Uncategorized  

Minsan 1

Hot Stories
Real Sex Stories

Author: j_n_b

 

(Author’s note: I’m just posting some of my previous but incomplete works here. Although labeled as true story, it would more accurate to say it’s inspired by true events. Places and names have been changed. Pinagsamang kwento ng mga kaibigan, naging kaibigan at kakilala ko. Hope you guys like it.)

(Another author’s note: Sorry, no sex scenes in this episode yet. Just introducing characters.)


Prologue:

Madalas ay ayaw ng mga tao ang bumabyahe, pero baliktad sa ‘kin. Basta nakaupo ako sa may bintana. Nakapila ako sa Victory Liner sa may Pasay. Excited na akong umuwi ng Baguio. Galing ako ibang bansa at dalawang taon na rin yung huling uwi ko.

“Magkikita na ulit kami. Hmm, anim na oras.” inisip ko.

Kinuha ko ang seat #16, dito sya sa kanan. Agad agad akong pumuwesto at nagaantay na lamang umalis ang bus. Nagsuot ako ng shades at jacket na may hood, sabay tinutok ko aircon direkta sakin mismo. Sarap nga talaga bumiyahe. Malagpasan lang ang Edsa, sabi ko, ok na. Nakakastress din kasi ang traffic.

Habang nagaantay, sumasakay na rin ibang mga pasahero. Naitaon na magpapasukan na kaya marami sigurong mga estudyante. Aaminin ko din, gusto ko makakita rin ng mga dalagang estudyante. Magaganda pa rin mga Pilipina, sabi ko, habang kinukumpara ko sila sa mga babae ng ibang bansa.

Di ako nagkamali, marami ngang mga estudyanteng babalik ng Baguio, at may mga magagandang dumaan na. Buti na lang naka shades ako, pasimple lang tumingin. Ha ha! May sumakay na isang grupo, mga pito sila. Mga estudyante nga, halata sa edad nila, at mukhang pares pares, magjowa. Sakto silang pumuwesto sa harapan ko, mga upuan din sa kaliwa at yung isang babaeng walang partner ang katabi ko. Ang gaganda nung mga babae. Yung katabi ko, nakasumbero’t shades din. Maputi ang kutis at mahilig mag selfie. Swerte ng mga unggoy na ‘to, nasa isip isip ko na lamang. Sana di masira tong biyahe ko.

Habang nasa Edsa na, at as usual, traffic, naka limang selfie na siguro yung grupo. Syempre, damay ako kasi katabi ko yung isang babae kaya’t sa bawa’t selfie, yuyuko na lamang ako o kakamot ng ulo. Ang gulo’t ingay pa nila. Nakahalata ata katabi ko.

“Oi, ang iingay nyo! Naiistress na si kuya.” sabi nya sa barkada nya.

Tumungin lang yung iba sakin sabay tuloy pa rin, pero di na ganun ka ingay.

“Sorry, kuya ha.”
“Okay lang.” sabay binigyan ko na lang ng ngiti.

Nagsuot na lang ako ng earphones at linakasan ko sounds ko. Medyo madilim na nung nasa NLEX na kami at may kanya kanya ng mundo ang magjowa. Mukhang natutulog yung isang pares na kalinya ko. Yung nasa harapan nila, nanunuod ng palabas sa cellphone at yung katabi ko busy nag FFB. Napasulyap ulit ako sa nanunuod na pares at kita kong gumagapang kamay ng lalake sa hita ng girlfriend nya, pataas ng pataas. Napangiti na lamang ako at pasimple ko na lamang silang pinapanuod. Salamat sa shades.

Ilang minuto dumaan, tumugtong yung kanta…

“Minsan sa may kalayaan, tayo’y nagkatagpuan, may mga sarili…”

Ewan ko ba kung anong meron sa byahe at dahil sa saktong tugtugin, bigla kong naalala yung babaeng uuwian ko, pero bigla ko rin naalala yung unang girlfriend ko nung nasa kolehiyo din ako.


Si April 
Chapter 1

(Sorry in advance, medyo maraming lovey-dovey at cringe moments sa mga first chapters. Teenager pa lang kami, at wala pa masyado ka-mwang mwang sa buhay.)

