Author: AltEisen0214
*Ang mga karakter at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Anuman pagkakatulad sa totoong pangyayari ay di sinasadya*
**Inspired by the stories of sir paulito (BnK series) and sir toyantz (bantay ng computer shop)*
Chapter 1 – Soon to Rise
“Siguro nga, hanggang dito na lang tayo. Itigil na natin ito.” Tatlong buwan na mula nang maghiwalay kami ni Joy pero paulit ulit pa din sa isipin ang mga salitang sinabi nya. Mahirap. Masakit. Pero kailangan tanggapin. Nawala na plano namin para sa isa’t isa.
Tumulo na naman ang aking luha habang nakatitig sa pinapagawa kong bahay. Ano pa kaya magiging silbi nito, tanong ko sa sarili ko. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at agad akong nakaisip ng ideya. Tutal bata pa naman ako, gawin ko na lang itong dorm o paupahan. Maganda naman ang lokasyon, tahimik na subdivision na katabi lang ng isang unibersidad. May convenience store na malapit, accessible lang din sa highway.
Agad akong nagtext sa matalik kong kaibigan na nagtuturo sa mga senior high sa nasabing unibersidad.
“Pre may business ako na itatayo. Need ko ang tulong mo. Kita tayo mamaya sa 7 11 sa tapat ng school. 6pm,” text ko sa kanya.
“Sige pre. Mukhang alam ko na yang naiisip mo ah,” sagot ng kaibigan ko.
6pm. Dumating si Benjie, ang bestfriend ko.
“Pre ano ba maiitulong ko dyan sa business mo” tanong nya.
“Pre yung bahay sana na pinapagawa namin ni joy, balak kong gawing dorm. Baka yung mga estudyante mo o mga estudyante ng jowa mo eh maaalok nyo. Less than 1 month na lang tapos na ang bahay. May mga gamit na din para dyan. 2-storey yan na may 5 kwarto. 1 master’s bedroom, 3 para sana sa mga anak at tsaka isang kwarto na gagawin ko sanang studio.” sabi ko.
“Magandang ideya yan pre. Ano kaya kung gawin mong ladies’ dorm yan. Pre bawal dapat mga bisitang lalaki. Iingatan mo lang naman mga tenants mo. Tsaka baka may gustong magpatutor pre, engineers naman tayo kaya pedeng pede natin maturuan,” paliwanag ni benjie.
Napaisip ako. Tama nga sya. Pedeng pede nga. At alam nya ang kahinaan ko. Siya lagi kasama ko nung college pa kami sa mga pambababae at alam na alam nya mga tipo ko. Nahinto lang nang makilala ko si Joy. Nagtino ako at nagseryoso.
“Sige pre. Baka may mga estudyante ka na naghahanap ng matutuluyan. Student friendly lang magiging renta.”
“Oo pre. Akong bahala. Magiging heaven yang paupahan mo. Hahaha”
Lumipas ang isang buwan at natapos ang paggawa ng dorm. Kumpleto na din sa gamit mula sa mga upuan, kama at lutuan. Nagpakabit din ako ng internet upang di na din sila mahirapan sa mga research nila.
“Pre, good news,” bungad ni benjie habang kasama ang 5 magagandang dala. “May narecruit na akong 5 boarders agad. 2 estudyante ko at 3 sa jowa ko.”
“Pre, salamat. Buksan na ba natin ang ‘Dorm sa Heaven Street’?” sabi ko sa kanya.
“Hahaha. Oo pre. At itour mo na sila sa loob nang maging langit na ulit ang buhay mo!”
Itutuloy…
- Laro ni misis - November 4, 2024
- Mrs. Jackpot – 2 - November 2, 2024
- Quickie stories: Game si Tita - November 1, 2024