Velvet 2 No ratings yet.

Velvet 2
This Story is part 3 of 6 in the series Velvet
ElijahGregory
Latest posts by ElijahGregory (see all)

Written by ElijahGregory

 

Chapter 2 – Forbidden Love

“May I come in sir?”

Natulala pa rin si Victor.

Nahimasmasan siya nang magsalita ang estudyanteng nasa harapan niya. “Sir, kung pwede daw po ba siyang pumasok.”

“Oh..sure, sure. Patingin ako ng registration form mo uhm, miss?”

“Dela Rosa po Sir.” Tugon ng babae nang lumapit ito at kinuha ang registration form mula sa kanyang backpack.
Nakatitig pa rin si Victor sa mukha ng babae nang iabot nito sa kanya ang isang papel.

“Take your seat for a while, Miss Dela Rosa. I’ll call your name later.”

Tumango lang ang babaeng estudyante at pagkatapos ay umupo sa dakong hulihan ng upuan. Ilan sa mga lalaking estudyante ni Victor ay habol-tingin sa babae habang ito ay papunta sa upuan. Aapat lang ang lalaki sa klase dahil madalas ay babae ang kumukuha ng kursong Sikolohiya.

Tiningnan ni Victor ang form ni Miss Dela Rosa at lalo siyang nagulat ng makitang Yuri Victoria ang first name niya.

“Uhm miss Dela Rosa?”

“Yes sir?”

“Saang school ka galing?” tanong ni Victor

“Sa Miriam College po.”

Watch Pinay Scandals, visit: www.LibogGirls.net

LibogGirls

Hindi na kumukurap si Victor. Parang tutunawin niya ng titig ang babaeng transferee na ngayon ay kausap niya.
“Why transfer here in Laguna?”

“Financial problem sir.”

“I see,” tugon ni Victor. “Uhm, excuse me, Mmula kay miss Conde, please move one seat to the right.”
Pina-adjust niya ang upuan dahil naka-alphabetical arrangement na ang mga regular na estudyanteng kanyang tinuturuan.

“Please sit here miss Dela Rosa.” Pakisuyo ni Victor sa transferee. Sumunod naman ito.

“I hope you enjoy your stay in our class for the rest of the semester.” Nakangiting sambit ni Victor sa babae.
“Thank you Sir.” Tipid na ngiting sagot ni Yuri.

Ipinagpatuloy na ni Victor ang pagkukumpirma sa mga registration form at nang matapos siya rito ay nagsimula na siyang magleksyon.

Lumipas ang isang oras at naglabasan na ang mga estudyante. Nakatingin pa rin si Victor kay Victoria habang lumalabas ito ng classroom.

Maliit lang si Yuri. Hindi lalampas ng five feet ang kanyang height pero may angking kagandahan. Hindi kagaya ng karamihan sa mga babae, konserbatibo siyang manamit at magdala ng sarili. Hindi siya mahilig maglagay ng kolorete sa kanyang mukha at medyo hindi rin nag-aahit ng kilay.

Sumulyap muna si Yuri bago umalis ng room. Parang matutunaw si Victor nang mga oras na iyon.
Lumipas pa ang ilang oras at sumapit na ang alas-dose ng tanghali. Walang kasabay si Victor sa pagkain noon dahil may klase pa ang ilan niyang co-teacher. Umorder siya sa counter at nagbayad. Nang naghahanap na siya ng mesa ay wal siyang mapili dahil ukopado na ang karamihan, maliban sa isa.

Lumapit siya roon at nagsabi sa isang estudyanteng kumakain.

“May I join, miss Dela Rosa?” pinigilan ni Victor na ipakitang interesado siya sa babae.

“Sure, sir.” Nakangiting tugon nito.

Umupo na si Victor at saka nagsimulang kumain.

“Bakit mag-isa ka lang? Wala ka bang friends?”

“Unfortunately, sir, wala. Saka ‘yung mga lalaki naman nahihiyang maki-share kahit tingin naman nang tingin.
“Hahaha! Dami mo na agad fans dito ah.” Biro ng guro.

“Well sir lahat naman ng mga ‘yan puro manloloko. Lalo na ‘yung mga gwapo.”

“Haha! Hindi naman lahat.”

Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap ng dalawa dahilan para lalong maging interesado si Victor sa babae. Alam niyang bawal iyon sa institusyon pero wala siyang magawa para pigilan ang namumuong spark sa kanyang kaibuturan.

Nang matapos silang kumain, sabay silang bumalik sa gusali ng departamento ng agham para pumasok sa klase.
Naulit ang ganung senaryo sa pagitan nilang dalawa at para na silang magkapatid kung magturingan dahil nga mas matanda ng ilang taon si Victor kay Yuri. Ilang taon ang agwat ng kanilang edad at kabaliktaran din ang kanilang kulay at tangkad.

Napapadalas na ang paglabas ng dalawa at maraming beses na rin silang namamasyal sa mga lugar na mga magkasintahan lang ang madalas na pumupunta. Tinutulungan din ni Victor ang babae sa kanyang pag-aaral at iba pang mga gawain. Dahil doon ay unti-unti na ring nahulog ang loob ni Yuri sa kanya.

Alam ng babae na may gusto sa kanya ang guro pero iniwasan niyang ipakita na may inters din siya dahil nahihiya siya rito at ayaw niyang may makaalam. Ayaw niyang mawalan ng trabaho ang kanyang sinisinta.

Lumipas pa ang ilang buwan hanggang sa sumapit ang isang gabing makakapagpabago ng takbo ng buhay nina Victor at Yuri.

TO BE CONTINUED

Please do Comment and RATE the story to motivate the authors.

Stories NavigationPrevious ChapterNext Chapter

Watch Pinay Scandals, visit: www.LibogGirls.net

LibogGirls

Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments