Cold Case – Chapter X: True Asylum!

anino
Cold Case

Written by anino

 

Chapter X: True Asylum!

“Igme” tawag ko sa kanya na lumingon ito at humarap sa akin “bakit?” tanong niya “wala ka ba talagang naalala sa kahapon mo?” tanong ko sa kanya “wala talaga, sorry” sabi niya sa akin. “Narinig mo ba ang sinabi ni Leslie kanina?” tanong ko sa kanya “oo, nagulat nga ako eh” sabi niya sa akin na napaisip ako. “Alam niya kung kelan ka namatay at ilang taon ka ng patay” sabi ko sa kanya na nag-isip ako ng malalim at napatingin ako sa kanya na kita kong napatingin din ito sa akin. “Naalala ko ang sinabi ni Jessica na dalawang tao ang gumawa ng krimen, alam na natin na si Leslie ang pumatay kay Elizabeth at ang motive niya ay jealousy, pero yung apat?” tanong ko na nagulat nalang kami ni Igme nung biglang bumangon si Jessica at lumapit ito sa amin “ALAM KO NA!” sabi niya bigla na nagkatinginan kami ni Igme. “Ang alen?” sabay naming tanong sa kanya na bumalik ito sa sofa at kinuha ang file sa bag niya.

Nilatag niya sa paanan ko ang lahat ng files at nagsimula itong magpaliwanag sa natuklasan niya “naalala mo nung sinabi ko sayong dalawa ang taong gumawa ng krimen na ito?” tanong niya sa akin “oo, sinabi ko nga yan kanina kay Igme” sabi ko. “Isa si Leslie meaning…” sabi ni Jessica “me isa pang tao Anton” sabi ni Igme sa akin “yung phone ko” sabi ko kay Jessica na kinuha niya sa me mesa at tinawagan ko si Kintanar “Marasigan” sagot niya sa linya “Kintanar, me naka bantay ba sa prospect ngayon?” tanong ko sa kanya “wala na since nahuli na natin ang kriminal” sabi niya “NO!” sabi ko bigla. “Ano ang sabi niya?” tanong ni Jessica “you have to return there and protect the prospect” sabi ko kay Kintanar “bakit?” tanong niya “dalawa ang gumawa ng krimen dito on a separate timeline” sabi ko sa kanya “oh God! we are on our way!” sabi niya sa linya at binaba ko na ito.

“wala ng nagbabantay kay Charito nung nahuli si Leslie at Alan” sabi ko kay Jessica “oh geeze!” sabi niya “but they are on their way” sabi ko na tinanggal ko yung karayum sa kamay ko “saan ka pupunta?” tanong ni Jessica sa akin “we need to go there!” sabi ko na nagmamadali akong tumayo na pinigilan niya ako. “You can’t go, me sugat ka” sabi niya sa akin “braso lang ito, I had worst than this” sabi ko sa kanya na kita naming nakatingin na pala sa amin ang nurse. Matapos magbihis lumabas kami ng ospital na walang nagawa ang doktor nung pinigilan niya ako, si Jessica na ang nagmamaneho ng kotse habang tinitingnan ko yung files “tuloy mo yung sinabi mo kanina, Jess” sabi ko sa kanya “me naalala lang ako nung pumunta ako sa newspaper agency” sabi niya “ayun sa nabasa ko doon me isa pang krimen ang nangyari nung napatay si Charito” kwento niya sa akin “dalawang magkahiwalay na krimen sa araw na yun?” tanong ko sa kanya “oo” sagot niya.

Na nakita ko yung pinrint out niya at nagulat ako nung makita ko ito “si Miguel at Charito ito ah?” sabi ko “kilala mo siya?” tanong ni Jessica sa akin “oo, siya yung kinwento ni Father Isidro na nobyo ni Charito, bigla nalang daw itong nawala matapos makita ang katawan ni Charito sa ilog” kwento ko sa kanya. Tumunog ang phone ko at nakita ko si Kintanar “Agent K” sagot ko “be alarm Agent M, prospect has been abducted!” sabi niya sa linya na nagulat nalang ako “I repeat the prospect has been abducted!” “Oh shit!” napamura nalang ako “acknowledged Agent K” sagot ko “we are forming a search party along with the local police and barangay officials” sabi niya sa linya “understood, we are on our way” sabi ko at binaba na niya ang phone. “Ano ang balita niya?” tanong ni Jessica “dinukot si Charito” balita ko sa kanya na bigla nalang niyang inapakan ang break at tumingin ito sa akin “WHAT?!” gulat nitong sabi sa akin.

“Jessica! move it!” sabi ko sa kanya “sorry” sabi niya at pinatakbo uli ang kotse “so ano ang gagawin natin?” tanong niya “we need to decipher the clues that we have so far, Leslie knows about Igme, we know that she killed Elizabeth and her moving on means we have solve her case and now there are four left” sabi ko. “So that means, the four souls remaining are the first killers crime” sabi niya sa kain “exactly!” sabi ko sa kanya. “Anton!” tawag pansin sa akin ni Igme “oh Igme?” tanong ko “pasensya na kung wala akong maiambag sa inyo” sabi niya “ok lang yun, pero gusto ko mag-isip ka at tandaan mo ang nangyari sayo noon” sabi ko sa kanya “why? what’s up with Igme?” tanong ni Jessica. “Me kutob ako na konektado si Igme sa kasong ito” sabi ko sa kanya “paano naging konektado?” tanong ni Jessica “alam ko na, Jess kailangan nating puntahan si Leslie” sabi ko “bakit?” tanong niya “me itatanong lang ako sa kanya, sa NBI HQ tayo” sabi ko sa kanya “paano si Charito?” tanong niya “trust me” sabi ko na tumango ito at tinuro ko sa kanya ang daan papunta dun.

Pagdating namin sa NBI HQ konte lang ang tao sa loob dahil tinawag ito para tumulong maghanap kay Charito “Sir!” bati sa akin nung isang Agent “saan naka detain si Leslie?” tanong ko sa kanya “right this way” turo niya sa amin at nakita namin sa loob ng selda si Leslie. “Wow, na miss niyo na ako?” tanong niya sa amin na me bandahe na siya sa braso “me itatanong ako sayo” sabi ko sa kanya na tumalikod ito sa akin at sabing “wala kang makukuha sa akin”. “Ano ang connection mo kay Igme?” tanong ko sa kanya na parang nagulat uli ito nung binanggit ko ang pangalan ni Igme “bakit mo siya kilala? at paano mo nalaman na 30 yrs na siyang patay?” sunod kong tanong sa kanya na tumawa lang ito at di ako sinagot. “Classic case of psychopath” sabi ni Jessica “psycho… hmmm…” sabi ni Leslie. “Me dumukot kay Charito kanina, alam kong kilala mo ang taong dumukot sa kanya” sabi ko kay Leslie na di niya ako pinansin.

“Wala kang makukuha sa kanya Anton, she si nothing more than a distraction” sabi ni Jessica sa akin “anong distraction?” tanong ko “bobo ka ba?” tanong ni Leslie “di kasi madukot nung mismong suspek si Charito habang nagbabantay tayo, kaya pumasok si Leslie sa eksena at si Alan” paliwanag ni Jessica sa akin. Na napatingin lang ako kay Jessica at tumingin ako kay Leslie “sagotin mo ang tanong ko kanina, bakit mo kilala si Igme?” tanong ko uli sa kanya na hinawakan ako sa braso ni Jessica kaya napatango lang ako at kinuha niya yung upoan sa gilid at umupo ito. “KIlala mo na ako am I right?” tanong ni Jessica sa kanya “….” na di sumagot si Leslie “i’m a psychologist and believe me I can read you like a book” sabi ni Jessica sa kanya “and I know the reason why you are doing this” dagdag ni Jessica “hindi mo ako kilala, so shut up!” sagot sa kanya niya Leslie.

“Hanggang distraction ka lang ba talaga, Leslie?” tanong ni Jessica sa kanya “shut up!” sagot niya na tiningnan niya ng masama si Jessica “ano ang kinalaman mo kay Igme?” tanong ni Jessica na humarap sa kanya si Leslie at ngumiti ito. “Saksi ako” sabi niya “saksi, saan?” tanong ni Jessica “kung paano pinatay ang buang (baliw) na yun” sagot ni Leslie na nagulat kami ni Jessica at napatingin ako kay Igme. “Paano… kilala mo ang taong pumatay sa kanya?” tanong ko “hmp!… wala kang makukuha sa akin… di ko isusumbong sa inyo si Ama” sabi niya “Ama?” tanong ko na tumalikod uli si Leslie at inignor na niya kami. “Ama” dinig kong sabi ni Igme na tumingin siya sa akin “Anton…” kita kong nagulohan siya “isipin mo ng mabuti Igme.. please lang..” sabi ko sa kanya na tumayo si Jessica at lumabas ito ng detention area. “ANTON!” tinawag niya ako kaya lumabas ako at nakita ko ito sa mahabang mesa at tinitingnan ang mga crime scenes na nakuha ng sweeping team.

“Tingnan mo ito!” turo niya sa isang litrato “ibang gusali ito Anton” sabi niya sa akin na me naalala ako “no way!” sabi ko “bakit?” tanong ni Jessica sa akin “tara!” yaya ko sa kanila na lumabas na kami at sumakay sa kotse. “Saan tayo pupunta?” tanong ni Jessica sa akin “sa simbahan!” sabi ko sa kanya na nagulat ito “Agent K!” tawag ko sa telepono “Agent M” sagot niya “meet us in the church, dalhin niyo din ang local police” sabi ko sa kanya “bakit Agent M?” tanong niya sa akin kaya pinaliwanag ko sa kanya ang lahat “oh God! Affirmative, we are on our way” sabi niya agad at binaba ko na ang call. Pinaliwanag ko din kay Jessica kung bakti kami pupunta ng simbahan at pati siya di makapaniwala sa findings ko “I don’t think that’s the right assumption Anton” sabi niya sa akin “i know, pero yun ang kutob ko” sabi ko sa kanya na tumingin ako kay Igme.

Pagdating namin sa simbahan nakaparada na ang mga kotse ng pulis sa labas pati narin ang mga NBI Agents “Marasigan” tawag sa akin ni Kintanar nung lumabas kami ng kotse “nakapalibot na ang mga tauhan natin pati ang ibang mga pulis” sabi niya sa akin. “Hintayin niyo lang ang signal ko” sabi ko sa kanya at naglakad na kami papunta sa simbahan at pumasok kami sa loob na hinayaan lang nila akong tumungo sa altar at nakita ko ang pakay ko na nakaupo sa harapan mismo ng upoan na kita kong nagdarasal ito. Umupo ako sa likuran niya habang hinayaan ko lang siyang nakaluhod at nagdarasal, ilang sandali lang ay umupo narin ito at tumingin lang sa altar “ano ang maipaglilingkod ko sayo, Agent Marasigan?” tanong niya “alam niyo po ang pakay ko dito” sabi ko sa kanya na nilagay ko ang file sa gilid niya at tiningnan niya ito “alam kong kilala mo ang mga babaeng nasa litrato, Father Isidro” sabi ko sa kanya na tumingin ito sa akin at tumingin sa files.

“Si Charito…” sabi niya nung nakita ang litrato ni Charito “ah.. si Shirley…Anne….Sophia… hmmmm… si Caroline..” iniisa-isa niyang pinangalanan ang mga babae sa litrato “bakit?” tanong ko sa kanya na kita kong nakangiti itong nakatingin sa mga litrato. “Bakit, kamo?” tanong niya sa akin “simple lang naman” sabi niya at pinakita niya sa akin ang apat na litrato at sabing “dahil me mga dimples sila” sabi niya sa akin na kundi pa niya ito sinabi di ko ito makikita. Similarities, fetish yan ang sabi ni Jessica sa briefing room “so na aattract kayo sa kanila dahil me dimples sila?” tanong ko sa kanya “heh heh.. tama” sagot niya sa akin na tiningnan niya ng mabuti ang litrato ni Charito. Tumayo siya at tumingin sa paligid at hinayaan ko lang itong maglakad dahil alam kong di na ito makakatakas dahil nakapaligid na sa buong simbahan ang NBI Agents at mga pulis. Nilagay niya ang litrato ni Charito sa isang upoan, ganun din ang ginawa niya sa tatlong litrato at pagkatapos “ito ang mga pwesto nila sa simbahan” sabi niya sa akin sabay lakad nito papunta sa harap ng altar.

“Nakatayo ako dito at nakikita ko silang lahat” sabi niya na pinikit niya ang mga mata niya na parang me inaalala ito “ang gaganda nila… sobrang bata… at… oohhh.. ubod ng sariwa” sabi niya na napalingon ako sa mga upoan at nakita ko silang apat na nakaupo habang nakatingin sa kanya. “Wag mong sabihin sa akin?” sabi ko kay Father Isidro na tumakbo pa ito palapit sa gitna ng isle at sabing “OO! dito ko sila tinikman” nakangiting sabi niya sa akin “Halimaw.. kriminal… walang hiya… kamatayan!” sabi nilang apat sa pari na tumayo na ako at nilapitan si Father Isidro “hindi ko kasalanan, tao lang ako… hahaha… tao lang ako Agent Marasigan” sab niya sa akin. “Isang tanong lang Father” sabi ko na tumingin ito sa akin “ano ho ba ang connection ni Igme dito?” tanong ko sa kanya. “Igme! hahaha… matagal ko ng di narinig ang pangalan na yan” sabi niya sa akin na sumandal ito sa gilid ng pew “isa siyang hadlang sa pakay ko, akin lang si Charito.. ” sabi niya sa akin na napatingin ako kay Igme sa likuran ko.

“Charito.. mahal ko..” sabi ni Father Isidro “simula nung sinabi nilang magpapakasal na sila at lilipat ng maynila naisip ko di ito pwede, 30 yrs old ako noon nung na assign ako sa probinsyang ito, 13 palang si Charito pero nakitaan ko na ito ng kagandahan” kwento ni Father Isidro. “Kababata niya si Miguel at nakikita ko sila palaging magkasama na kinatuwa ko naman dahil nakikita ko araw-araw dito si simbahan si Charito dahil sakristan ko si Miguel” naglakad ito pabalik sa inupoan niya kanina at umupo ito at kinuha sa bulsa ang litrato na pinakita niya sa akin noong pumunta ako dito. “Alam kong magkakaroon sila ng relasyon dahil sa sobrang malapit nila sa isa’t-isa, natutuwa ako nung naging sila pero… ” putol niya at tumingin ito sa akin “hindi ito matanggap ng puso ko…” sabi niya sa akin na nakinig lang ako sa kanya. “Nung sinabi ni Miguel sa akin na ikakasal na sila ni Charito nagalit ako pinagsabihan ko siya na mag-aral muna dahil sobrang bata pa nila pero hindi siya nakinig sa akin” kwento niya.

“Mahal ko si Charito, nakaisip ako ng paraan kaya ininbitahan ko silang dalawa sa opisina ko” kwento niya “para kausapin silang dalawa sa plano nila pero naunang dumating si Charirto at sa sobrang pagmamahal ko sa kanya na inisip ko mapupunta lang siya sa iba ginawa ko na ang nararapat na para sa akin” sabi niya sa akin na kita kong nakangiti ito. “Ginahasa mo siya at pinatay” sabi ko na umiling lang ito “hindi ko siya pinatay, Agent Marasigan” sabi niya “ano pala?” tanong ko “pinakawalan ko siya sa mundong ito at hindi ko sya ginahasa, inalay ko sya sa amang hari na nasa itaas” sabi niya sa akin. “Yeah, sounds like rape and murder to me” sabi ko sa kanya na tumawa lang ito “again Father Isdro, ano ang connection ni Igme dito?” tanong ko sa kanya “bakit di mo siya tanongin?” sabi ni Father Isidro sa akin na nagulat ako dahil nakatingin ito sa ibabaw ko kaya napatingala ako at kita kong nakatingin sa kanya si Igme “hindi mo ba ako naalala, Miguel?” tanong ni Father Isidro sa kanya.

“I..Igme… Mi..Mguel?” gulat kong tanong sa kanya na tumingin sa akin si Igme at bumaba ito at umupo sa tabi ko “nung araw na dumalaw ka dito at nagtatanong tungkol sa mga lumang gusali at kay Charito alam ko na kung sino at ano ang pakay mo dito” sabi ni Father Isidro sa akin. “Ikaw ang nagsabi sa dalawa kung sino kami?” tanong ko sa kanya na tumango ito “lalo ko lang na confirm nung makita ko si Miguel na umaaligid dito” sabi niya sa akin sabay turo kay Igme. “Kilala mo ako?” tanong ni Igme sa kanya “kawawang kaluluwa, hindi maalala ang kahapon niya” sabi ni Father isidro kay Igme na tumingin ito sa akin at sabing “ikaw ang dinala niya dito para isara ang kahapon niya” na napatingin ako kay Igme at kita kong nakatingin ito kay Charito at nakitingin din ito sa kanya. Biglang me maliwanag ng nagmula sa kisame ng simbahan na tumama ito sa kanilang apat na tila sinusundo na sila at nagpasalamat sa akin ang tatlo maliban kay Charito na biglang nawala ang liwanag na nakatoon sa kanya.

