My Ex’s Ate: Ch11 4/5 (38)

This Story is part 11 of 11 in the series My Ex's Ate
Avatar
Latest posts by robinhud (see all)
My Ex's Ate: Ch1

Written by robinhud

 

Hello friends,

Before I give you the final chapter of this story, let me use some few lines to thank all of you for all your appreciation and support. The reception you gave this wanna-be writer is humbling and inspiring.

Hindi po ako pro writer, infact, my works are all kept in my laptop, ayoko ipabasa sa iba kasi baka di naman sila magandahan. For this story, sinimulan ko lang to para maging distraction ko sa stress ng COVID-19. Gusto ko sanang gawin na hindi erotic ang tema, pero nasa LS ito kaya dapat may erotic touch.

Trust me, I wanted to stop writing the erotic portion of this story as early as Chapter 2, but I fear na baka walang maka-appreciate.

However, I found a way to slowly put the details of the plot in each chapter while still having erotic scenes.

Fast forward to chapter 7 where I tried to mix it up a bit to test kung may babasa pa din ba kahit mejo love story na at hindi na masyadong erotica ang tema, to my surprise, you guys still read my work.

Then, Chapter 8 came, it was all plain chick-flick, non-erotic, and yet you guys think that it is the best chapter. Right then I knew, I found the right audience.

Thank you for loving the characters and relating to them. Thanks for sharing your thoughts with them. Thanks for riding this with me.

Maraming salamat sa lahat ng suporta nyo, sa lahat ng comment at PM nyo sa akin.

Matagal ko na pangarap magsulat pero sa iba ako dinala ng buhay, dahil sa ECQ, nagawa kong balikan ang isang bagay na matagal ko nang kinalimutan. Pero dahil sa inyo, nagkaron ako ng tiwala na kaya ko palang gumawa ng isang bagay na ikatutuwa ng marami.

Thank you.

Paalala lang po, ibinigay ko po ito sa inyo ng libre at walang kahit anong bayad. Sana lang po, igalang po nating lahat ang intellectual property ng author, ng kahit anong akda, sa lahat ng pagkakataon.

Watch Pinay Scandals, visit: www.LibogGirls.net

LibogGirls

Please do not reproduce, re-use or copy any part of this series without my consent.

Muli, maraming salamat po.

I hope you enjoy this last chapter.

-RH


May kataasan pa ang araw ngunit kailangang kong maglakad sa kahabaan ng isang bangketang nilatagan ng mga lapad na bato. Nasa kaliwa ko ang isang malapad na kalsada kung saan hindi mabilang ang mga sasakyang dumadaan. Sa kanan ko naman ay ang Manila Bay. Ramdam ko ang mainit na singaw ng kalsada at ng makasaysayang anyong-tubig na nagkakanlong sa isa sa pinakamangandang sunset sa buong mundo.

Ayoko pa sa sanang lumabas ng bahay, isang linggo matapos ang usapan namin ni ate. Hindi sya sumasagot sa mga tawag ko, kahit sa text hindi nagrereply. Buti pa si Jam, inimbitahan nya ako na pumunta sa kanila bukas. May simpleng graduation dinner daw sila ng pamilya nya at gusto sana nyang makarating ako don. Hindi ko pa sinasagot ang tanong nya kung magkakabalikan kami. Masyado na kasing maraming bagay ang kailangang timbangin dahil masyado nang maraming tao ang apektado.

Sa dami ng lugar malapit sa school, dito daw kami magkita. Ewan ko ba, pero wala naman akong magagawa. Kaya nga heto ako ngayon, nakabilad sa init ng araw habang papunta sa lugar na usapan namin. Maraming tao dito sa Baywalk kahit mainit pa. Mamaya kasi paglubog ng araw, bukas na ang mga maiingay na bar dito. Dadagsa na naman ang mga gimikero para uminom, kumain at makinig ng iba’t-ibang live bands.

Nakakita ako ng bakanteng bench sa gilid ng baywalk, lampas lang ng kaunti sa kumpol ng mga lalaking naglalaro ng dama at chess. Umupo ako para maghintay. Nakaharap ako sa Manila Bay. Hindi pa man din lumulubog ang araw ay mapapansin na ang kagandahan nito. May mangilan-ngilang barko na naka-angkla sa di kalayuan. May mga yate na umaandar sa iba’t-ibang diresksyon. Maganda ang repleksyon ng langit sa ibabaw ng tubig. Ang sarap pagmasdan ng ganitong tanawin. Nakakalimutan ko ang dami ng problemang gumugulo sa akin.

Pero kahit anong tanawin pa ang nasa harap ko, hindi ko malilimutan ang mukha ni ate. Ang sakit isipin na ilang linggo lang ang nakaraan, nasa kabilang dalampasigan kami ng Manila Bay at nagtampisaw sa pag-ibig na pilit naming pinigilan. Hinayaan naming nakainin kami ng tunay naming nararamdaman.

Nakapako ang tingin ko sa malayo nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti para tumabi sya sa akin, ngunit hindi ako lumingon sa kanya.

Umupo sya sa tabi ko. Mahaba at nakatali ang kanyang buhok. Mataba ang kanyang katawan na nagpupumilit umalpas sa kanyang hapit na polo, at maluwag ang suot nyang pantalon. Nakatsinelas lang sya, parehong-pareho pa din kung papano sya manamit sa klase namin. May katandaan na ng kaunti, kaya hindi masita sa school kahit dapat na nakasapatos ang mga nagtuturo.

Siya si Sir Rocky, professor ko sa subject kong Advanced Programming. Part-time lang sya sa school at nagttrabaho sa isang kumpanya malapit sa Intramuros. Magaling syang magturo, kahit sobrang stikto. Mabilis akong natuto sa klase nya, madalas nga, exempted ako sa exams nya kasi, ako ang gumawa ng mga tanong pag sobrang busy nya sa trabaho nya sa labas ng kolehiyo. Katulad ko, mahilig sya sa history. Pero hindi yon ang dahilan kaya kami naging close.

First year ako non at wala pang may alam ng ‘super powers’ ko sa logic at programming kaya wala akong mga raket na school works. Para may pandagdag sa allowance, namumulot ako ng plastic bottles tapos binebenta ko dun sa junk shop malapit sa school. Nakasabay ko si sir minsan kumain sa carinderia, may dala syang bottled water. Nung tapos na syang kumain, iniwan nya ang basyo sa mesa, na agad kong kinuha. Yun pala, baunan nya yon at kaya sya tumayo ay para lang kumuha ng pitsel at refillan ito.

Nakwento ko sa kanya yung hirap ng buhay ko kaya ko ginawa yon. Siguro naka-relate, kaya napahaba ang kwentuhan namin. Nalaman nyang computer engineering ang course ko kaya lalong humaba ang kwento. Kaya nung naging estudyante na nya ako, at napabilib ko sya sa galing kong mag-program, naging close talaga kami ni sir. Sya na rin ang tumayong mentor ko lalo na sa kung papano imamanage ng tama ang oras sa dami ng school works at gusto kong gawin.

Sir Rocky: O, di ba bakasyon na? Graduation na nga bukas db? Anong problema?

RH: Salamat sa pagpunta sir.

Sir Rocky: Naku, ikaw pa, basta libre ako, anytime. Kamusta grades mo ngayong taon? Next year last year mo na db?

RH: Mukhang maayos naman sir.

Sir Rocky: Tama, mag-aral kang mabuti. Ano bang atin?

Sandali pa lang kami nakakaupo ay pawisan na si sir. Ganun daw talaga sya sabi nya sa amin sa klase, kaya nga ang tuksuhan sa school, magaling magmulti-task si sir, naliligo habang nagtuturo.

Kinwento ko sa kanya ang kumplikadong storya namin ni ate at ni Jam. Sinabi ko na napag-isipan ko ng masama si ate, at galit sa akin ito. Sinabi ko din na gusto ni Jam na magkabalikan kami. Syempre sinabi ko na litong-lito ako sa kung anong gagawin.

RH: Ano ba magandang gawin sir?

Natawa sya. Tinawag nya ang isang batang napadaan na nagtitinda ng softdrinks.

Sir Rocky: Gusto mo?

Inalok nya ako ng inumin.

RH: Wag na sir.

Di sya nakinig, dalawang cola pa din ang binili nya. Inabot nya ang isa sa akin. Agad nya namang binuksan at nilagok ang isa.

Sir Rocky: Hindi ba masyado ka pang bata para sa mga ganyang problema? How old are you? 20? 21? Saka nag-aaral ka pa di ba? Baka mas ok na yun muna unahin mo?

Umiling lang ako saka ko uminom.

Sir Rocky: Baka ang pinakamaganda mong gawin, lumayo ka lang lang. Sigurado naman ako, makakakita ka pa ng iba. You’re young and smart. You’ll graduate top of your class, madali ka lang makakakuha ng trabaho. Once you start working, lalaki ang mundo mo, mas marami kang makikilala.

Ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ko.

Sir Rocky: I think the best thing for you to do is just walk away. Things are too complicated, baka hindi mo kayanin. You are in the position that no matter what you choose, some one will get hurt, sa ayaw at sa gusto mo.

Inalis nya ang pagkakapatong ng kamay nya sa balikat ko at kinipkip ang mga ito sa kanyang braso.

Sir Rocky: Look, if you choose Sam-

RH: Jam sir.

Natawa sya.

Sir Rocky: Oh, Jam. If you choose her, you will hurt her sister. If you choose her sister, you will hurt Jam. The best thing to do is just walk away.

RH: If I do that, I think I will hurt myself.

Sir Rocky: Well, thats the price for all this. Karma kumbaga. You put yourself in a position that you know would end up in a mess. Sa dami ng babae na ipapalit mo sa kanya, yung kapatid pa nya? Susmaryosep!

RH: So, you think its better to just close this chapter, walk away and move on?

Tumingin sya sa dako ng Manila Bay. Luminga-linga. Huminga ng malalim na para bang dinadama ang pinaghalong init ng araw at singaw ng dagat.

Sir Rocky: Do you still know your history lessons?

RH: Bakit? Magpapaquiz ka ba ngayon? Advanced Programming subject mo sir hindi History ha!

Nagtawanan kami.

Sir Rocky: Maloko ka pa ding bata ka.

RH: Mana ko sayo sir.

Umiling sya at tumingin muli sa direksyon ng papalubog na araw.

Sir Rocky: Ang ganda dito ano? Lalo na kung hindi to nasira nung World War II. Do you know what is the second most devastated city after the second World War, Robin?

RH: Of course, sir. Manila. In fact, Manila ang pinaka-wasak na city sa buong Asia.

Sir Rocky: And do you know why?

RH: Mac Arthur?

Sir Rocky: General Douglas MacArthur, to be exact. Alam mo, tingin ko lang, nung umalis yang si MacArthur sa Corregidor nung March 11, 1942, pwede namang hindi na sya bumalik.

Eto yung dahilan kaya magkasundo kami ni Sir. Ang dami nyang mga pananaw sa mga bagay-bagay na nag-uugat sa pag-aaral nya ng kasaysayan. Parehas kasi kaming naniniwala na history gives important lessons.

Sir Rocky: Kaso, may publicity na agad sya pagdating nya sa Australia, di ba? Ano sinabi nya pagdating nya don?

RH: I shall return.

Sir Rocky: I shall return.

Iniba nya ang boses nya, halatang nanunuya.

Sir Rocky: Well, he returned, October 20, 1944, and you know what was the first thing he did upon landing in Leyte?

RH: Nagbroadcast agad sya sa radyo, “People of the Philippines, I have returned!”

Sir Rocky: See, how cocky he was? It was all for show.

RH: No sir. Ginawa naman nya yung sinabi nya di ba? Bumalik sya sa Manila at pinalaya nya ang buong Maynila sa kamay ng mga hapon.

Tumingin sya sa akin, nakangiti.

Sir Rocky: Tama naman, pero alam mo, nung mga panahon na yon, Japan was about to fall. MacArthur could have just concentrated his forces to battle the Japanese in their homeland and not here. Sana lumaban na lang sya dun sa Japan. Syempre pag bumagsak yung buong Japan, yung mga hapon na nandito sa Pilipinas, kusang susuko yon.

RH: Pero sir, hindi ko kuha kung pano to nakakonekta sa pinagdadaanan ko.

Sir Rocky: Slow ka din e no?

Ngumisi sya.

Sir Rocky: Ang sinasabi ko sayo, “do not return”.

Tumawa sya ng malakas, sapat para mapatingin sa amin ang ibang mga taong nakatambay sa Manila Bay at nag-aabang ng sunset.

Sir Rocky: Walk away Robin. Baka mas malaki ang masira mo pag bumalik ka sa kanila. Hayaan mo na muna yung masaktan ka, mas madaling pagalingin ang sariling sugat kesa sa sugat ng iba, lalo pa kung ikaw ang may gawa.

Uminom ako ng soda, tumayo, humarap kay sir.

RH: You are still the best man to call, sir. Salamat ng marami sir.

Sir Rocky: So are you walking away from the two?

RH: Oo sir, tama ka, mas OK nga na ganito na lang. Sabi mo nga, madami naman akong makikilala sa susunod.

More Filipino Sex Stories :  Ang Aking Perfect Girlfriend J (part 7)

Ngumisi ulit sya, na parang nakakaloko.

Sir Rocky: Maupo ka nga ulit.

Sumunod naman ako.

Sir Rocky: Look out there.

Tinuro nya ako sa direksyon ng dagat.

Sir Rocky: What do you see?

RH: Hmmm. Manila Bay?

Huminga sya ng malalim at ibinaling ang tingin, mula sa akin papunta sa dagat. Ramdam ko ang hangin na unti-unting lumalamig dahil sa araw na malapit nang lumubog.

Sir Rocky: I see a fine harbor. The finest, I should say in the Far East.

RH: So?

Sir Rocky: That was why MacArthur needed to liberate Manila from the Japanese.

RH: From Yamashita’s army?

Sir Rocky: Iwabuchi,Admiral Sanji Iwabuchi. Wala na si Yamashita noon sa Maynila, umatras na sya, pa-Norte para ipunin ang tropa nya para sa huling laban. Si Iwabuchi ang naiwan dito.

Shit! Di pa pala tapos ang history lesson ni sir.

Sir Rocky: You know Robin, Manila was a very strategic place for the war and the rebuilding that would come after the destruction. Who ever controls Manila, would have a big advantage of controlling the far east, or at least, logistics.

RH: What do you mean? Ano na naman koneksyon nito sa pinagdadaanan ko?

Sir Rocky: What I am telling you is this. Yeah, pwede nga na hindi lang lumaban ulit si MacArthur dito sa Maynila, para hindi nasira ang lungsod, but Manila was so precious, it was so important, it was a symbol of hope and triumph.

Hindi ko pa din nakukuha ang ibig nyang sabihin.

Sir Rocky: If MacArthur decided not to liberate Manila in 1945, Manila would have been the Paris of Asia. Isipin mo yung mga mala-Kastilang building sa Escolta, yung mga plaza sa Intramuros, yung mga sinehan dyan sa Luneta, lahat nakatayo pa hanggang ngayon kung hindi pinadapa ng mga bomba?

RH: Kaya nga sir, if I walk away from Jam and her ate, there will not be much devastation. Di ba? Yun yung sabi mo kanina?

Sir Rocky: Pero dapat mong isipin kung gaano kaimportante yung iiwanan mo. Kaya mo bang mabuhay ng wala siya? Kaya mo bang ipaliwanag sa sarili mo araw-araw na tama ang desisyon mong lumayo?

Tumingin ako sa kanya, inayos nya ang pagkakatali ng kanyang buhok na nililipad ng hangin, at lumingon sa akin.

Sir Rocky: Ang tanong dito Robin ay hindi kung aalis ka o hindi. Ang tanong dito, sino ang pipiliin mo? Who is your Manila? Who is the one so important, all the risks are worth taking? Who is the one so precious that all pains can be tolerated? That’s the question Robin, and I am afraid, I can’t give you the answer.

Umiling na lang ako.

Sir Rocky: Who is your Manila, Robin? The one who can give you this.

Tinuro nya ang kanyang kamay sa gawi ng dagat, at nakita ko ang kahel na langit na humahalik sa dagat. Ang bilog na araw ay unti-unting kinakain ng abot-tanaw, at ang langit ay unti-unting nagiging abo.

Sir Rocky: O, ang ganda di ba?

Tama si sir.

Sir Rocky: Pero alam mo kung ano ang maganda sa pag-aaral ng history?

RH: Ano sir?

Sir Rocky: You now have the knowledge to know what to do, and the power to change the outcome.

Hindi ako sumagot.

Sir Rocky: MacArthur could have approached the situation better with lesser devastation of this once great city, and that is what you should do. If you come back to them, which I am sure you will, do not be an agent of destruction, facilitate reconciliation. I know you will figure something out.


Tuliro ako nang umalis ako sa bahay nila Jam. Ramdam ko ang galit ni ate, at lahat ng salitang binitawan nya. Nakakalungkot isipin na dito kami matatapos. Mas nakakalungkot na nasaktan ko sya.

Sa sobrang gulo ko at sa bilis ng pangyayari, lumabas ako ng bahay nila dala ang envelope at mga picture na pinakita sa akin ni ate. Umaapaw din sa luha ang mga mata ko, swerte lang ako wala si Gary pagbaba ko, kung hindi siguradong aasarin ako non. Nakasakay ako agad ng jeep papunta sa sakayan ng bus dahil halos magaalas-onse na din ng gabi, kaunti na lang ang mga tao.
Mabilis din akong nakasakay ng bus, wala masyadong pasaherong kaagaw sa mga upuan.

Nakatanaw ako sa bintana at nililibang ang sarili ko sa mga kasalubong na sasakyan. Ayokong mag-isip, pagod na ako. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa pinagdadaanan ko. Buti na nga lang, bakasyon na, wala masyadong kailangang isipin sa school.

Hindi ko napigilan ang sarili kong tingnan ang mga larawan na laman ng envelope. Labindalawa lahat ang mga letrato. Pito ang solo nung lalaki na naghihintay malapit sa gate ng apartment nila Jam. Hindi tanaw ang mismong gate sa picture, pero sigurado akong mga dalawa o tatlong metro lang ang layo nya sa entrada ng apartment. Yung natitirang lima, picture nilang dalawa ni Jam. Parang magkausap sila, mukhang binuhat pa ni Kevin yung mga dala ni Jam. Tapos dumerecho na papasok sa gate. Hindi ko alam bakit hindi kinwento ni Jam na nagkita sila ni Kevin bago yung flight nila sa Bohol. Muka ngang may tinatago.

Minasdan ko isa-isa lahat ng larawan, paulit-ulit dahil wala naman akong gagawin sa byahe. Tiningnan ko ang lahat ng detalye, dahil simula pa lang, may duda na ako kung bakit may kukuha ng picture nila Jam at Kevin. Tiningnan kong muli ang mga letrato, ngunit wala akong nakitang sagot. Pero sigurado ako, may mali sa mga larawang ito.


Nakaupo ako sa ilang upuan sa loob na platform ng LRT. Mga apat na araw na ang nakalipas mula nung pinalayas ako ni ate sa bahay nila. Apat na araw na din akong hindi mapalagay kung ano ba ang dapat kong gawin. Nakabalik na si Jam sa Maynila, tinawagan nya ako minsan pero hindi ko sinagot. Nagtext na lang sya na kung pwede daw, pumunta ako sa kanila sa araw ng graduation nya dahil may simpleng dinner silang pamilya. Hindi ako sumagot, hindi ako sigurado kung gusto ko silang makita.

Si ate naman, kinukulit ko, tawag, text pero hindi ako pinapansin.

Napansin ko na papalapit na sa aking ang taong hinihintay ko.

RH: Pre ang tagal mo naman!

Macky: Pasensya na pre, tinanghali ako ng gising. 8:15 pa lang naman ah, kinse minutos lang naman ako na-late.

RH: Pakisabi sa mama mo salamat ha.

Pulis ang mama ni Macky, siya yung nagttrabaho sa station sa kanto ng kalsada sa lugar nila Jam. Isang bagay lang ang naisip ko kung papano ipapaliwanag ang mga tanong ko sa mga picture na pinakita sa akin ni ate. Kelangang mahanap ko tong si Kevin. Kaya nagpatulong ako kay Macky dahil alam kong matutulungan ako ng mama nya. Hindi ko alam paano ginawa ng mama ni Macky, pero halos isang araw lang ang nakalipas alam na namin kung san namin pwedeng makita si Kevin.

Sumakay kami ng LRT, hindi naman siksikan, nakaupo pa kami ni Macky.

RH: Pre, salamat sa pagsama saka sa tulong mo sa akin dito ha.

Macky: Gago pre. Sa laki ng tulong mo sa akin sa school, di pwedeng hindi kita tulungan. Nga pala, hindi sure yung binigay na info ni mama ha, walang sisihan pag wala tayong napala.

RH: Oo naman. Basta subukan lang natin malay mo makausap ko tong Kevin na to.

Macky: ‘tado ka kasi pre, magkapatid ba gusto mo.

Tumawa si Macky, hindi ako umimik. Inilabas ko ang mga pictures na dala ko.

RH: Tingnan mo to pre, anong mali sa mga pictures na yan.

Tiningnan ni Macky ang mga larawan.

Macky: Pre, ako pa tinanong mo, e ang slow ko sa ganito.

RH: Try mo lang kung mapapansin mo din.

Dalawang station na ng LRT ang lumampas pero seryoso lang si Macky sa pagtingin sa mga picture.

Macky: Pre, pag di mo pa sinabi sa akin, baka lumampas na tayo.

Nakangisi lang si loko, parasite pa din, asa pa din sa akin. Pero kasangga ko yang si Macky, maaasahan talaga yan. Medyo slow nga lang, pero alam naman nya yun.

RH: Eto pre, pansinin mo tong unang picture ni Kevin, saka tong pangalawa.

Macky: O ano? Mukang walang makain, ang payat pre. Pwede kong hipan.

RH: Gago. Pintasero kala mo gwapo.

Macky: Ano nga? Kanina ko pa pinipiga utak ko pre maawa ka naman sa brain cells ko.

RH: Pre tingnan mo, yung timestamp nung unang picture saka nung pangalawa, magkalayo ng mga 20 minutes.

Macky: O ano naman?

RH: Anong ginawa nung kumuha ng picture, bakit wala sya ng 20 minutes na yan?


Bumaba na kami ni Macky ng LRT, base sa sinabi sa amin ng mama nya, pedicab driver daw si Kevin sa baba mismo ng isang station ng LRT. Di pa man kami nakakababa ay naglapitan na sa amin ang mga lalaki na nag-aalok ng sakay ng pedicab. Iginala ko ang mga mata ko, hinahanap ang taong ipinunta namin dito. Nalampasan ko na ang lahat ng pedicab driver, pero wala ang mukhang hinahanap ko. Mukhang mapupurnada pa tong lakad ko.

Tumayo kami sa baba ng station para maghintay. Hindi ko alam kung may hinihintay kami o wala. Pumarada ang isang pedicab sa harap namin, bumaba ang isang babaeng halos kasing edad ko, may dalang bata na mga isang taong gulang. Humalik sya sa pedicab driver. Hindi ko agad naalis ang tingin ko sa kanila, dahilan para tanungin ako nung driver kung sasakay daw ba ako at bakit ko sila tinitingnan.

Napilitan na akong sumakay, hindi dahil natakot ako, kung hindi dahil nakita ko na ang hinahanap ko. Si Kevin, nakasuot ng puting tshirt at basketball shorts, nakatsinelas at alam mong batak sa trabaho ang katawan.

Kevin: San kayo boss?

Macky: May plaza jan kuya di ba? Yung parang mall?

Kevin: Oo, 40 hanggang don dalawa na kayo.

Bumaba kami ng pedicab sa tapat ng isang mall, hindi ko na pwedeng palampasin ang pagkakataon. Inilabas ko ang picture at pinakita kay Kevin.

RH: Ikaw ba to?

Napamura sya.

Kevin: Pulis ba kayo? Wala po akong alam dyan sir. Maawa po kayo, matagal na po yan, hindi po ako nanggulo. May pamilya po ako sir.

Naawa ako sa reaksyon na pinakita ni Kevin, may halong takot at pag-aalala.

RH: Relax ka lang, hindi ako pulis, may itatanong lang ako. Kain tayo, mukhang hindi ka pa nag-aalmusal e.

Bumulong sa akin si Macky.

Macky: Pre, ang yaman mo, manlilibre ka pa.

RH: Sagot mo muna pre, bayaran ko na lang.


Nakaupo kami sa isang sulok ng fast food. Wala masyadong tao, maaga pa kasi. Tahimik si Kevin, halatang lito sa mga nangyayari.

Kevin: Ano po ba yung tungkol sa picture na hawak nyo?

RH: Yun nga ang ipinunta ko dito. Alam ko lahat ng nangyari sa Bohol, Kevin.

Bumalik ang takot sa mukha nya, na kanina ay napalitan na ng kalma at kapalagayan.

Kevin: Wala po akong kasalanan sir, lasing ako non pero alam kong di ko magagaw yon.

RH: Alin?

Kevin: Yung sinabi nila na may nangyari sa amin nung kapatid ni Rose. Sino nga yon.

Macky: Si Jam.

Kevin: Oo, yon, di ko ginalaw yon, mamatay man ako ngayon.

Lumalabas ang pawis sa mukha ni Kevin, halatang nag-aalala.

RH: Relax, walang mamamatay. Gusto ko lang malaman bakit di ka nakaabot sa flight nyo dapat na kasama si Rose, Lunes yon tama ba?

Hindi ginagalaw ni Kevin ang pagkain nya, pero uminom sya ng kape bago magsalita.

Kevin: Anong hindi umabot? Tinext ako ni Rose, sabi nya Myerkules na daw ako pumunta sa airport kasi pinarebook nila flight ko para may time silang mag-ina na sila lang.

Inilapag nya ang baso ng kape.

Kevin: Di kasi sila OK ng mama nya non, kasi naman, sa ganda ni Rose, akalain mo bang mainlove sa dishwasher na tulad ko.

RH: Dishwasher ka non? Saan?

Kevin: Sa carinderia na malapit sa boarding house nila Rose. Nagboarding house yon nung sya pa lang sa Maynila, nung dumating kapatid nya, saka sila nag-apartment. Yung apartment nga nila di ba, may police station na malapit. Madalas nagdadala ko ng ulam don, extra income ba.

RH: So tinext ka ni Rose?

Kevin: Oo, kahit naman dishwasher ako nakapagipon ako ng pambili ng cellphone, pero madalas walang load.

RH: Hindi yon ang ibig kong sabihin? Kelan ka tinext ni Rose?

Kevin: Nung umagang yon, mga bago mag alas sais ng umaga, nakasakay na nga ako sa jeep non.

RH: Tapos umuwi ka na?

Kevin: Teka nga, ano ba talaga to? Kala ko hindi kayo pulis? E kung magtanong kayo daig nyo pa imbestigador ah.

Tatayo na sana si Kevin, pero pinigil sya ni Macky.

Macky: Eto 500 pare, hindi kami pulis, kaibigan namin yang si Rose saka si Jam, may kelangan lang kaming malaman pero wala ka na kung ano man yon. Yan 500, sagutin mo lang mga tanong ng kaibigan ko. Hindi kami pulis, mga estudyante pa nga lang kami.

More Filipino Sex Stories :  Tyra 05

Parang di sya pinansin ni Kevin.

Macky: Dodoblehin ko yan basta sagutin mo lahat ng tanong ni Robin.

Naupo si Kevin, natauhan sa malaking halagang pwede nyang makuha.

Kevin: Oo, umuwi na ko non.

RH: E bakit kinabukasan na picturan ka sa tapat ng bahay nila Rose?

Kevin: E nagtext sa akin si Rose, nung Martes ng umaga, sabi nya puntahan ko daw kapatid nya, alukin ko daw ng ulam kasi walang kasama sa bahay.

RH: Tapos?

Kevin: Napatagal nga ako maghintay don sa tapat ng gate nila, wala pala kasi don si Jam. Tapos dumating sya madami dala galing out-of-town, kaya tinulungan ko hanggang papanik sa kanila.

RH: Tapos?

Kevin: Anong tapos? Edi umuwi na ako, kasi sabi ni Jam may ulam pa naman sya don.

Lumagok ulit ng kape si Kevin tapos lumingon sa labas, sinilip siguro yung pedicab nya.

RH: O ano na nangyari sa Bohol nung gabing dumating kayo.

Halatang may takot sa mata ni Kevin. Aligaga at hindi mapakali.

Kevin: Uminom kami, tapos nakarami ako. Nagising ako nakaakap na lang ako kay Jam tapos nagwawala na si Rose.

RH: Sigurado ka?

Kevin: Oo, mamatay man ako.

RH: Sabi ni Rose, di na kayo nagusap mula non? Bakit di ka man lang tumawag sa kanya?

Kevin: Hindi naman ako naloloko. Kinausap ako nung tyahin nya na kasabay namin sa eroplano. Binigyan ako ng pera pauwi, sinabihan ako na wag na magpakita sa pamilya nila dahil sa ginawa ko kay Jam kung hindi idedemanda nila ako.

Sumabat si Macky sa usapan.

Macky: O pre, di ba yun yung mabait na tyahin ni Jam na kinukwento mo? Yung kamuka ni Miss Amelia sa Princess Sarah? Yung sabi mo mabait na binigyan ka ng 1000 sa osipita?

RH: Oo, yun nga pre. Pero Kevin, bakit di mo man lang tinawagan o tinext si Rose kung wala ka talagang kasalanan?

Kevin: Nanakaw yung cellphone ko dun sa sakayan ng RoRo papuntang Pasay. Di naman kasi ako marunong mag eroplano kay magbubus na lang sana ako.

RH: Pano ka nakarating sa terminal ng bus, e hatinggabi yon di ba? Tapos bago ka lang sa lugar?

Kevin: Nung pagbaba ko sa lobby ng hotel, may nakasabay akong babae, umiiyak gusto na bumalik sa Maynila kasi nag-away daw sila nung boyfriend nyang kano.

RH: Anong koneksyon non?

Kevin: Sumabay na daw ako sa kanya kasi itinawag na sya ng taxi nung boyfriend nya papunta sa bus station.

RH: Ah OK, tapos dun ka nanakawan sa station?

Kevin: Oo, yun ding babaeng yon ang nagnanakaw ng cellphone ko. Kunwari nakitext tapos biglang nawala. E hinayaan ko na kesa maiwan ako ng barko.

Sumabat ulit si Macky.

Macky: E di ba nag-aaral pa si Rose non? Tapos sabi mo dishwasher ka sa carinderia malapit sa school. O, bakit di na kayo nagkita don?

Kevin: Namatay yung tatay ko sa probinsya pagdating na pagdating ko dito. Umuwi ako ng Mindoro. Sobrang tagal ko nawala sa carinderia, mga isang buwan. Pag balik ko di na ko pinapasok nung may-ari. Kaya eto, napadpad ako dito sa lugar nung isang pinsan ko, pedicab driver. Kaya naniwala ako na minalas ako dahil sa pamilyang yan e, nawala lahat ng gana ko sa buhay. Nasira lahat ng pangarap ko. Kaya kahit kelan di na ko lalapit sa pamilyang yan.

RH: Pre, parang may mali.

Kevin: Oy, totoo lahat ng sinabi ko ha. Mahirap lang ako, pero di ako sinungaling.

RH: Naniniwala ako sayo Kevin, pero parang duda ko don sa babaeng nakasabay mo, parang may mali. Namumukaan mo pa ba yon?

Kevin: Oo, tandang-tanda ko itsura non.

Nilabas ko yung digicam ni ate na nasa bag ko, hinanap ko yung mga picture na kuha nung araw na umalis kami papuntang Corregidor.

RH: Eto ba yung babaeng yon?

Kevin: Oo, yan yon sigurado ako.


Graduation na ni Jam, napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila para sa dinner na sinabi nya. Di kami nag-usap maliban sa confirmation na nireply ko sa text nya. Si ate, wala pa din, di nagpaparamdam. Ngayon, after a week and a day, saka lang kami magkikita.

Sabi nga ni Sir Rocky sa akin kahapon, hindi ako pwedeng lumayo lang, dahil masyadong mahalaga ang iiwan ko. Pero sabi din nya, wag ko gayahin yung style ni MacArthur, minimum damage dapat. Kung pano ko gagawin yon, bahala na.

Si Jam ang nagbukas ng pinto. Nadatnan ko sa loob ang mama nya na nakabihis pa na pang-graduation, si Tita Alice na ganun din halos ang pormahan at si Girlie na naka pambahay lang. Si Jam naman nakadress na asul, full blown pa din ang make up at ayos ng buhok.

Pumasok ako at inilagay ang backpack ko sa tabi ng computer, nakakahiya namang kumain na katabi ko yung bag ko. Hindi na nga ako masyadong pumorma. Nag polo lang ako, tapos maong na mejo kupas na, saka rubber shoes.

Pinadiretso ako ni Jam sa dining area, nakaupo na din don ang mama nya at ang kapatid nito. Si Girlie, busy sa may kalan. May inihahabol pa yatang ulam. Kapansin-pansin na wala si ate.

Umupo sa tabi ko si Jam.

Jam: Thanks for coming, it means a lot.

Bumulong sya sa akin,

Apatan lang ang mesa nila Jam. Katabi ko si Jam, katapat nya ang mama nya. Katapat ko naman si Tita Alice.

Tita Alice: Kamusta ka na anak? Long time no see. Next time sama ka sa amin sa Ilocos ha?

Sumimangot ang mama ni Jam.

Tita: Girlie, katukin mo na nga si Rose, kakain na. Nagkulong na naman sa kwarto.

Girlie: Opo auntie.

Tahimik lang sa mesa. Wala masyadong kwento. Binuhat ni Girlie yung stool na nasa computer desk at inilagay sa isang gilid ng mesa, sa pagitan namin ni Tita Alice. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong papalapit si ate sa amin sa mesa.

Nakasuot sya ng hapit na itim na dress. Sakto ang sikip upang lumabas ang magandang kurbada ng kanyang katawan. May silver na zipper ito sa harap, mula sa mababang neckline hanggang sa belt line. Nakapusod ang kanyang buhok, maliban sa manipis na parang side bangs na sakto hanggang sa kanyang kilay. Manipis lang ang kanyang make up, pati ang kanyang lipstick ay hindi gaanong halata. Kitang-kita ang ganda ni ate, lalong lumutang ang kaputian ng kanyang kutis sa ayos nya ngayon.

Umupo sya sa upuang hinanda ni Girlie.

RH: Hi.

Tumango lang sya at nagsimula kaming kumain.

Sa gitna ng hapunan ay nagtanong ang mama ni Jam.

Tita: So Robin, what do you plan to do now that Jam is leaving for Singapore two weeks from now?

Kunwari pa tong si Jam na di daw tutuloy, e kasado na pala.

RH: Hindi naman na po kami ni Jam tita. I came here as her friend, and I am personally happy to see her now, capable of chasing her career.

Parang nagulat silang lahat sa sinabi ko.

Tita: Oh, it pains me to here that.

Pero di pa ako tapos.

RH: Talaga po? Kasi akala ko po ayaw nyo sa akin. Parang kung pano nyo po inayawan si Kevin dati.

Tumahimik ang buong paligid at para bang natigilan silang lahat. Tumingin ako kay ate at nakita ko syang umiling at bumulong.

Ate: Please, don’t.

RH: Alam nyo po ba na both your daughters carry a heavy burden about that night in Bohol?

Tita: Pano mo alam yon?

Sasagot sana si Jam, pero inunahan ko na.

RH: Jam told me. For three long years, she is carrying this guilt that her sister and Kevin broke up kasi nalasing sya?

Tita Alice: Hindi kasalanan ni Jam yon, si Kevin ang may kasalanan. He took advantage of Jam!

Hindi ko na nakuhang magsalita sa bilis ng sagot ni ate.

Ate: No! It was a mutual decision, di ba Jam? You and Kevin were meeting behind my back?

Jam: Of course not ate!

Ate: Then how do you explain him being here that Tuesday? When you just got home from your out of town outreach activity?

May galit sa boses ni ate. Pero alam kong ilang sandali lang, iiyak na sya.

Jam: What? Tinanong lang ako ni Kevin non kung may ulam ako kasi kung wala daw dadalan nya ako.

Ate: Tapos pumanik kayo dito?

Jam: Yes, wala lang naman sa akin yon kaya sinabi ko sayo. Saka sabi nya, tinext mo daw sya non to check on me.

Ate: Pano ko gagawin yon e hiniram ni Tita Alice yung cellphone ko.

Tumingin si ate sa akin. Walang ibang nagsalita. Humihikbi na si Jam.

Tinitigan ko si ate. Walong araw ding hindi ko napagmasdan ang mga mata nya. At ngayon, nakatingin din sya sa akin na para bang alam na nya ang gusto kong sabihin.

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at tumingin sa mama nya.

Ate: You planned all this?

Biglang pumatak ang luha ni ate.

Ate: Si Tita Alice yung nagtext kay Kevin to be here, so he can be seen with Jam and someone can take pictures and send it to me.

Tita: What pictures?

Tumayo ako at kinuha ang back pack ko. Inilabas ko ang mga larawan sa loob ng envelope. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Jam. Nagulat sya at tuluyan nang umiyak. Nakita kong nagulat din ang mama nila.

Tita: Impossible. I was with you the whole time Rose.

Unti-unti na din nagluluha ang mata ni tita, habang salitang tumitingin sa dalawa nyang anak.

RH: Relax, Rose. Si Tita Alice ang nagtext kay Kevin, dahil sabi mo nga nasa kanya ang cellphone mo the whole time you and Kevin were apart.

Tumingin ako kay Tita Alice.

RH: Hindi lang yon, siya din ang kumuha ng pictures na yan Rose.

Tita Alice: Ah, it is a nice story, Sherlock. Nasobrahan ka yata sa panonood kay Detective Conan. Nasa seminar ako nyan, out of town, remember, Rose? Jam?

RH: Mali. Rose, tingnan mo tong unang picture ni Kevin, anong oras yan base sa timestamp?

Ate: 11:48 AM.

RH: Eto yung kasunod nyan, anong oras?

Ate: 12: 13 PM.

Nakatingin sa akin ang lahat maliban kay Jam na pinili nalang yumukyok sa mesa.

RH: May halos 20 minutes na pagitan. Hindi mo ba sasabihin Tita Alice kung bakit?

Umiling sya.

Tita Alice: I wish I know.

Ngumit ako, at uminom ng tubig. Parang isang primadona sa entablado. This is my time to shine. Soak it in.

RH: Naglobat yung camera na gamit mo after you took that first shot. Pumanik ka dito, nagcharge ka, tapos bumaba ka ulit. Hindi pa kayo nagkikita ni Kevin non, kaya imposibleng makilala ka nya.

Magsasalita sana sya, pero inunahan ko na.

RH: Don’t ask me for evidence because I have one.

Dinukot ko sa bag ko ang lumang log book at inabot ko kay Rose.

Rose: San galing to?

RH: Hinanap namin ni Gary yan sa mga luma nyang records, buti natabi nya. Hanapin mo dyan yung date ng picture na yan. Makikita mo dyan, nakalog si Tita Alice around 11:50 AM, tapos lumabas sya around 12:10 nang tanghali.

Hinanap nga ni ate, at bigla syang naiyak sa katotohanang unti-unting lumalabas.

RH: Naka-log din dyan si Kevin, Rose. Pero wala pang sampung minuto ang itinagal nya dito. Imposibleng may nangyari sa kanila ni Jam.

Tumayo si Jam at lumapit kay ate.

Jam: I am sorry ate. I really am.

Ate: Ssh.

Hinagod ni ate ang likod ni Jam

Ate: Don’t worry, it was never your fault Jam.

Tumayo si Tita Alice.

Tita Alice: Kung totoo yan, bakit hindi kinontak ni Kevin si Rose after all this time?

Tumayo na din ako.

RH: Baka mas maganda kung si Girlie ang sasagot.

Napatingin sa akin ang mama ni Jam, si ate at si Jam, parehas na tumingin kay Girlie na halos mabitawan ang hinuhugasan nyang plato sa lababo.

RH: Wala ka sa Davao non, di ba? Kasi nasa Bohol ka din, nag-aabang ka sa lobby sa pag-alis ni Kevin. Kasi planado ang lahat, tama ba, Girlie? Di ba ikaw yung kasabay ni Kevin sa lobby papunta sa bus station? Tapos kunwari naki-text ka pero itinakbo mo na ang cellphone nya para walang ebidensya, di ba?

Tumingin si ate sa mama nya.

Ate: You planned all this.

Tapos kay Tita Alice.

Ate: Wala kayong kasing-sama.

Tumayo ang mama ni Jam at sa isang mabilis na sandali, sinampal nya sa pisngi si Tita Alice na ikinagulat naming lahat. Natuluyan namang bumagsak ang platong hinuhugasan ni Girlie.

Tita: How dare you mess my family like this. I took care of you, and yet this is how you repay me?

More Filipino Sex Stories :  Fourway Threesome Friends with benefits: Madelene

Umiyak si Tita Alice.

Tita Alice: Ginawa ko lang kung ano yung hindi mo kayang gawin. Di ba ayaw mo naman kay Kevin dahil mahirap lang sya, out of school at walang patutunguhan sa buhay? Di ba ganun ka din kay Robin?

Tita: Yes, I never liked him for Rose. I don’t like this guy too. Pero bilang isang ina, responsibilidad kong unawain ang gusto ng mga anak ko. Sila lang ang makakapili ng kung sino ang gusto nila. Kung susundin nila ang gusto ko, maganda. Kung hindi, wala akong magagawa, kailangan ko silang tanggapin. But you were never a mother, Alice, and you never will, thats why hindi mo alam kung papano magmahal ang isang ina!

Napahagulgol si ate at si Jam at sabay na nilapitan ang mama nila.

Napaupo syang muli si Tita Alice sa silya.

Tita Alice: Nung ni-rebook ni Jam yung flight nya, nakita ko ang pagkakataon. Swerte lang ako dahil pagdating namin sa Bohol, masama ang pakiramadam ni Rose, hindi nakapag-usap kahit sandali si Rose at Kevin. Nilasing ko silang dalawa at dinala ko sila sa kwarto. Walang nangyari sa kanila, sigurado ako, dahil pagkalapag ko sa kanila, ginising na kita pa palipatin si Rose sa kabilang kwarto. I took the pictures and sent it to Rose nung araw ding yon.

Tita: Because you thought Rose would choose Kevin over Jam? You under-estimated my daughters, and the love they have for each other and you don’t have the right to do what you just did. Binaboy mo ang mga pamangkin mo. Sinaktan mo ang mga anak ko. You don’t deserve a family. Get out and never return!


Nagddrive ako galing airport, kakahatid ko lang sa parents ko. Papunta silang Boracay, wedding anniversay kasi nila two weeks ago. Eto yung regalo ko sa kanila. Sana lang, wag na nila akong gawan ng kapatid, kahit mahirap din pala pag solo ka lang na anak. Ako na nga nagbayad ng lahat ng gastos sa byahe nila, ako pa din ang driver. Pero OK lang, wala ako sa estado ko ngayon kung wala sila.

Sinwerte ako sa karera ko. Wala pang isang buwan pagtapos ng graduation, nakapasok na ako sa isang multi-national company. Maganda ang napasukan kong trabaho, mag-iisang taon palang ako dito sa first job ko, napromote na agad ako, naka-chamba sabi nga ng tatay ko. Part time professor din ako sa isang university malapit sa LRT. Malapit na din akong matapos sa pangalawang semester ng master’s degree na kinukuha ko. Kung pano ko napapagkasya lahat ng ito ko sa oras ko, hindi ko din alam. Di naman ako nagka-girlfriend mula nung naghiwalay kami ni ate nung graduation dinner ni Jam, kaya wala masyadong kahati sa oras ko.

Nagring ang cellphone ko habang tinatahak ko ang daan pauwi. Sinagot ko ito at nilagay ko sa hands-free.

RH: Sino to?

Sinabi ng babae ang pangalan nya, pero kahit di nya sabihin, alam ko kung sino sya.

“Kamusta, its been a while.”,RH: Pano mo nalaman number ko?

“Tinanong ko kay Gary, ayaw pa nga ibigay sa kin baka daw magalit ka”

RH: Si Gary talaga o! Anyway, kamusta ka? I am happy we get in touch.

“Ayos naman, babati lang ako ng advanced happy birthday”.

Shit. Birthday ko nga pala next week! Labor day!

RH: Ay, salamat ha. Nasa Pilipinas ka ba?

“Oo, pero babalik na ako sa New Jersey five days from now, kaya nga binati na kita.”RH: Ay, salamat ulit, I hope napatawad mo ko after all that happened.

“Wag na nating balikan yon, itext mo nga sa akin ang address mo, yung husband ko kasi nakakita ng jersey ni Allen Iverson somewhere in Time Square, parehas pala kayo ng favorite player kaya pinabilan din kita, regalo ko sayo.”

RH: Wow! Salamat sobra. Paki sabi din sa husband mo ha. Anong jersey? Philadelphia or Denver?

“Aba hindi ko alam, pare-parehas lang naman itsura ng mga NBA player db? Yung husband ko sobrang paborito yung Iverson, ipapangalan daw nya sa baby girl namin, Allenita Rose”

RH: Haha, parang gamot ah! Pero, salamat, sobra!

“O sige na, just let me know your mailing address, so I can ship it. Sorry sobrang hectic ng schedule pag balik-bayan, hindi na tayo makapag meet man lang.”

RH: I undestand, just this call, it means a lot. Thank you.


“Sleep, my sons, your duty done, for Freedom’s light has come; sleep in the silent depths of the sea, or in your bed of hallowed sod, until you hear at dawn the low, clear reveille of God.”Yan ang mga salitang nakasulat sa altar dito sa Pacific War Memorial Chapel dito sa Corregidor. Ilang minuto na lang ay tatapat sa pinakasentro ng butas ng dome na to ang araw, at masisinagan ng liwanag na direktang nagmumula sa araw ang altar na ito. Altar na ginawa para sa mga sundalong matapang na lumaban nung panahon ng gyera.

Mahangin sa lugar kahit tirik ang araw. Dito ko na uubusin ang oras ko dito sa Corregidor. Nag day tour lang kasi ako, medyo busy sa trabaho. Birthday gift ko na sa sarili ko, saka gusto kong makita kung pano tumapat ang araw sa altar.

Kaunti lang ang tao sa chapel, parang nung unang nagpunta ako dito. Wala na talaga yatang interesado sa kasaysayan. Mga anim lang kami, pero parang lahat kami isa lang ang hinihintay.

Lumayo ako sa karamihan ng mga tao at tumayo sa gawi kung saan tanaw ko ang dagat. Natanaw ko ang mga bagong grupo ng turista na bumaba galing sa tram at nagtatakbuhan papunta sa chapel.

Nakatingin pa din ako sa malayo ng madinig ko ang boses ng isang babae sa gitna ng mga munting tinig ng mga batang kasama nya.

Agad akong lumingon sa kanila.

“Bilis, malapit na.”

“Ano po ba yon, ate?”,

tanong ng isang bata.

“May 6, ngayon, tatapat sa butas na yun ang araw at masisinagan ng liwanag ang altar na to.”

“Ano naman pong espesyal don”,

tanong ulit ng bata.

“Once a year lang nangyayari yon, every 12 noon pag May 6.”

Nakaharap sya sa mga bata at nakatalikod sa akin.

“Talaga po ate?”, sabay-sabay na tanong ng mga bata.

“Oo, pagpupugay yon para sa mga sundalo na namatay dito nung gyera.”

“Magkaka-gyera pa po ba ulit?”

, tanong ng isang bata.

“As long as there are sovereign nations possessing great power, war is inevitable.”Sari-saring bulong ang narinig ko mula sa mga bata dahil sa sinabi ng kasama nila. Lumakad ako papalapit sa likuran ng babae, papunta sa gitna ng chapel. Napilitan na akong sumabat.

RH: Wow, Albert Einstein?

Nakasuot sya ng puting dress na walang manggas. Hanggang tuhod ang haba nito kaya’t mapapansin ang makinis nyang binti. Nakalugay ang kanyang buhok na tumatama sa kanyang balikat. Naka shades din sya na agad naman nyang tinanggal matapos lumingon sa akin.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong muli ang mga mata nya. Parehas pa din ng dati, nakakalunod at nakakawala ng problema. Hindi pa man din kami naglalapit ay parang isang libong paru-paro na ang nasa sikmura ko, napakatagal na kasi nung huli kong naramdaman ang lahat ng to.

RH: Born March 14, 1879. German physicist famous for the development of the theory of relativity.

“Excuse me?”RH: “As long as there are sovereign nations possessing great power, war is inevitable.”that’s Einstein’s quote right?

Ngumiti sya sa akin.

Parehas kaming magkaharap ngayon at matapos ang humigit kumulang dalawang taon, nasilayan ko ng malapitan ang kanyang ganda. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, at ganun din sya sa akin. Wala pang mga salitang binibitawan ay nakikita na agad ang mga luhang naiipon sa kanyang mga mata.

Sa wakas, nagkita kami ulit at sa pagkakataong ito, wala nang agam-agam at tila ba lahat ng bituin sa aming kalawakan ay humanay para sa oras na ‘to, para sa isang magandang simula.

RH: Hi I am Robin.

Iniunat ko ang kamay ko.

“Hi, I’m Rose”Inabot nya ang kamay ko at kinamayan.

RH: So, are you a tour guide here? Madalas ako dito pero ngayon lang kita nakita.

Rose: No, I volunteer as part of this NGO that takes care of these kids. Nice shirt.

Maginoo pero medyo bastos.”

Ngumiti lang ako.

Rose: So pano mo nalamang nandito ako.

RH: “Put two ships in the open sea, without wind or tide, and, at last, they will come together. Throw two planets into space, and they will fall one on the other. …it is a question of time; that is all.”Rose: Jules Verne?

RH: Jules Gabriel Verne, French novelist, poet and play–

Hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong hinalikan. Napapikit na lang ako para damahin ang tamis ng kanyang mga labi. Hinayaan naming malunod kami sa mga damdaming hinayaan muli naming maramdaman.

Halos dalawang taon kaming hindi nagkita o nag-usap, ngunit walang pinagbago ang dating ng kanyang mga halik. Katulad pa din ng dati. Parang unti-unti kang dinadala sa langit, parang dahan-dahang iniaangat ang mga paa ko mula sa lupa. Higit sa lahat, nararamdaman kong buhay ako. Kumpleto. Kuntento at wala nang hahanapin pa.

Inakap nya ko.

Rose: Its been a while, Robin, but it always feels home when I am with you.

RH: Hindi mo alam kung gano ko katagal hinintay to, pinangarap na makasama ka ulit. I am so sorry for everything, I could have been a better man, a better person for you.

Unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko, kasabay ang pag-ihip ng mahinang hangin. Hinawakan nya ako sa pisgi at pinunasan ang mga luha.

Rose: Sshh… I love you as you are Robin. We all have our beautiful sides, our painful sides, but I love you for both, better or worse, I love the man who would love me no matter what universe we are in.

Hinawi ko ang kanyang buhok, tumingin sya sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap – yung isang bahagi ng kaluluwa ko.

For one moment, I never cared about the world, I found my world in her.

RH: Do you think, in an alternate universe, where everything else is ideal, you would take my hand as we walk towards the sunset of our lives?

Rose: It doesnt have to be ideal. Life has a funny way of its own twists and turns, and not matter what universe we are in, I am willing to take all those bends and humps on the roads with you.

It is not always that people finds the one that makes everything complete. So when you find it, keep it, hold on to it, no matter what the cost.

RH: I love you.

Rose: I love you with all of me.

Hinalikan nya akong muli habang tumatapat ang araw sa butas ng dome. Tinamaan na ng sinag nito ang puting altar na ala-ala ng mga namatay sa laban ng Corregidor.




Magkatabi kami ni Rose sa kama ng ospital, nagpapalakas sya, at nasa tabi nya ang bagong panganak na sanggol. Nagring ang cellphone nya at pinasagot nya sa akin.

RH: Hello, Jam.

Jam: Robin, kamusta? Nanganak na ba si ate?

Nilagay ko sa speaker phone ang telepono.

Rose: Hi Jam, oo nanganak na ako, eto baby boy.

Jam: Wow! Congrats ate, sorry we can’t be there, sobrang busy sa work saka di ba lilipat na kami from New Jersey to San Diego, kaya ang daming inaasikaso.

Rose: Ayos lang Jam, bawi ka na lang next time, at kamusta sa husband mo at sa pamangkin ko dyan ha.

Jam: Oo naman ate, uy Robin, alagaan mo yang anak nyo ha, baka ate ko lang ang mapupuyat dyan, lagot ka sa akin.

Sumagot ang byenan ko mula sa kabilang dako ng kwarto ng ospital.

Mama: Oi Jam, sobrang responsable nitong si Robin ano? Kaya sigurado akong hindi mapapagod si Rose dito.

Jam: Hi ma! Biro lang naman yon, sige tatawag po ako ulit mamaya, I love you, Ma, I love you ate.

Rose: Bye Jam, Love you!

Pinutol na ni Jam ang tawag.

Mama: Ano nga ulit ang pangalan ng apo ko?

Rose: We named him after one of the best characters in a love story that Robin and I knew. You can call him, Ben.

**************

–END–

P.S.:

People are still asking if this is a true story. Again, this is based on true events. Some scenes were elevated for story telling purposes. To what extent? I leave it all to you. But in the case that I offended anyone for tagging this as a true story yet I failed to reach your expectation of a full non-fiction account, I apologize po. I just don’t want the art of writing be limited by the tag that we put into it.

Muli po, maraming salamat.
-RH

Stories NavigationPrevious Chapter

Watch Pinay Scandals, visit: www.LibogGirls.net

LibogGirls

Comments 24

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Alert: Content is protected !!