Nung high school ako, late 90’s po yun, umuuso pa lang ang cellphone nuon. Nung late 3rd year ko na ay nabilhan ako ng aking sinaunang 3210. “Cool” ka nun kung meron kang ganun! Habang naglalakad ako sa campus ay hawak hawak ko ‘to lagi, may konteng patalon bawa’t hakbang ko. (Joke lang sa patalon pero ganun feeling ko nun.) Ang di ko lang alam ay gugutumin pala akong sa load. Sa trenta pesos na baon ko araw araw, di ko gagastusin ang bente para makapag ipon ng load.

Inaamin ko, ako’y sadyang torpe talaga. Ok akong makipag text pero tameme sa harap harapan. Ang dinulot lang ng cellphone sakin nuon ay mga eyeball na nauwi sa awkward conversations at gastos, dahil sa load at dahil sa McDo uso makipagkita. At oo, kailangan mo silang ilibre! Hahaha!

Kaya’t pag abot ng kolehiyo, parang medyo sumuko na ako sa mga babae. Mas ok na na di ko magustuhan ang isang babae kasi at least makakausap ko pa. Pero kahit pa man ganun, pumili pa rin ako ng kurso na maraming babae. Gusto ko man pumasok ng engineering, sausage fest naman.

Masasabi ko talagang malayong mas masaya ang buhay kolehiyo kesa sa high school. Sa block section namin, mga kinse lang at lalake at mga mahigit trenta na babae. Minsan, may mga naka cross enrol pang ibang mga babae, at sila yung mga pansin ko na hot! May mga bumuo na rin ng kanya kanyang grupo nila, at halos laging merong group ng magagandang mga babae. Sa kolehiyo nyo rin, malamang merong grupo na ganito. Isa sa grupo nila si April. Maliit sya, maganda, maputi at intsik ang features nya. Tahimik sya at sobrang mahiyain.

Ang paboritong kong mga subject ay yung kung saan merong seat plan kung saan pagsasamasamahin ng teacher ang mga estudante. Dahil sa sobrang torpe ko, ito lamang ang chance na nakakakausap ako ng mga babae. Sa Chem class namin, nakatabi ko ang isa sa mga grupo ni April na si Bea. Matangkad si Bea. Opposite naman nya si April, sobrang dada, pero masayang kasama. Nung una ay di ko masyadong pansin ang kanyang ganda pero habang tumatagal ay gumaganda, at nung tumagal ay naging medyo close din kami.

“‘Langya naman, JB eh! Nasulatan mo na naman siko ko.” reklamo ni Bea sakin.

“Ulol ka, di ako yan. Paano ba naman kasing di ka masusulatan, sobrang gulo mo. Tignan mo nga, walang wala ka na sa linya natin.” sabay turo ko sa seating arrangement namin. Paano ba naman kasi, may kachikkahan sa harap at sa likod.

“Kita mo nga, ikaw lang may blue na ballpen dito oh.” inis nyang pagkasabi.

“Di ka ba nakikinig kay sir? Chemical reaction yan. Yang green at red na ballpen mo nagsama’t naging blue, tapos sinulatan mo sarili mo.” inasar ko pa syang konte.

“April! Etong boyfriend mo, pagsabihan mo nga!” halos pasigaw nyang sinabi.

“Ah?” gulat na reaction ni April, namula at nagtago sa buhok nya.

Ako rin ay natahimik. Loko ‘tong Bea na ‘to. Alam nya kung paano bumawi. Noong una, parang wala lang sa akin yang crush crush na yan. Crush ko yung pinakamaganda sa grupo nila Bea at April na si Alice pero bihira ko syang nakakausap. Habang tumatagal na katabi ko si Bea, medyo nagiging komportable na rin ako, at dahil sa kanya parang nalaman kong may gusto si April sa akin. Mahilig mang asar si Bea at ang lagi nyang pinapakilala si April sakin, kahit na magkakilala na kami.

“JB, this is April. April, si JB.” pang limang libong pakilala nya samin. Natatameme na lang ako lagi.

Si April naman, masyadong mabait para magalit, pero pansin mong may konting inis. “Ish, Bea naman eh! Kilala ko na sya.” sumbat ni April. “Okay, iiwanan ko na garud kayo.” sabay lilipat sya ng grupo at iiwan kami… and then awkward silence.

Gusto ko si April, kaso parang pinapanuod kami lagi ng buong klase, kaya’t hirap gumalaw.

“Eeeeeh, Beaaa! Nakakainis ka!” sabi na lang ni April, napakacute na parang batang tumakbo. Naiwan na lang ako nakatanga.

Chapter 2

Malapit na mag pasko, at sobrang lamig na ng Baguio. Lalong lalo na’t 7:30 AM pa ang unang klase namin ng MWF. Huling araw ng klase namin bago magbakasyon. Sobrang mahamog ng umagang yun at lahat ng studyante sa klase ay nangininginig na tumayo nung dumating na ang matandang guro naming si Mrs. Fernandez.

Kaming mga lalake nakaupo sa front row kasi sampu lang kami. Puro na babae sa likod namin. Absent yung katabi ko sa kanan kaya’t ako yung biglang naging prayer leader.

“Panginoon…” inumpisahan ko, habang tumatakatak mga ipin ko.

“Uhhh… salamat po sa malamig na panahon namin ngayon.”

Natawa ilang mga tao at titser namin, at nakingiti sakin sila Bea at April sa medyo gitna.

“Tulungan nyo kami sa araw na ‘to… sana mabuhay kami… at sana tulungan nyo kami sa mga susunod naming exam sa araw na ‘to. In the name of father, son, holy spirit.”

“Thank you, JB.” Sabi ng guro. “Absent ba ngayon katabi mo?”

“Secret.” nawala sa isip kong sinabi. Oh, shit! Close na kami nun ni Bea at mahilig mag asaran. Pag may tinatanong sya, puro ‘secret’ na lang sinasabi ko sa kanya pang-inis.

“Ay, sorry, ma’am!”

“Okay lang yan, JB. Pag isusubmit ko rin grade mo, secret din ang ilalagay ko.” bawi ng guro namin.

“Sorry po! Kala ko po kasi…”, di ko na natuloy. Nakangiti rin sya. Mamatay na sa tawa si Bea sa upuan nya.

“Okay, class.” inumpisahan na ng guro ang lecture. “Nadala nyo ba lahat mga libro nyo?”

“Yeeees, ma’am.” tamad na pagsagot namin.

“Wag nyong kalimutan ilagay pangalan nyo sa libro ha.”Okay. Dahil katatapos lang ng exam ninyo dito, at alam kong lumulutang na mga rin isip nyo, gusto kong ipasa pasa nyo mga libro nyo sa mga classmate nyo.” sabi ni teacher.

“To share the spirit of Christmas, write something nice on the blank pages of the book for the owner. Kahit ano, wish them happy holidays, say you’d like to know them better sa mga di nyo masyado kakilala, anything. You may sign your name or not. But, when you get the book back, itago nyo muna hanggang pasko. On Christmas day, read what your classmates wrote, and I guarantee you, it will make you smile.”

Naisip ko, ito na ata chance ko kay April, pero bigla ko rin naisip, baka kay Alice din. Aaminin ko, immature rin talaga ako nuon kaya’t ganun ang linya ng pagiisip ko. Nanghiram ako ng iba ibang kulay ng ballpen, at inibahan ko rin penmanship ko sa mga libro para walang obvious. Minsan, isusulat ko pangalan ko. Minsan, hindi. Pero pagdating ng libro ni April sakin, kinuha ko red na ballpen. Binalak kong cursive ko isulat mensahe ko sa kanya. Nakapagsulat na ako ng mga tula nung high school ako kaso basted pa rin ako, kaya’t madali na rin ako nakapagsulat ng tula para sa kanya.

(Di to talaga yung tula, pero sinubukan ko lang alalahanin. At oo, kolehiyo lang talaga. Napapasukot na lang ako.)

“To April,

I love how your lips are red
the way your hair falls on your forehead
I love the way you blink your eyes
hiding away what you disguise

I love how you hold your books to your chest
Your hair in ponytails is when you look best
I love hearing your voice gently sweet
A single word makes my day complete

Being near you I don’t know how to act
I turn away when our eyes make contact
I thought I already know what to say
But my words always turn out the wrong way

But this is now my dedication to you
My love for you will always be true
Whether you think of me insane
My feelings will always remain”

Dahil sa di ko sinulat pangalan ko, ayokong mabuko agad agad. Kinuha ko black na ballpen at sinulatan ko likod ng pahina na nagamit ko. Ginawa kong tagalog para ibang iba talaga sa unang sinulat ko.

“April, sana masaya ang iyong pasko at bagong taon. Mamimiss kita ngayong bakasyon! xx JB.”

Masaya ako sa nasulat ko. Yung libro nya siguro yung pinakamatagal sakin. Matapos ay dumaan ang libro ni Bea.

“Bea, may confession ako sa ‘yo. Di ko na kayang isang araw pa na lumipas na di sabihin sa ‘yo. Sa totoo lang kasi, nahihilo ako sa amoy bukong shampoo mo. Ha ha ha! Merry Christmas! JB.”

Pagkatapos ng libro ni Bea ay dumaan din libro ni Alice. Nagiisip ako ng sasabihin sana sa kanya, pero naalala ko tula na nasulat ko para kay April.

“Hi, Alice. Merry Christmas to you and your family. Enjoy your holidays. JB.” tulad ng karamihan ng sinulatan kong libro.

Matapos masulatan ng lahat mga libro ng isa’t isa, pinagreview kami sa huling exam namin sa araw na yun. Nagrereview na lamang ako nang may biglang sinita ang guro.

“Ay, ano yan? Sabi kong basahin nyo sya sa pasko eh.” sinabi nya sa grupo nila Bea.

“Sorry, ma’am. Excited lang po kasi.” patawang sabi ni Bea. “Eh kasi po may love letter si April!”

Ay, pusang gala kang Bea ka, nasa isip isip ko.

“Bea naman eh!” rinig kong sabi ni April, kaso di pa rin talaga sya marunong magalit. Lumingon ako at nakatago mukha nya sa kanyang buhok. Parang batang nagtatampo sabay sinusuyo ni Bea. Nakikitawa rin si Mrs. Fernandez.

“Mga bata talaga kayo, oo. Oh, sige na. Review na muna kayo.” aniya.


Biglang nabalik ang isip ko sa kasalukuyan. Bumagal ang takbo ng bus. Medyo traffic ulit. Naaninagan ko yung magsyota sa kaliwa ko, nahihimas na hita nung babae. Actually, baka nafifinger na, nakikita ko lang kasi pag madaanan banda nila ng ilaw. Nagpababa pa ang babae sa upuan nya. Nafifinger na nga sya. Kita ko belt nyang nakalas na, at may matinding galawan na duon. Yung kanang kamay ng babae ay nakatakip sa bibig nya, para bang mapapasigaw na ata.

Matapos ilang sandali, umayos sila. Sumandal ang ulo ng babae sa balikat ng boyfriend. Kung akala ng iba siguro matutulog sya ngunit alam kong may ibang balak sila. At panigurado nga, wala pang isang minuto, bumaba na ang ulo ng babae. Tangina, swerte ng ng mokong, mukhang makakatikim ng tsupa. Pag maiilawan sila, kita kong nagtataas baba ang ulo ng babae. May palingon lingon pa ang boyfriend sa bus sabay pa simple na lang ako, pero di naman ata ako nakikita. Sa ngayon ay tigas na tigas na rin ako. Gusto ko rin makatikim sana. Di ko napansin nakapaharap na pala ako ng upo.

Biglang bumagal ulit ang bus, at ilang saglit ay nagbukas ang mga ilaw. Pasimpleng nag takip ang mag jowa. Uminom pa ng mineral water ang babae. Nag mumog siguro, demonyong pagkakaisip ko. Nag pasimple rin akong kumambyo. Nagkatinginan kami ng katabi ko at meron syang napaka pilyang ngiti. Nagsibabaan mga tao sa bus at ako’y muling napaisip sa nakaraan.

Chapter 3

Matapos ang klase, mukhang tuwang tuwa ang grupo nila Bea, April at Alice. Naghahagikhikan, nagbubulungan, sobrang excited. Tempted din ako na basahin yung mga nasulat para sakin, kaso sabi ko sa pasko na lang. Lumapit ako sa kanila.

“Grabe kayo, binasa nyo na.” sabi ko sa kanila.

“Oo naman!” sabi ni Bea. “Eto, amuyin mo shampoo ko.” sabay palo nya buhok nya sakin na parang sa mga shampoo commercial. Kakahilo talaga coconut scented shampoo.

“Palit ka na nga! Try mo papaya na lang!”

Matapos konting kulitan namin, “Eh, ikaw di mo pa ba binasa sa ‘yo?”

“Di pa, sa pasko na.” sabi ko.

Nagkatinginan ng makahulugan si Bea at April.

“Bakit?” tanong ko sa kanila.

“Wala,” sabi agad ni April.

“Uy, thank you. Merry Christmas din sa ‘yo ah.”

“Thanks din.” sabi ni Alice.

“Uy, JB. May pansin ka bang gumamit ng red na ballpen sa linya nyo?” tanong bigla ni Alice.

“Aaah, wala naman. Bakit?” sinungaling ko.

“Wala lang. Secret.” bawi nya, sabay nagtawanan ulit yung tatlo, sabay nagbulungan ulit.

Lumingon si Bea sa ‘kin. “Shoo, dun ka muna.”

Kamot na lang ako ng ulo. Gumana ata masyado plano ko. Baka akala talaga nila galing sa iba yung tula. Tinignan ko ulit sila. Nagbablush si April, yung dalawang palad nya ay nasa mukha nya. Sabay tingin ulit sila sa libro nya. Shet, kailangan ko na ata mag confess na ako yun. Pero kailangan kong matiming na mag isa lang ni April.

Nang matapos na exam namin, sinusundan ko sila Bea, April at Alice patago. Inaantay ko na maghiwahiwalay na sila. Pagpunta sa may main gate ng school namin, pinanuod kong nag paalaman na sila. Nagpakaliwa si April at sa wakas ay magisa.

“April!” tawag ko sa kanya. Lumingon syang parang gulat.

“Oh, hi JB.” mahina nyang pagkasabi. Biglang parang nanigas.

“Hi, April. Nagmamadali ka ba? I mean, uwi ka na ba sa inyo ngayon araw na ‘to?” tanong ko.

“Ummhh, uh, di naman. Bakit?” ilang segundo bago nya sinabi.

“Pwede bang usap lang tayo muna? Ok ka lang bang mag kape?” tanong ko ulit.

“Ummh, I guess ok lang.”

“Ok, tara. Malapit lang ang Good Taste.” dahil dun lang afford ko sa oras na yun.

May medyo malayong lakad papuntang Good Taste, kaya’t malayong lakad din na sobrang awkward. Biglang wala akong masabi sa kanya. Kay Bea madali kasi komportable na kami sa isa’t isa. Si April, katulad ko na tahimik lang din, lalo na pag di kinakausap. Sa awa ng diyos, umabot din kami ng Good Taste. Konte lang tao sa ngayon kasi bakasyon na. Pumili ako ng table sa isang malayong sulok. Sakto sana ‘tong isang daan na pera ko.

“Anong gusto mo?” tanong ko habang tinitignan namin yung menu.

“Uhmm…” matagal nyang tinitignan yung menu. “Uhmm, pwede kaw pumili na lang?” sabi nya.

“Uhh, okay. Sige. Gusto mo ba kape? Or?”

“Ah, pwede softdrinks na lang?”

“Sure, sige. Ako rin. Gutom ka ba? Pwede natin paghatian yung isang order ng pancit. Marami din yun eh.”

“Okay, sige lang.” Pinasa ko order namin sa waitress. Pagalis nya, pansin kong magiging awkward na naman kaya’t sabi ko, kailangan ko nang deretsyohin.

“Umm, April. Kamusta ka?” tanong ko. “Okay lang naman.” parang pakanta nyang sinabi. Medyo nagrerelax na rin sya.

“May gusto sana akong sabihin sa ‘yo. Confirm ko lang, binasa mo na ba yung mga nasulat sa libro mo kaninang umaga?”

“Aah, uhmm, ba’t mo naman natanong?”

“Wala lang, curious lang. Nabasa mo na yung nasulat ko.”

“Ah, oo. Thanks, ha. Merry Christmas din sa inyo.”

Sasabihin ko na sana pero biglang dumating yung waitress dala dala softdrinks namin. Uminom muna ako sa coke ko, parang alak lang ba na pampatapang.

“April, nabasa mo rin ba yung isang nasulat ko?”

“Ha? Anong isa pa?” tanong nya. Pinanuod ko expression ng mukha nya, parang unti-unti nyang narealize yung ibig kong sabihin. Napahinga sya ng malalim, tinaas nya sa bibig nya ang hawak nyang jacket nya. Mata nya na lang nakita ko.

“Oh my gosh, ikaw yun?”

Tumango ako.

“Oh my gosh, kala ko si… hala! Ikaw talaga yun?”

Sinubukan kong ngumiti, di ko alam kung good sign o ano.

“Sorry, ang hirap kasing gumalaw. Si Bea rin kasi, nakakainis minsan.” sabi ko.

Napatawa sya ng konte, parang nabunutan ba ng tinik o ano. Inalis nya pagkakatakit ng jacket nya sa mukha. Medyo naluha sya konte. Ngayon ko lang talagang napansin pero ang ganda pala ng ngiti nya.

“Kanina kasi, ang sama ng loob ko sa ‘yo, na yun lang yung nasulat mo. Parehas kami ni Alice. Pero iba yung kay Bea. Inggit ako sa pagiging close ninyo.” sabi nya.

“Pero nung nabasa ko ‘yung tula, sobrang tuwa ko naman. Kasi napakathoughtful nung pagkakasulat. Tapos hinuhulaan namin nila Bea at Alice kung sino, kasi sampu lang naman kayong lalake eh.”

“Eh, pwede rin naman babae ah. Ha ha ha!” sabi ko.

“Eeee, di noh. Ikaw pala.” nakangiti nyang sinabi.

“Eh, kala ko ayaw mo kasi ako.”

“Eh, si Bea. Si Bea may kasalanan ng lahat.”

“Oo noh, kung alam mo lang, sobrang hiya ko na sa ‘yo. Mahiyain na nga ako eh.” medyo lumalakas na rin boses nya.

Ngumiti na lang ako, at dahan dahang kong inabot ang kamay nya. Anliit ng kamay nya kumpara sakin, pero maputi at malambot. Naglaro mga daliri namin. Di ko na rin alam ang sasabihin ko. Ano na ba ‘to? Paano ko ituloy?

“Uhmm, so…”

“Nabasa mo na ba libro mo?” biglang tanong nya sakin.

“Di pa ah.” Inabot ko libro ko sa bag gamit isang kamay. Di ko binitawan pagkakahawak ko sa kamay nya. Linipat ko sa mga huling pahina sabay hinanap ko mga nakasulat duon. Hinanap ko “April”. Merry Christmas… Merry Christmas… eto, April. Ginawa nyang heart yung tuldok sa letter “i”. Ganda ng penmanship nya.

“Hi JB,

Hope you have a blessed Christmas.
This is maybe the best time for me to say this…
I love you!
April”

“Umm, wow!” gulat ako. I love you. Di ko alam kung paano ko sasagutin din tong sinabi nya.

“Kaya ang sama sama ng loob ko sa ‘yo kanina. Ganun lang yung message mo.” mahina at malumanay nyang sinabi.

“Hala, sorry, April.” sabi ko.

“Uy, hindi, okay lang.” mas malakas nyang sinabi. “Ikaw naman pala nagsulat nun. Hi hi!”

“Thank you ha!” tuloy nya. “Masaya ako! Kala ko wala lang ako.” pinupunasan ng isang kamay nya yung namumuong luha sa mata nya.

“Ha ha! Kung alam mo lang din. Pareho nararamdaman ko.” sabi ko. “Uhmm… so, ibig sabihin ba nito eh tayo na?”

“Uhmm, di ko rin alam. I guess. Uhmm, so ikaw magiging first boyfriend ko?” alangan nyang pagtanong nya. Ngumiti din ako.

“Talaga? Then ikaw rin first girlfriend ko.”

“Talaga?” cute nyang pangiting tanong.

“Talaga.”

Nagkwentuhan pa kami nung hapon na yun, at mostly tinanong ko kung anong kaya kong maisip about sa kanya. Dumating din yung pansit at nagshare kami sa isang plato. Gusto nya pa akong subuan kasi daw yun yung mga ginagawa ng mga magboyfriend/girlfriend.

ITUTULOY

Hot Stories
Latest posts by Hot Stories (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories