni Ruth. Tila hinihilamos pa niya ito sa kanyang mukha at dinadama ang lambot at kinis ng balat nito.

Umakyat muli siya mula sa leeg patungo sa likuran ng tenga ng babae, hanggang sa maabot muli ang labi ni Ruth.

Habang pinupupog niya ng halik ang kanyang nobya, ay siya namang pagkiskis nito ng kanyang burat sa pintuan ng langit.

Ipinapadama ang kasabikan nito’t katigasan, handang-handa nang pasukin ang basang puke ni Ruth.

Maya-maya ay umangat na ang katawan ni Myk at unti-unting ipinapasok ang ulo ng kanyang uten.

Napapakagat-labi na si Ruth.

Muli nanaman niyang naramdaman ang kakaibang kasabikan sa kanyang kuweba.

Unti-unti, marahang nilalamon ng puke niya ang kalakihan ng burat ni Myk.

Bahagyang kumakadyot papaloob ang binata upang masiguradong nakabaon ang kanyang armas.

Tumatagaktak ang pawis ng lalaki sa maputi’t makinis na katawan ni Agent Orange.
Ramdam na ramdam nila ang init ng kanilang pagtatalik.

Nakasungkit ang bandang paanan ni Ruth sa baywang ni Myk, habang ang mga kamay nito’y nakahapit sa magkabilang puwet ng binata.

Isang hudyat na maaari nang magsimulang mag-urong sulong ang binata sa kanyang kaloob-looban.

Maliliit at mabagal na pagkadyot, hanggang sa pabilis na ng pabilis.

Hinuhugot, sabay ibinabaon.

Sumasabay ang kanilang katawan sa indayog, habang tumutunog ang kama ni Agent Orange.

Tila musika sa kanilang tenga ang bawat pag-ungol sa sarap at kasabikang kanilang nararamdaman.

Sa tindi ng libog ni Agent Orange ay hindi nitong mapigilang magpalabas ng katas mula sa kanyang puke. Lalo namang nasasarapan si Myk sa tuwing nararamdaman nito ang madulas at basa nang kaselanan ng nobya.

Binibilisan ang bawat kantot.

Binibilisan ang bawat paglabas-masok.

Wala namang kapaguran si Myk. Marahan niyang binuhat si Ruth, na walang hugutan, at ipinuwesto niya ito sa may bandang dingding.

Napasandal naman ang magandang babae habang ibinalot nito ang kanyang magkabilang braso sa pawis na pawis na balikat ng binata.

Papatayong tinitira ni Myk si Agent Orange.

Hindi na talaga sila papaawat sa kanilang ginagawang pagniniig. Halatang nangulila sila sa mga yakap at halik ng bawat isa.

Mula sa paglamas ng suso ng babae, ay umakyat ang kamay ni Myk patungo sa bandang leeg ni Ruth.

Tila hayuk na hayok sa sobrang kalibugan ang binata. Hindi niya napapansin na bahagyang nasasaktan na ang kanyang nobya. Ngunit bigay-todo pa rin ito sa ginagawang pagkantot sa babae.

Nang mangawit ay dahan dahang umatras si Myk patungo sa kama.

Umibabaw na sa kanya si Ruth.

Siya naman ngayon ang timon sa kanilang nakakapasong laro.

Nakatingin lamang si Myk sa ganda ng kanyang katalik. Habang umaalog ang suso nito sa tuwing ito’y nagtataas-baba sa kanyang matigas pang burat.

Naramdaman nanaman ng binata ang biglang pagkilig ng katawan ng babae. Alam niyang sarap na sarap ito dahil na rin sa makailang beses na itong nilabasan.

Naisip niyang puwede na rin siyang magpalabas. Ibang-iba na ang katigasan ng kanyang burat, na tila anumang oras ay sasabog na ito.

Bahagyang huminto sa pagkilos si Ruth, at siya naman ang trumabaho sa pagkantot sa babae.

“Aaaaaaaagghhh aaaaahhhh…”
“Ooooohhhh… fall…. Ooooohhh…”
“fall me… fall me harder…. fall meeeeeeee….”
“I’m cumming… Ayan na…. ayan na…. fucccckkkk… heto na…. aaaaaaahhhhhh…” Pasigaw na saad ni Myk.

Sumambulat ang naipong tamod ni Myk sa kaloob-looban ni Agent Orange.

Damang-daman ng babae ang pag-agos ng mainit na tamod ng binata na tila tumatagas pa sa kanyang basang-basang puke.

Hindi naman mapirmi ang katawan ng binata dahil sa dami ng kanyang inilabas na katas. Napapaupo pa ito dahil parang sinisipsip ng puke ni Ruth ang natitirang tamod sa kanyang uten.

Kaagad siyang hinapit ni Ruth papalapit sa kanya at hinalikan niya pa ito sa labi. Pinapakalma ang sobrang libog na katalik.

“Are you okay honey?” Tanong ni Agent Orange.

Hindi naman makasagot si Myk. Tila mawawalan siya sa ulirat dahil sa sobrang sarap ng kanyang ginawang pagpapalabas.

Yumakap ang kanyang pawis na pawis na katawan sa malambot at makinis na katawan ni Ruth.

Mas ninanamnam nito ang ligayang kapiling niyang muli ang kanyang pinakamamahal na babae.

“I love you… I love you…” Paulit-ulit na saad ng binata.

“I love you too…” Pabulong na saad ni Agent Orange habang yakap niya pa rin ang lalaking nagbibigay sa kanya ng lakas at dahilan upang ipagpatuloy ang kanyang buhay.

Na sa kahit anong tigas ng puso’t prinsipyo ni Ruth Bermudes, ay tanging si Myk Havila lamang ang may kakayahang magpalambot at magpabago nito.

Tunay na pagmamahal ang kahinaan ni Agent Orange.

Makalipas ang dalawang araw, ay balik na sa normal ang lahat sa Programme. Patuloy pa rin sila sa pagtanggap ng mga bagong aplikante na puwedeng humanay sa pamantayan ng kumpanya. Marami pa rin ang nagbabalak na makasali upang maging sikat sa kani-kanilang napiling larangan.

Hindi rin naman nagpabaya si Ruth bilang tagapamahala ng Programme. Dahil sa kababalik lamang niya dito, bilang Country Director, ay naging abala siya sa kanyang mga tungkulin.

Ngunit hindi naman nawala sa kaniyang isipan ang mga nakatalagang plano para sa pagbabagong nais niyang mangyari para sa kumpanya.

Dahil dito’y inutusan niya sina Ryan at Melissa para sa isang misyon upang kuhanin muli ang Clearance. Bilang utang na loob sa pagpapalaya sa kanya ay malugod na tinanggap ng lalaki ang misyon na ito. Naipangako rin kasi nilang tutulungan si Ruth sa kanyang adbokasiya para sa ikabubuti ng Programme.

Ipinagdarasal ni Agent Orange na maging matagumpay ang misyon ng magkasintahan, upang maisagawa na nila sa lalong madaling panahon ang kanilang plano. Kahit kinakabahan sa maaaring kalabasan nito’y mas pinili na lamang ni Ruth na maging abala sa kanyang nakaatang na tungkulin.

“Ruth?” Saad ni Myk sabay katok sa pintuan ng opisina ng Country Director.

“Myk. Pasok ka.” Sagot ni Ruth habang nakatuon pa rin ang kanyang paningin sa mga dokyumentong nasa kanyang harapan.

“Sorry, naabala ba kita?”
“Hindi naman. Ayos lang. Bakit?”
“Ahh… Gusto ko lang sabihin sayo na naandito na sila Ryan at Melissa. Dala nila yung hard disk na naglalaman ng Clearance.”

“Talaga? Nasaan sila?” Masayang saad ni Ruth sabay tayo nito.

“Papunta na sila dito.”
“Okay. That’s good news. Mabuti nabawi pa nila ang Clearance.”
“Kaya nga eh. Well, mukhang mapapabilis pa ang mga plano ng naaayon sa timetable natin.”

Tumango naman si Ruth bilang kasagutan sa kanyang kasintahan.

Maya-maya ay kumatok na rin sa pintuan ng kanyang opisina sina Ryan at Melissa.

“I’m glad you’re back!”
“Chicken na chicken ang misyon. Wala ka dapat ipag-alala… Hehehe…” Pagmamayabang ni Ryan.

Tahimik naman si Melissa at mas pinili nitong kumuha ng alak sa may mini bar.
Nakamasid lamang ang babae habang pinapanood kung gaano kasaya si Ruth nang tanggapin nito ang hard disk.

“Thank you… Maaasahan ko talaga kayo… Ryan… Melissa.”

“Wala yun.” Maikling saad ng babae sabay tungga sa kanyang baso.

“By the way, it is the same system na ginamit sayo. So wala namang ibang changes na ginawa diyan sa hard disk at maipagkakatiwala ulit natin kay Dra Galvez ang proseso.”
“Good… That’s even better.”
“Kailan mo pala binabalak isagawa ang plano mo?”
“As soon as possible… Gusto ko nang iharap ito sa konseho.”
“Hindi ka ba nababahala?”
“What do you mean?”
“You know… Baka hadlangan ulit ito ng konseho katulad dati.”

Saglit namang hindi kumibo si Ruth at nakatitig lamang ito sa hawak-hawak na hard disk.

“Sa tingin ko hindi sila hahadlang kung tayong apat ang haharap sa konseho.” Suhestiyon ni Melissa.

Napatingin ang tatlo sa kanya at tila maganda ang naisip ng kasintahan ni Ryan.

“Tama! Nasa regulasiyon iyan na tayong mga tagapag-mana at representante ng bawat angkan ay puwedeng gumawa ng paksyon para magpaapruba ng bagong batas o proyekto. Hindi ba?” Saad ni Myk.

“You’re fallin genius Mel…” Saad ni Ryan sabay lapit sa kanyang nobya.

“Gagawin niyo ba talaga ito kasama ko?”Tanong ni Ruth.

“Ofcourse! Gagawin namin ito para sa iyo. Alam kong sa dinami-dami ng pinagdaanan mo para mapagtagumpayan mo ang binabalak na pagbabago, eh oras na para kami naman ang manindigan para sa iyo.” Saad ni Myk.

“Tama si Myk… Alam kong nasa tama ka Ruth, at bilang pambawi ko na lang din sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo…” Saad naman ni Ryan.

Hindi naman umimik si Melissa, bagkus ay nilagyan niya muli ng alak ang kanyang inuman habang nag-uusap ang tatlo niyang mga kaibigan.

“Salamat… Salamat sa inyo… Hindi lang naman ito para sa akin o para sa angkan ng Bermudes. Gusto ko lang mapatunayan na may lunas pa ang giyera sa pagitan ng Programme at Resistance. Sana… Sana mabuksan din ang isipan ng konseho tungkol sa proyektong ito.”
“Mangyayari ang dapat mangyari Ruth… Wala na silang magagawa kung tayong apat ay nagkampihan na para sa iisang prinsipyo.”
“And besides, alam naman nating lahat na makakabuti ang Clearance para manatiling sikreto ang kumpanya…”

Napangiti naman si Agent Orange sa positibong reaksiyon ng kanyang mga kasamahan.

Alam niyang nahirapan siyang makuha ang tiwala ng mga ito noong una, ngunit ngayon ay naging buo na silang apat.

“Gusto ko nang magpahinga.” Saad ni Melissa kay Ryan.

Napatingin naman sina Ruth at Myk sa kanilang dalawa.

“Sige… Puwede kayong mag leave ngayong araw na ito… Just go home and rest.” Nakangiting saad ni Agent Orange.

“Salamat boss. Hehehe…” Biro ni Ryan.

Pinili pa rin ni Melissa ang manahimik habang naglakad ito papalabas ng opisina ng Country Director. Kaagad namang sumunod si Ryan sa kanya at tila hindi na rin niya pinansin ang inasal ng kanyang girlfriend sa harapan ng kanilang kaibigan.

Napabuntong hininga na lamang si Ruth dahil sa napansin niyang pag-uugali ni Melissa Villamor kani-kanina lamang.

“Don’t overthink honey… Pagod lang siya…” Saad naman ni Myk sa kasintahan.

Tumango si Ruth at tinapunan ng matamis na ngiti ang binata.

“Sana maging okay ang lahat…”
“Magiging okay ang lahat Ruth… Trust me…”
“I trust you…”
“I love you…”
“I love you too…”
“Sige na… balik na rin ako sa trabaho ko… Mukhang madami ka pang paperworks diyan eh… Hehehe…”
“Kaya nga eh… Madami pa akong ieevaluate na applicants…”

“Okay… Hindi na muna kita aabalahin…” Saad ni Myk sabay talikod kay Agent Orange.

“Wait… Teka lang…”
“Ano yun? Bakit?”
“Puwede mo ba akong samahan?”
“Saan?” Tanong ni Myk sa kanyang nobya.

Underground Prison Cell

Programme

“Gusto mo bang sumama pa ako sayo sa loob?” Tanong ni Myk sa kanyang kasintahan.

“Hindi na… Kaya ko na… Hintayin mo na lang ako dito…” Saad ni Ruth sabay iling niya sa binata.

Ineskortan naman si Agent Orange ng mga Programme Agents papasok sa visitor’s area. Sandali lamang itong naghintay hanggang sa tumunog ang perimeter alarm at bumungad ang isang babae.

Kalunos-lunos ang sinapit ng babaeng ito. Bugbog-sarado ang kanyang mukha at halatang pinahirapan talaga siya upang magbigay ng detalye tungkol sa pinagtataguan ng iba pa nilang kasamahan.

Halos hindi na niya maibuklat ang mga mata dahil sa natamong pasa at sugat.

Hindi ito kumikibo habang papalapit sa kinauupuan ni Agent Orange.

Tahimik lamang ang dalawang babae at nagtititigan. Tinitiyak na wala nang ibang Programme Agents ang makakarinig sa kanilang pag-uusapan.

Nang masiguradong silang dalawa na lamang sa silid ay agad napabuntong hininga si Ruth.

“Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa iyo ito… Pero patawarin mo ako…” Saad ni Agent Orange sa kaharap na babae, ngunit agad siyang natigilan sa kanyang sasabihin dahil dinuraan siya sa mukha nito.

“Bullshit! Anong ginagawa mo dito?!”

Kinuha ni Ruth ang panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang laway na idinura sa kanyang pagmumukha.

“Traydor! Traydor ka! Kahit buhay ka pa, nasusunog na ang kaluluwa mo sa impiyerno!” Dagdag pa nito na galit na galit sa Country Director ng Programme.

“I’m sorry.”
“I’m sorry? Tignan mo nga ako ngayon? Sabihin mo sa akin na madadaan lang sa i’m sorry ang lahat? Putang ina!”
“Carmen… Wala sa plano ko ang mga nangyaring ito… Nailagay ako sa isang kasunduang hindi ko matatanggihan. Kailangan kong mapatunayan sa kanila ang katapatan ko para maibalik ako sa dati kong puwesto.”

“fall you! fall you! Alam mo ba ang nangyayari sa amin sa loob? Halos patayin na kami doon. Sinasaktan nila kami. Pinapahirapan. Tinotorture.” Saad ni Carmen habang tumutulo ang kanyang luha.

“Maniwala ka sa akin Carmen… Malinis ang intensyon ko para sa inyo. Para sa Resistance. Ginagawa ko ang lahat para maisagawa ang mga plano ko.”

“Hindi na ako maniniwal sa iyo. Sinungaling ka. Wala kang isang salita. Umalis ka na. Hayaan mo na lang kaming mamatay dito. At pinapangako ko, walang malalaman ang Programme sa bagong kuta ng Resistance. Wala!” Galit na galit na saad ni Carmen.

“Please, maniwala ka sa akin. Kakampi niyo pa rin ako.” Pagmamakaawa ni Ruth.

“Umalis ka na! Umalis ka na!” Pasigaw na saad ng dating kaibigan.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng visitor’s area at pumasok sa loob si Myk Havila.

Nanlaki ang mga mata ni Carmen nang makita nito ang lider ng Resistance at kasama pa si Ruth.

“Myk?” Saad ng babae.

“Tuloy ang plano Carmen… Matutuloy ang plano…”
“Pero paano?”
“Kasama natin si Ruth. Kasapi pa rin natin siya.”
“Paano nangyari iyon?”

“Magtiwala ka lang Carmen… Pagtiwalaan mo kami… Gagawin namin sa lalong madaling panahon ang pagpapatupad ng pagbabago.” Saad ni Myk.

Napatingin naman si Carmen kay Ruth. Tila tinititigan nito ang mga mata ng dating kaibigan upang silipin kung may natitira pang kaluluwa sa tinuturing nilang halimaw.

“Sana pagtiwalaan mo ulit ako… Sana pagtiwalaan niyo ulit kami ni Myk… Tatagan niyo pa ang loob ninyo, ililigtas namin kayo…” Saad ni Agent Orange sa kaharap na babae.

Hindi naman nakakibo si Carmen sa mga nalaman niyang katotohanan mula sa dalawang kasapi ng Resistance. Tila pinagiisipan pa nito kung dapat pa ba siyang maniwala at magtiwala sa mga pinagsasabi ng dalawa niyang kaibigan.

Binalot ng katahimikan ang buong silid. Hinawakan ni Myk ang kamay ng kanyang kasintahan at sa kabilang kamay naman ang kay Carmen.

Hudyat ito ng panibagong pag-asa para maisakatuparan ang matagal nang planong rebolusyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories