Uncategorized  

Carnal: Book 3 – Chapter 18: Blue Heights Tower

anino
Carnal: Book 3

Written by anino

 

Earlier that day:

“Sony, Dino” tawag ni Rosana “boss” sagot ng dalawa “maghanda kayo, lilipat na tayo sa bago nating tirahan” utos ni Rosana sa kanila “masusunod, boss” sagot ni Dino at pumasok na silang dalawa sa loob ng bahay. Lumabas si Esmeralda at lumapit sa kanya “mama” “oras na para kumilos tayo anak” sabi ni Rosana kay Esmeralda na niyuko ng dalaga ang ulo niya at yumakap siya sa mama niya. “Speravo che non va da questo (umaasa akong hindi sana hahantong sa ganito)” sabi ni Rosana “boss” tawag ni Sony “ano?” tanong ni Rosana “nakahanda na ang lahat” balita niya kay Rosana.

Lumabas narin si Julie sa bahay bitbit ang maliit na bag sa kaliwang kamay niya at mahabang maleta sa kanan “handa narin ako” sabi niya kay Rosana “Esme” “yes mama, nakahanda narin ang gamit ko” sabi ni Esmeralda. Lumabas ng bahay si Dino dala ang mga bagahe nila “binalita ni Wilfredo na nakahanda na ang bagong lilipatan natin, hinihintay na nila tayo” balita niya kay Rosana. “Sige, isakay na lahat yan sa kotse at aalis na tayo ngayon din” utos niya at kumilos na sila “boss, paano si bugoy?” tanong ni Sony “ako na ang bahala sa kanya, isang lugar lang ang pwede niyang tambayan” sabi ni Rosana at sumakay na sila sa kotse at umalis.

Present:

Hininto ko ang sasakyan dalawang kanto ang layo sa Blue Heights Tower at ipinarada ko ito sa likod ng isang tindahan tanaw lang ang gusali “maghanda tayo” sabi ni Johny sa akin kaya lumabas kami at pumunta sa likod. Sinuot ko ang bulletproof vest pati narin ang ibang gamit sa katawan ko pati narin sa kanang hita ko para malagyan ko ng secondary sidearm ko. “Parang… sanay kana ata nito ah?” sabi ni Johyn sa akin “ah hehehe dumaan kasi ako sa training” sabi ko sa kanya “oonga pala, graduate ka nga pala sa PNPA” sabi niya sa akin.

“Hindi sa PNPA ko nakuha ang training ko” sabi ko sa kanya na napansin kong napatigil siya at tumingin sa akin “saan mo nakuha ang training kung hindi sa PNPA?” gulat niyang tanong sa akin. Pagkatapos naming maghanda sinara na namin ang likuran ng SUV at nilagay ko ang bag sa likuran ko “sa mommy ko” sagot ko sa kanya sabay kasa ko sa M16 rifle na hawak ko. “Mommy ha” sabi niya na natawa lang ako at tinapik ko siya sa balikat “kung kilala mo lang ang mommy ko, not an army in the world ang makakapagpigil sa kanya” natatawa kong sabi sa kanya na natawa narin siya.

Sumakay muli kami sa sasakyan at tinahak namin ang daan papunta sa gusali “iliko mo sa kaliwa Dave” sabi ni Johny kaya niliko ko ang sasakyan sa kaliwa at tinuro niya sa akin kung saan ko ito iparada. Sakto ang lugar na hinintuan namin dahil madilim at tago sa mga tao sa labas at pansin ko makikita mo ang entrance ng gusali sa dulo ng kalye “alam mo talaga ang lugar na ito” sabi ko sa kanya. “Oo, yun ang una kong inalam para kung me operation kami madali kong maibigay sa superior ko ang tamang daan para mapasok namin ang gusali” sabi niya.

“Maghanda na tayo” sabi niya kaya lumabas na kami “dito Dave” tawag niya sa akin “teka, akala ko ba?” takang tanong ko sa kanya dahil naglakad kami hindi papunta sa kusali kundi sa dulo ng kalyeng pinaradahan namin. “Gaya ng sinabi ko sa’yo me daan na pwede nating pasukin ang gusali na hindi nila malalaman” sabi niya sa akin nung yumuko siya at tinulak ang isang kariton. “Dito” sabi niya at tinuro niya sa akin ang butas na kasya ang dalawang tao “imburnal?” sabi ko sa kanya “oo, bakit?” tanong niya “ah.. wala sige” sabi ko at nauna siyang bumaba at sumunod na ako.

“Ang baho dito” sabi ko sa kanya “hehehe pasensya na, dito kasi dumadaan ang lahat ng tubig mula sa gusali” sabi niya “paano mo nalaman ang lugar na ito?” tanong ko sa kanya nung sinundan ko siya. “Galing sa engineer na gumawa sa gusali” sabi niya sa akin “dito Dave” tawag niya at huminto kami sa harap ng isang bakal na pinto “saan ang lagusan nito?” tanong ko. “Sa basement ito ng gusali” sabi niya “tulongan mo ako” sabi niya kaya tinulongan ko siyang hatakin ang pinto para bumukas at nung gumalaw na ito nagdulot ito ng ingay kaya tumigil kaming dalawa.

“Baka me makarinig?” sabi ko “walang tao ngayon, gaya ng sinabi ko sa’yo konti lang ang taong nagbabantay sa gusali ngayon” sabi niya kaya hinila namin ito pabukas at nung nabuksan na namin ito ng konti pumasok na kami sa loob. Sobrang dilim sa loob kaya gamit ang flashlight pumunta kami sa dulo ng basement at doon nakita namin ang pinto kaya huminto muna kaming dalawa at nagcheck sa mga gamit namin. Kumuha ako ng salamin sa loob ng bag ko at inislide ko ito ng konti sa ilalim ng pinto para tingnan kung me tao ba sa labas o wala.

“Clear!” sabi ko kaya binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at gaya kanina nilabas ko ng konti ang salamin para tingnan kung me cctv ba sa labas o wala “clear!” sabi ko uli kaya lumabas na kami. Pareho kaming naka bulletproof vest at me nakabitin na secondary rifle sa gilid namin, bag na me lamang mga bala at granada at dalawang side arms sa magkabilang hita namin. “Sumunod ka sa akin, watch my back” sabi ni Johny sa akin “suppressor on!” sabi ko kaya nilagay namin ang suppressor at nagsimula na kaming naglakad papunta sa stairway.

“Target is on 13th floor, keep your eyes peel and ears on at all time” sabi ni Johny “roger!” sagot ko at nagsimula na kaming umakyat sa hagdanan habang nakatutok ang armas niya sa harap sa akin naman ay sa likuran namin. Nasa third floorn na kami ng biglang tumigil si Johny “bakit?” tanong ko “shit! CCTV!” sabi niya sa akin kaya umatras kami pababa ng hagdanan ng biglang bumukas ang pintuan sa second floor. “Enemy!” sabi ko kaya wala akong choice nung na kita niya kami at tinutok niya ang baril niya sa amin kaya binaril ko siya at natumba agad siya sa sahig.

“Shit!” napamura si Johny kaya mabilis kaming bumaba sa flatform ng second floor para habulin ang pinto dahil alam naming magdudulot ito ng ingay pagsumara “got it!” sabi ni Johny nung nahawakan niya ang pinto. “Good!” nasabi ko nalang at pareho kaming huminga ng maluwang, hinila ko palayo sa pinto ang napatay ko “no choice Dave” sabi ni Johny sa akin. “Assault formation” sabi ko sa kanya “assault formation” sagot niya kaya nauna siya sa pinto at nasa likuran niya ako, nung tinapik ko siya sa balikat agad siyang pumasok payuko at sumunod ako sa kanya na agad akong tumalikod sa kanya para bantayan ang likuran namin.

Maganda ang progress namin dahil wala ngang masyadong nagbabantay sa gusali kaya natuwa kami nung narating namin ang kanto malapit sa elevator pero ang hindi namin inaasahan ang pagbukas nito sakay ang dalawang tauhan ng gusali. “DAVE!” sigaw ni Johny kaya sabay kaming dumapa sa sahig at sabay naming pinagbabaril ang dalawang tauhan sa loob ng elevator. Sabay silang bumagsak sa loob at doon narinig namin ang alarm ng gusali “shit!” napamura kami pareho ni Johny “nawala na ang element of surprise natin” sabi ko kay Johny.

Nagreload kami at sumakay kami sa elevator papunta sa 13th floor “ihanda mo ang sarili mo” sabi ni Johny sa akin dahil alam naming naghihintay sa amin ang mga tauhan ni Edwardo sa taas. Inabot ko ang phone ko sa kanang bulsa ng pantalon ko at hinanap ang pangalan ni lolo Rudy at ni ready ko ito just in case ng huminto nalang bigla ang elevator at namatay ang ilaw sa loob. “Shit! Pinatay nila ang elevator” sabi ni Johny “sa taas” sabi ko kaya tinulongan niya akong umakyat sa bubong nito at hinila ko siya pataas “parang marami kang alam ah” sabi ni Johny sa akin.

“Believe me kung kasama mo ang mommy ko marami ka talagang malalaman” sabi ko sa kanya “tara umakyat na tayo” yaya ko sa kanya kaya nagsimula na kaming umakyat sa hagdanan na nasa gilid ng elevator shaft. “Kumusta ka Johny?” tanong ko sa kanya dahil mabagal ang pag-akyat niya “ma.. maayos lang ako Dave” sagot niya na para bang nahihirapan siyang huminga. “Gusto mong magpahinga muna tayo?” tanong ko sa kanya “sira ka ba!” sabi niya na natawa nalang ako “baka kako gusto mong magpahinga muna” sabi ko “hindi! Kailangan nating makarating ang 13th floor” sabi niya kaya tumango ako at tinuloy ang pag-akyat namin.

“Sir, hindi namin sila mahanap” balita ng isa sa tauhan ni Edwardo “sir, payo ko lang po na umalis na kayo dito at kami na ang bahala sa kanila” sabi ni Roger kay Edwardo “hindi, alam kong si Ingrid ang pakay ni Johny dito” sabi ni Edwardo. “Pero sir, delikado po kung manatili kayo dito dahil alam kong malaki ang galit sa’yo ni Johny” sabi ni Roger sa kanya. “Hindi ako natatakot kay Johny pero.. curious ako kung bakit kasama niya ang apo ni Rudy” sabi ni Edwardo “hindi ba kaya sila ang nagtago kay Johny?” tanong ni Roger “malalaman natin, kailangan kong makuhang buhay ang bata yun” sabi ni Edwardo “si Johny?” tanong ni Roger na tumingin lang sa kanya si Edwardo “masusunod sir” sagot ni Roger.

Lumabas sina Roger at nag-iwan siya ng mga tauhan sa labas ng opisina ni Edwardo “kayo, dito lang kayo at huwag na huwag niyong iiwan ang posisyon niyo” utos ni Roger sa kanila. “Tawagan mo ang tauhan natin sa baba sabihin mo sa kanila na paandarin muli ang elevator” utos ni Roger na agad kumilos ang mga tauhan niya “ako ang tatapos kay Johny” sabi niya sa mga tauhan niya at pumunta sila sa me elevator. Umakyat sa hagdanan ang ibang mga tauhan ni Edwardo habang yung iba naman ay pumosisyon sa harapan ng elevator sa bawat floor ng gusali.

Narinig naming gumalaw ang elevator “not good” sabi ko kay Johny at kita kong nasa sixth floor palang kami “bilisan mo Johny!” sabi ko sa kanya kaya binilisan namin ang pag-akyat sa hagdanan. Nasa seventh floor na kami nung umakyat bigla ang elevator “Johny, bilisan mo” sabi ko sa kanya dahil malapit na ang elevator sa amin “damn it!” narinig ko galing kay Johny dahil nahirapan na siyang humakbang dahil sa sugat niya. Ginawa ko hinawakan ko ang vest niya at hinila ko siya pataas kaya mabilis siyang nakaakyat sa hagdanan at pumwesto sa kabilang side ng hagdanan.

“Dumikit ka!” sabi ko sa kanya kaya dumikit siya sa pader at doon dumaan sa harapan namin ang elevator, nakahinga kami ng maluwang at natawa kami pareho dahil sa pangyayari. “Tara!” yaya ko sa kanya at nung tumingin ako sa taas ilang akyat nalang nasa 8th floor na kami “malapit-lapit na tayo” sabi ko sa kanya kaya nagsimula kaming umakyat ng biglang narinig naming bumaba ang elevator. “Oh fuck!” napamura kami pareho kaya nagmadali akong umakyat at pinilit buksan ang pintuan ng 8th floor para makapasok kami sa loob.

“Dave!” tawag sa akin ni Johny “bakit?” “wala ka bang narinig?” tanong niya “yung elevator oo” sagot ko na umiling siya “hindi! Pakinggan mo” sabi niya kaya nakinig ako “crap!” sabi ko. “Heto” sabi niya at inabutan niya ako ng granada “just-in case” sabi niya sa akin kaya pinilit kong buksan ang pinto at nung bumukas ito ng konti tinanggal ko yung pin ng granada at binato ko ito sa loob sabay baba ko sa hagdanan. Nakarinig kami ng sigawan kasunod ang pagsabog ng grandang binato ko kanina “bilis!” sabi ni Johny sa akin kaya umakyat ako at binuksan ko ang pinto at lumabas ako.

Tinutok ko ang baril ko sa paligid at nakita kong me mga katawang nakakalat sa paligid “Johny!” tawag ko sa kanya na agad siyang umakyat at pumasok sa loob “YUKO!” sigaw ko nung me namataan akong mga taong pumasok sa loob ng floor. Pinagbabaril ko sila na tinamaan ko ang ilan sa kanila habang yung iba naman ay mabilis na nakatago sa likod ng mga furniture. Agad kaming pumwesto sa likod ng malaking bilog na pader at magkadikit ang likuran naming dalawa “sumuko na kayo kung ayaw niyong mamatay!” sigaw ng isa sa tauhan ni Edwardo.

“Buwisit ka!” sabi ni Johny sabay kuha niya ng granada at hinagis niya ito na narinig namin silang nagsigawan at nagtakbuhan sabay sumabog ang granada “let’s go!” sabi ni Johny. Lumabas kami sa likod ng poste at sabay kaming nagpaputok sa kalaban habang tumatakbo kami papunta sa pintuan ng stairway sabay tadyak ko sa pinto at bumukas ito. Nagbato ng granada si Johny sa mga kalaban namin sabay takbo namin paakyat sa taas at narinig naming sumabog ang granada “Dave, hold muna!” sabi ni Johny kaya huminto kami sa flatform sa gitna ng 8th and 9th floor.

“Bakit?” tanong ko sa kanya at nakita kong dumugo ang gilid niya “me tama ka?” tanong ko sa kanya “hindi, sugat ko ito kanina” sabi niya sa akin “shit! Kaya mo pa ba?” tanong ko sa kanya “oo, kaya ko pa” sabi niya. “Ako sa harap ikaw sa likod” sabi ko sa kanya na pumayag naman siya kaya nagsimula na uli kaming umakyat ng hagdanan at narating na namin ang 10th floor flatform nang makarinig kami ng marming yapak sa loob nito. “Johny, bilis!” sabi ko sa kanya dahil alam ko kung maabutan nila kami dito hindi magiging pabor sa amin ang sitwasyon.

Pagdating sa 11th floor flatform biglang bumukas ang pinto kaya binaril ko ang mga taong lumabas nito habang si Johny naman ay abala sa mga tauhan na nanggaling sa 10th floor. Hinila ko ng mahina si Johny nung napatay ko na ang kalaban ko at sumunod na siya sa akin at kumuha siya muli ng isang granada at binato niya sa hagdanan at saktong naakyat kami sa hagdanan papunta sa 12th floor nung sumabog ito. Huminto muna kami sa pinto ng 12th floor dahil bigla nalang bumagsak si Johny at kita kong nanghihina na siya “shit, masama ito” sabi ko na humawak siya sa braso ko.

“Tu.. tuloy natin Dave..” sabi niya “nandito na tayo wala na tayong ibang choice” sabi ko sa kanya “haa..haahh.. ” hinihingal na siya at narinig ko ang yapak ng mga paa na paakyat sa hagdanan. Kumuha ako ng granada sa bag ko at binato ko ito sa hagdanan sabay hila ko kay Johny papasok sa loob ng 12th floor at narinig kong sumabog ang granadang binato ko kanina. “Na.. nasaan na tayo?” tanong ni Johny “nasa 12th floor na tayo” sagot ko sa kanya na dahan-dahan siyang bumangon kaya inakay ko siya para tumayo “handa na ako” sabi niya “sige, tayo na” sabi ko sa kanya at naglakad na muli kami.

“Dito Dave..” sabi niya sa akin kaya pinauna ko siya habang binabantayan ko ang likuran namin “bakit, parang walang tao dito?” tanong ko sa kanya “mostly sa mga tauhan ni Edwardo nagbabantay yan sa lobby at sa opisina niya” sabi niya sa akin. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya “dito, alam ko nandito siya” sabi ni Johny sa akin at huminto siya sa isang pinto. Binuksan niya ito at nung tumayo ako sa likuran niya nakita ko sa loob ang isang babaeng nakahiga sa kama “si Ingrid” sabi ko na lumingon sa akin si Johny “dito ka lang sa me pinto, bantayan mo ang posisyon natin” sabi niya na tumango ako at pumasok siya sa loob at niluhod ko ang isang tuhod ko at pumwesto ako.

Lumingon ako sa kanila at nakita kong lumuhod si Johny sa tabi ng kama at hinimas niya ang mukha ni Ingrid, naalala ko tuloy si Helen pero umiling nalang ako para alisin ang isipan na yun at tinuon ang pansin ko sa paligid. “Mila…” narinig kong sabi ni Johny “Mila.. nandito na ako…” sabi niya na narinig kong umungol si Ingrid “A…Albert…” sabi ni Ingrid “oo, ako ito, nandito ako para iligtas ka” sabi niya. “Huhuhu.. Albert…” umiyak si Ingrid “sshhh..sshhhh… huwag kanang umiyak aalis tayo dito… lalayo tayo at manirahan na ng tahimik.. .gaya nung pinangarap natin noon” sabi ni Johny sa kanya.

“Huhu… pa…patawad…Albert…” sabi ni Ingrid “hindi.. hindi ka dapat humingin ng tawad sa akin… ako dapat ang humingi sa’yo nun” sabi ni Johny nung nilingon ko sila nakita kong tinatanggal ni Johny ang tali sa mga kamay ni Ingrid. Nagyakapan silang dalawa at nakita kong naghalikan sila kaya umiwas ako ng tingin at hinayaan silang maglambingan “aalis na tayo dito” sabi ni Johny “hindi.. hindi na pwede..” sabi ni Ingrid kaya napalingon ako sa kanila at nakita kong tumingin sa baba si Ingrid. Inangat ni Johny ang kumot na nakatabon sa ibabang parte ng katawan ni Ingrid at nagulat nalang siya at naluha sa nakita niya.

“Haaaah… huhu… haaa..huhuhu.. ano ang ginawa nila sa’yo?” umiiyak na sabi ni Johny nung nakita niyang putol na ang dalawang binti ni Ingrid “shhh..mahal ko..” sabi ni Ingrid “papatayin ko sila… PAPATAYIN KO SILA!” sigaw sa galit ni Johny. “Sshhh… mahal ko.. ” sabi ni Ingrid na niyakap niya si Johny at pareho silang umiyak sa sinapit nilang dalawa. Naawa ako sa kanila at lalo ko lang tuloy naalala si Helen at ang relasyon naming dalawa, tama ba akong hindi na habulin si Helen, si Erica.. ano nga ba talaga kaming dalawa? Ang tumatakbo sa isipan ko pero naputol nalang ito nung me narinig akong mga ingay sa dulo ng hallway.

“Johny!” tawag ko sa kanya “Mila..” sabi ni Johny “nasa.. ilalim ng kama ko.. kunin mo” sabi ni Ingrid sa kanya kaya kinuha ni Johny ang sinabi ni Ingrid at nakita ko nung inangat ito ni Johny. “Ang itim na libro!” sabi ko “yan.. yan ang listahan ng mga taong ipinatay ni Edwardo at.. nandyan din ang.. listahan ng mga operasyon nila..” paliwanag ni Ingrid “nandito na lahat?” tanong ni Johny. “Oo, pero.. hindi yan orihinal.. kinopya ko lang yan sa orihinal na libro ni Edwardo… ” sabi ni Ingrid “Johny, malapit na sila” sabi ko sa kanya na nagkatinginan silang dalawa ni Ingrid.

“Itatakas kita dito” sabi ni Johny sa kanya “hindi na… wala na tayong panahon..” sabi ni Ingrid “hindi! Hindi kita iiwan dito” sabi ni Johny sa kanya “hindi… magiging pabigat lang ako sa inyo” sabi ni Ingrid. Napatigil nalang ako nung me narinig akong ingay sa labas ng building “ano yun?” tanong ko kay Johny at nanlaki nalang ang mga mata namin nung nakita naming me dumaan na helicopter sa labas ng kwarto ni Ingrid. “JOHNY TUMAKAS NA TAYO DITO!” sigaw ko sa kanya dahil alam kong back-up yun ng mga tauhan ni Edwardo. “Hindi kita pwedeng iwan dito” sabi ni Johny kay Ingrid “JOHNY!” tawag ko sa kanya na tumingin lang siya sa akin at binalik ang atensyon kay Ingrid.

Samantalang nakarating sa lobby si Roger at tiningnan niya ang CCTV monitor sa security office “nasaan na ba sila?” tanong niya sa tauhan niya “sir, last feed po nakita namin sila sa 10th floor” balita ng tauhan niya. “Boss, tumawag yung mga tauhan natin nasa 12th floor sila sa silid ni Ingrid” balita ng isa pang tauhan niya “punyeta, akin na sila” sabi ni Johny at nagmadali siyang lumabas ng security room. “Kayo, bantayan niyong mabuti ang lobby, kayong apat sumama kayo sa akin sa 12th floor” utos niya sa mga tauhan niya at tinawagan niya si Edwardo sa cellphone niya.

“Sir, nasa 12th floor si Johny at si Dave” balita niya sa matanda “tama nga ako, si Ingrid nga ang pakay ni Johny” sabi ni Edwardo “sir, aakyat na kami sa 12th floor” sabi ni Johny. “Huwag mong galawin ang bata gusto kong makausap siya pero alam mo na ang gagawin kay Johny” sabi ni Edwardo “masusunod po sir!” sagot ni Roger “Roger!” tawag ni Edwardo “po?” “on second thought dalhin niyo silang dalawa sa harapan ko, gusto ko ako ang papatay sa kanya” sabi ni Edwardo na ngumiti nalang si Roger “masusunod sir” sabi ni Roger.

“Johny! Tara na!” sabi ko sa kanya dahil pinipilit parin niyang isama si Ingrid kahit sinabi na nitong ayaw niya “hindi ko siya iiwan Dave” sabi ni Johny “IDIOT!” sigaw ko sa kanya. Nung nakita ko ang isa sa tauhan ni Edwardo na papalapit sa amin agad akong lumabas ng konti at binaril ko agad siya at nakita kong nangisay nalang ito at natumba “JOHNY!!!” sigaw kong tawag sa kanya. “Sige na Albert, tumakas na kayo” sabi ni Ingrid sa kanya “Mila… Mila..” sabi ni Johny na sunod-sunod na ang pagputok ng armas ko dahil sa mga tauhan ni Edwardo na umaadvance sa position namin.

Dumating na sa 12th floor sina Roger “boss, hindi kami makalapit” sabi ng tauha niya “mga inutil!” sabi ni Roger at pumusisyon siya sa kanto at sumilip siya sa gilid nito at nakita niya si Dave na nakaposisyon sa me pinto. “DAVE!” narinig kong me tumawag sa akin kaya lumingon ako kay Johny “sino yun?” tanong ko “DAVE, ALAM KONG NARIRINIG MO AKO” narinig kong sabi sa labas. “SINO KA BA?” tanong ko “si Roger” sabi ni Johny sa akin kaya agad akong nagpalit ng magazine at lumapit sa kanila ni Ingrid “kailangan na nating umalis Johny, kung magtatagal tayo dito hindi na tayo makakaalis pa” sabi ko sa kanya.

“Tama siya Albert, tumakas na kayo” sabi ni Ingrid sa kanya “pero Mila..” “huwag mo na akong intindihin, mahal na mahal kita alam mo yan” sabi ni Ingrid sa kanya “Johny!” sabi ko na tumingin siya sa akin. “Sige na please.. tumakas na kayo” sabi ni Ingrid sa kanya na huminga ng malalim si Johny at nagyakapan sila ni Ingrid kaya bumalik ako sa pwesto ko sa me pinto at sumilip ako sa labas. Nakita kong nakapwesto sila sa dulo ng hallway at tumingin ako sa kaliwa nakita ko ang exit sign papunta sa hagdanan “Johny, hindi tayo pwede bumalik sa dinaanan natin kanina wala tayong ibang choice kundi pumunta sa kabilang side ng hallway papunta sa hagdanan” sabi ko sa kanya na tumango siya.

Naghalikan sila ni Ingrid at dinikit nila ang mga noo nila “mahal na mahal kita” sabi ni Ingrid sa kanya “mahal na mahal din kita, Mila” sabi ni Johny at doon tinulak na siya ni Ingrid palayo kaya tumayo na siya at nilagay sa loob ng vest niya ang itim na libro. Narinig kong umiyak si Ingrid nung naglakad na si Johny papunta sa akin “handa kana?” tanong ko sa kanya na nagpapahid siya ng luha niya at lumingon kay Ingrid “oo, handa na ako” sabi niya. “SUMUKO NA KAYO!” sigaw ni Roger “ALAM NIYO NAMANG MAAAWAIN ANG AMO NAMIN BAKA PAPAKAWALAN PA NIYA KAYO KUNG SUSUKO KAYO NG TAHIMIK” dagdag niya.

“GAGO!” sigaw ni Johny kay Roger “HALIMAW ANG AMO MO AT NI MINSAN WALANG BAHID NA KABUTIHAN ANG TAONG YUN!” balik ni Johny kay Roger na nakita kong lumabas ito sa kantong pinagtataguan niya. “GAG…” naputol nalang siya nung lumabas ko ng konti sa pinto at agad siyang bumalik sa likod ng kanto nung nakita niya akong tinutok ko ang armas ko sa kanya. “MOVE!” sabi ko kay Johny na lumingon pa siya kay Ingrid bago siya lumabas ng kwarto at tumakbo papunta sa fire exit habang pinapaputokan ko sina Roger.

Habang tumatakbo si Johny lumabas narin ako ng kwarto at tumango ako kay Ingrid na nginitian naman niya ako at paatras akong sumunod kay Johny “DAVE!” sigaw ni Johny at siya naman ang nagpaputok sa kanila ni Roger. Nagpalit ako ng magazine habang paataras ako at nagbato ng granada si Johny nung nasa tabi na niya ako sa fire exit at sabay kaming pumasok sa loob at tumakbo sa hagdanan. “Mga punyeta! Sundan niyo” sabi ni Roger sa mga tauhan niya habang pumasok naman siya sa loob ng kwarto ni Ingrid at nakita niya itong nakangiting nakatingin sa kanya.

“Masaya ka ata?” tanong ni Roger sa kanya “hustisya… Roger” sabi ni Ingrid sa kanya “hustisya? Hahahaha, ipapakita sa’yo ni Edwardo kung ano ang hustisya pagnahuli namin sila” sabi ni Roger sa kanya. “Boss, paakyat sila sa rooftop” balita ng tauhan niya “narinig mo yun? Wala na silang patutungohan” sabi ni Roger kay Ingrid “yun.. ang akala mo…” sabi ni Ingrid sa kanya. “Alam narin ni sir Edwardo ang lahat susunod siya sa rooftop” sabi ng tauhan ni Roger “sige, susunod din ako, bantayan mo ang putang ito” utos niya sa tauhan niya “masusunod boss” saogt ng tauhan niya at lumabas ng kwarto si Roger.

“Hindi na natin kailangan pang pumunta sa opisina ni Edwardo, nakuha na natin ang kailangan natin” sabi ko kay Johny “hindi! Alam kong nandito siya” sabi ni Johny nung nasa labas lang kami ng pintuan ng 13th flloor. “Johny, think about it!” sabi ko sa kanya nung pinigilan ko siyang pumasok sa loob “pagkakataon ko na ito” sabi niya sa akin “illogical! Llife before vengence” sabi ko sa kanya na tumingin siya sa akin. “Makukuha din natin siya but not right now, we need to survive and escape” sabi ko sa kanya na nag-isip siya ng sandali at natauhan nalang siya nung narinig namin ang mga yapak paakyat ng hagdanan at ingay sa loob ng pinto.

Hinila ko siya papunta sa rooftop at umaasa akong me paraan kaming makatakas doon since alam niya ang gusaling ito “hurry” sabi ko sa kanya at kinapa ko ang loob ng bag ko. “Wala na akong granada” sabi ko sa kanya at binigyan niya ako “yan na ang huli ko” sabi niya sa akin at pareho kaming nagpalit ng magazine bago kami lumabas ng rooftop at sabay naming tinutok ang armas namin sa paligid. “Clear!” sabi ko at tumakbo kami papunta sa hellipad ng biglang napahinto kami dahil walang hellicopter na nakapara doon.

“Ano pala yung nakita natin kanina?” tanong ko sa kanya “shit! Magtago tayo!” sabi ni Johny sa akin kaya yumuko kami sa likod ng airconditino vent at naghintay kami sa pagdating ng mga tauhan ni Edwardo. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng paraan para makatakas sa gusaling ito “Johny me paraan ka bang makatakas dito?” tanong ko sa kanya “sorry Dave, wala” sagot niya sa akin at kita kong nanghihina na siya. “SHIT!” napamura ako at dumungaw ako sa gilid ng gusali at nakita ko ang makakapal na usok na lumabas sa binatana. “Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ko sa kanya na umiling lang siya at sumandal sa airvent “hindi… haahh.. hindi ko alam…” sabi niya sa akin.

Narinig naming tumunog ang elevator at nung sumilip ako nakita ko sina Roger at mga tauhan niya kasabay ng pagbukas ng pintuan ng stairway at lumabas ang iba pang mga tauhan niya. “SUMUKO NA KAYO! WALA NA KAYONG MATATAKBUHAN PA!” sigaw ni Roger sa amin “magsikalat kayo!” utos ni Roger sa mga tauhan niya na nakita kong kumalat sila at tinutok ang mga armas sa posisyon namin ni Johny. “Bad news, wala tayong exit plan” sabi ko kay Johny na humawak siya sa balikat ko “so.. sorry Dave..” sabi niya na nakita kong papikit na ang isang mata niya at nakita kong tumulo ang dugo mula sa gilid niya.

“Not now Johny… Agent Albert not now” sabi ko na kinuha niya ang itim na libro sa vest niya at binigay niya ito sa akin “i.. ikaw na.. ikaw na ang bahala nito.. Inspector” sabi niya sa akin. “Ano ang gagawin ko nito kung hindi naman ako makakatakas sa gusaling ito? It’s pointless” sabi ko sa kanya dahil pati ako nawalan narin ng pag-asang makatakas kami dito. “Nothing is.. hopeless…” sabi niya na kinuha niya ang side arm niya at hinanda niya ito “ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya “he..hehe..hehehe… trabaho ko..” natatawang sabi niya sa akin “no… no way..” sabi ko na umiling siya at nginitian ako.

“Ibaba niyo ang mga armas niyo at sumuko na kayo sa amin, wala na kayong mapupuntahan pa” sabi ni Roger sa amin nung narinig muli namin ang tunog ng elevator kaya sumilip ako at nakita ko kung sino. “Si Edwardo” sabi ko na agad gumalaw si Johny “pagkakataon ko na ito Dave” sabi niya sa akin “no! Hindi ka lalabas” sabi ko sa kanya “you can’t stop me Inspector” sabi ni Johny sa akin. “DAVE!” narinig ko ang pangalan ko kaya sumilip ako “walang mangyayari sa inyo kung susuko kayo” narinig ko galing kay Edwardo na nakita kong nakatayo lang ito sa harapan ng mga tauhan niya.

“I can assure you na walang mangyayari sa inyo, gusto ko lang kayong kausapin” sabi ni Edwardo sa amin “kausapin?” tanong ko na nakita kong kumaway si Edwardo sa mga tauhan niya at dahan-dahan silang umatras. “Oo! Gusto ko lang kayong kausapin tungkol sa ginagawa niyo dito” sabi niya sa amin kaya lumingon ako kay Johny “huwag kang maniwala sa kanya, Dave” sabi ni Johny sa akin. “Wala tayong choice, na corner na nila tayo” sabi ko sa kanya “huwag kang maniwala sa kanya traydor yang si Edwardo” sabi ni Johny sa akin pero wala na akong iba pang nakikitang paraan.

“Shit! Wala na tayong choice Johny” sabi ko sa kanya na hinawakan niya ako sa balikat “hindi! Hindi ka lalabas” sabi ni Johny sa akin sabay bangon niya kaya pinigilan ko siya “ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya. “Ibato niyo ang mga armas niyo at mag-usap tayo ng masinsinan” narinig namin galing kay Edwardo “makikipag-usap sa kanya” sabi ni Johny sa akin sabay bato niya ng mga armas niya. “Diyan ka lang, huwag na huwag kang lumabas” sabi niya sa akin “walang magpapaputok!” sabi ni Johny “makakaasa kayo” sabi ni Edwardo at dahan-dahang tumayo si Johny habang nakatingin siya sa akin.

“Diyan ka lang” sabi ni Johny sa akin at tumayo na siya at tinaas niya ang dalawang kamay niya “wala akong..” hindi na natuloy ni Johny ang sasabihin niya dahil me bumaril sa kanya at bumagsak siya sa tabi ko. “JOHNY!!!” sigaw ko “PUNYETA SINO ANG NAGPAPUTOK SA INYO?!” sigaw ni Edwardo sa mga tauhan niya kaya agad kong hinila si Johny palapit sa akin “sa.. sabi ko sa’yo… ” sabi niya sa akin. “Johny! JOHNY!” “huw…huwag kang… huwag kang mag-aalala sa akin… ” sabi ni Johny sa akin “SINO ANG BUMARIL SA KANYA?!” narinig kong sigaw ni Edwardo sa mga tauhan niya.

“Patawad mo sir” sabi ni Roger na sinuntok siya ni Edwardo at kinuha ang armas niya “SABI KONG WALANG MAGPAPAPUTOK SA INYO!” sinigawan niya si Roger na niyuko nito ang ulo niya at lihim itong napangiti sa ginawa niya. “JOHNY!” tawag ni Edwardo “JOHNY!” tawag muli niya “Da…Dave.. ano.. ano man ang mangyari.. i…itakas mo ang librong yan dito..” sabi ni Johny sa akin. “Oo, gagawin ko yan.. please hold on Agent Albert…” sabi ko sa kanya “a.. alam… alam kong.. wala narin si Ingrid… hehehe… ma..matutupad na ang… pangarap naming dalawa…” sabi niya sa akin.

“Ano ang pinagsasabi mo Johny?” tanong ko sa kanya ng biglang me narinig kaming pagsabog sa gilid ng gusali at pati sina Edwardo na gulat sa pagsabog na yun “ANO YUN?!” narning kong tanong ni Edwardo sa mga tauhan niya. “Si.. Ingrid yun.. na… nauna na siya..” sai ni Johny sa akin at doon ko lang napagtanto ang sinabi niya “no way..” sabi ko kay Johny na ngumiti siya sa akin at doon pinikit niya ang mga mata niya. “Pa.. paalam Dave… pa… patawad.. at… sa… salamat… sa tulong mo….” sabi niya sa akin “Mi… Mila… su…susunod na ako…” huling sinabi ni Johny at nakangiti siyang pumanaw sa braso ko “Johny….” pinikit ko ang mga mata ko at nagluksa sa pagpanaw nilang dalawa.

Hiniga ko si Johny at isinuot ko ang kamay ko sa bulsa ko para kunin ang phone ko ng biglang narinig ko muli ang ingay ng helicopter “shit..” napamura ako kaya sumilip ako at nakita kong dahan-dahang lumapit sa akin ang mga tauhan ni Edwardo. “HUWAG KAYONG LUMAPIT KUNDI BABARILIN KO KAYO” sigaw ko na tinaas ko ang armas ko at nagpaputok ako kaya agad silang umatras palayo sa posisyo ko. “DAVE, LUMABAS KANA DIYAN WALANG MANGYAYARI SA’YO PANGAKO KO SA’YO YAN” sigaw ni Edwardo “PANGAKO? BINARIL NIYO NGA SI JOHNY TAPOS SASABIHIN MO SA AKIN WALANG MANGYAYARI SA AKIN PAGLUMABAS AKO? FUCK YOU!” sagot ko sa kanya.

“Kilala ko ang lolo Rudy mo” sabi niya sa akin kaya napatigil nalang ako at sumilip sa kanya “ki.. kilala mo ang lolo ko? Paano mo siya nakilala?” tanong ko sa kanya “mahabang kwento, gusto kong ikwento sa’yo yan pero kailangan mo munang sumuko” sabi niya sa akin. “No chance!” sagot ko “boy, pangako walang mangyayari sa’yo kung susuko you have my word!” sabi ni Edwardo sa akin. “Hindi! Mamatay na kung mamatay” sabi ko sa kanya na nagtaka ako dahil biglang tumahimik ata sila kaya sumilip muli ako at nakita kong naktayo lang si Edwardo katabi niya si Roger.

“Sumuko kana” narinig ko ang tinig ng isang babae kaya nagtaka ako kung sino “sumuko kana, makakasiguro kang walang mangyayari sa’yo…. Barbie!” sabi nung tinig na ikinagulat ko. “Ba….Barbie?” gulat kong sabi kaya dahan-dahan akong sumilip at nanlaki nalang ang mga mata ko nung nakita ko si Erica nakatayo sa pagitan nina Edwardo at ni Roger. “E.. Erica? A… ano ang ginagawa mo dito?” gulat kong tanong sa kanya “naalala mo yung ikunwento ko sa’yo nung nasa opisina tayo ni Hepe?” tanong niya na dahan-dahan akong tumayo at hindi ko na inisip ang peligrong nasa paligid ko.

Nakatutok ang armas ko sa kanila nung nakatayo na ako “naalala mo yung sinabi ko sa’yong napansin ako ng sindikato?” tanong niya sa akin “hindi mo natuloy yun dahil pumasok si Hepe” sagot ko. “Oo, ito ang karugtong ng kwentong yun.. Dave..” sabi niya sa akin na binaba ko ang armas ko at umatras ako ng konti dahil sa pangyayaring ito “Dave.. huwag kang umatras baka mahulog ka” sabi ni Erica sa akin “hindi… i..ikaw? Myembro ng sindikato?” gulat kong tanong sa kanya “pa.. paano yung.. yung pinagtangkaan nila tayong patayin? Ano yun?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

“Palabas lang yun Dave..” sabi niya sa akin “palabas? Napatay mo sila… ngayon sasabihin mong palabas lang yun?” tanong ko sa kanya “alam ko mahirap paniwalaan pero.. nandito ako ngayon maniwala ka sa akin na walang mangyayari sa’yo” sabi niya sa akin. Umatras pa ako ng konti at naramadaman kong nasa dulo na pala ako ng rooftop at nakita ko ang reaction nila na natatakot silang mahulog ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa puntong ito nawala na lahat ang tiwala at respeto ko kay Erica “ibaba mo ang armas mo at sumuko kana, Dave” sabi ni Edwardo sa akin.

Binaba ko na ang armas ko at nakita kong parang nabuhayan sila ng loob at nakita kong ngumiti sa akin si Erica at dahan-dahan siyang lumapit sa akin “makakasiguro ka Barbie, walang mangyayari sa’yo habang nandito ako” sabi niya sa akin. “Bakit?” tanong ko sa kanya “bakit mo ginawa ito sa akin?” tanong ko sa kanya “sasabihin ko sa’yo ang lahat basta..” naputol nalang siya nung me narinig kaming ingay ng helicopter sa paligid namin. Napalingon kaming lahat sa paligid at pansin kong parang hindi ata sa kanila ang helicopter na ito dahil sa reactions nila.

“Roger!” tawag ni Edwardo sa kanya “sir, hindi ko alam kung sino yan” sagot ni Roger at tinutok nila ang mga armas nila sa taas at hinanahap nila kung nasa ang helicopter “hanapin niyo!” utos ni Edwardo sa mga tauhan niya. Nakatayo lang ako sa dulo ng rooftop ng biglang “DAAAVVEEEEE!” narinig kong me tumawag sa akin at narinig ko ang ingay ng helicopter sa kaliwa ko. “BARBIE!” sigaw ni Erica sa akin at tumakbo siya papunta sa akin ng biglang dumaan ang helicopter sa ibabaw ko at ang sumunod na pangyayari ay ang hindi ko inaasahang mangyayari sa akin.

“DAAVEEE” narinig kong me tumawag sa kaliwa ko at nung nilingon ko ito nakita kong lumipad papalapit sa akin si Marcus at bigla niya akong niyakap ng mahigpit kasunod nito ang pag-angat naming dalawa palayo sa gusali. Binitawan ko ang armas ko at kumapit ako ng mahigpit sa kanya habang papalayo kami sa gusali at tumayo lahat ng balahibo ko nung nakita kong sobrang taas na pala namin sa lupa. “GAGO KA!” narinig kong sigaw ni Marcus sa akin “HAAAAAAAAA…” napasigaw ako sa takot dahil takot ako sa height “GAGO KA DAVE.. GAGO KA!” panay sabi ni Marcus sa akin habang papalayo na kami sa gusali.

Tumaas kami papunta sa helicopter at nung nasa me pinto na kami doon lang ako nakahinga ng maluwag nung sinara na niya ang pinto at nakita ko ang isang lalakeng nagpapilot ng helicopter. “GAGO KA! BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN ITO?!” sigaw ni Marcus sa akin “NAKIKINIG KA BA?! BAKIT MO GINAWA ITO, BAKIT MO SINUGAL ANG BUHAY MO GAGO KA!” sigaw niya sa akin na hindi ko na siya pinansin at maya-maya lang ay hinimatay na ako dahil sa sobrang takot. “DAVE! DAVE! DAVE!” pilit niyang gisingin ako pero nawalan na ako ng malay.

anino
Latest posts by anino (see all)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments
Libog Stories
0
Would love your thoughts, please comment.x