Suminyas na ako sa mga Agents namin at lumapit sila at pinusasan si Father Isidro “teka lang” sabi ko nung ilalabas na sana nila ito “bakit walang maalala si Ig…I mean si Miguel sa kahapon niya?” tanong ko kay Father Isidro “sumpa!” sagot niya. “Anton, hanapin mo ang katawan ko” sabi ni Igme sa akin “saan mo nilibing si Miguel?” tanong ko kay Father Isidro na dinala niya kami sa opisina niya at tinuro sa amin ang lugar kung saan niya nilibing ang katawan ni Igme. Hinukay namin ito hanggang sa me natamaan kaming kahon sa ilalim at agad namin itong binuhat at nung binuksan namin ito bigla nalang napasigaw si Igme nung makita ang kalansay niya sa loob. “Miguel” mahinang sabi ko na me nakita akong parang me itim na tila sa ulo ng kalansay niya “sumpa” naalala kong sabi ni Father Isidro kaya nung tinanggal ko ito parang me malakas na hangin ang biglang umihip sa loob ng opisina at paglingon ko kay Igme bigla nalang itong nagbago ng anyo at naging kamukha na niya ang lalakeng nasa litrato kasama si Charito.

Dinala na sa loob ng kotse si Father Isidro “case closed!” sabi ni Kintanar sa akin na napailing nalang ako sa natuklasan ko dito “good work, Agent Marasigan” sabi ng mga kapwa NBI Agents ko “salamat” sabi ko sa kanila. “Anton” tawag ni Jessica na yumakap ito sa akin at napalingon kami sa pintoan ng simabahan nung makita namin ang NBI Agents at mga pulis kasama si Charito. “Di ko sinaktan ang batang yan” sabi ni Father Isidro sa amin “naalala ko si Chartio sa katauhan niya” dagdag niya “dyos at hustisya na ang bahala sa inyo, Father” sabi ko na ngumiti ito sa akin at sabi “salamat” at umalis na yung kotse para idetain siya sa headquarter namin dito. “Tapos na ang mission natin dito” sabi ni Jessica sa akin “hindi pa” sabi ko sa kanya na hinanap ko si Igme pero di ko ito makita “sino ba ang hinahanap mo?” tanong ni Jessica sa akin “ayun!” sabi ko na hinawakan ko sa kamay si Jessica at pumunta kami sa garden ng simbahan.

“Aalis ka nalang ba ng walang paalam, Igme?” tanong ko sa kanya nung makita ko itong nakalutang sa gitna ng garden ng simbahan “Anton” tawag niya sa akin na nginitian siya ni Jessica. “Ah.. hehehe di pa naman ako aalis eh” sabi niya sa akin “me kasalanan ka sa akin” sabi ko sa kanya “ano nanaman?” tanong ni Igme “totoong me alam ka no?” tanong ko sa kanya “eh.. sorry na” sabi niya sa akin. “Bakit di mo sinabi sa akin ang totoo?” tanong ko sa kanya “naalala mo nung nasa apartment tayo at sabi ko sayong tulongan mo yung ale sa kalye?” tanong niya “oo, bakit?” “ano ba ang sinagot mo sa akin?” tanong niya “ayaw kong…” putol niya “exactly!” sabi niya sa akin “ayaw mong tumulong dahil walang purpose ito” sabi niya sa akin “Igme..” sabi ko “kaya ginawa ko ito at tinago sayo ang totoo dahil alam kong di mo ako tutulongan” “Mali ka!” sabi ko sa kanya “naging kampante kana sa akin Anton” sabi ni Igme sa akin.

“Gago!” sagot ko na naluluha na ako kasi alam kong ito na ang huling pagkikita namin “Miguel..” biglang me tumawag sa kanya at kita naming biglang sumulpot sa likod niya si Charito “mahal, ito yung taong tumulong sa atin” sabi niya “maraming salamat sa inyo” sabi ni Charito na biglang me maliwanag na ilaw galing sa taas at alam ko na ang ibig sabihin nito. “Anton..” tawag ni Igme sa akin na naluha na talaga ako “sorry kung natagalan akong bumalik dito mahal ko” sabi niya kay Chartio “alam ko, di mo na kailangan pang magpaliwanag” sai ni Charito sa kanya. Lumapit sa akn si Igme at sinundot ako sa noo na biglang me kung anong imahe nalang akong nakita sa isip ko na pagdilat ko sa mata ko nakita kong nakangiti siya sa akin. “Oo, ako yun” sabi ni Igme sa akin dun sa taong tumulong sa amin ng mama ko, yung kasama ko noong maliit pa ako na sa tuwing nalulungkot ako siya ang kumausap sa akin na akala ko tao ito pero multo pala. “Ka…kasama kita noon pa?” tanong ko sa kanya “di mo ba napansin na sa tuwing saan ka magpunta nandun ako?” sabi niya na naalala ko nung nagraid kami, sa over pass at nung hinabol ako ng aso na siya ang humarang nito para makatakas ako.

“haha..hahaha..” natawa nalang ako na kita kong nilagay niya ang kamay niya sa dibdib ko “naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo noon?” tanong niya sa akin na nagsimula na uli akong maluha “oo… hinding-hindi ko yun makakalimutan” sabi ko sa kanya na pinikit ko ang mga mata ko. “Wala ka man sa pangingin ko… ” sabi ko “nandyan lang ako palagi sa puso mo..” dugtong niya na binuka ko ang mata ko at dahan-dahan na silang umakyat kasama sa ilaw na nakatoon sa kanila. “Wag kang mag-aalala Anton, sabihin ko sa mama mo na matapang kana at di kana takot sa dilim” sabi niya sa akin “salamat, Igme!” naiiyak kong sabi sa kanya na lumapit sa akin si Jessica at naiyak din itong yumakap sa akin. “salamat…..” huling sabi ko nung nawala na sila ni Charito. Sa pagkawala na ni Igme nawala narin ang psychic-link namin ni Jessica kaya di na niya nakikita ang multong dumaan sa harapan namin kaya napangiti nalang ako “ako na uli ang nag-iisang nakakaita sa kanila” sabi ko na niyakap ako ng mahigpit ni Jessica at sabing “wag mo akong takotin, Anton” sabi niya sa akin.

Matapos ang operasyon at ipresenta namin ang mga ebidensya nahatolan ng habang buhay na pagkakulong ang tatlo at nabigyan narin ng closure ang mga pamilyang nabiktima nila noon, nakabalik narin kami ng maynila at nakatayo sa harap ni Sir Raymund. “Good work team!” sabi niya sa amin ni Jessica “thank you Sir” sabay naming sabi ni Jessica “I find you report really disturbing and surprising, Agent Marasigan” sabi niya sa akin “yun talaga ang nangyari Sir” sabi ko “haayy.. anyway, Dr Dela Rosa we are releasing you back to your vicilian duties” sabi ni Sir sa kanya na tumingin sa akin si Jessica. “Sir, about sa findings ng case pwede ko bang?” tanong ni Jessica “no need to ask, Doctor” sabi ni Sir sa kanya na binigyan siya ng approval ni Sir “thank you” sabi ni Jessica sa kanya at nagpaalam na siyang uuwi sa condo niya. “take a week off Marasigan you deserve it” sabi ni Sir Raymund sa akin “thank you, Sir” sabi ko sa kanya.

“I’ll see you around” sabi ni Jessica nung nasa labas na kami ng berau “yeah..” malungkot kong sagot sa kanya dahil sinundo na siya ni Crista “boss, welcome home!’ natutuwang sabi ni Crista sa kanya at tiningnan ako ni Jessica bago ito sumakay sa kotse. Pagdating ko sa condo nakita kong umiiyak sa loob ng elevator si Nelia ang kaibigang kaluluwa ni Igme nung nalaman niyang nakamove on na si Igme. Nanibago ako sa apartment ko at dahil sa tuwing umuuwi ako galing trabaho magulo ito dahil me mga bisita pa si Igme na kaluluwang palutang-lutang sa buong sala. Naupo ako sa sofa na tiningnan ko ang pwesto ni Igme, kumakain ako ng haponan na nakatingin sa inuupoan ni Igme noon. Kaya isang araw nagpasya akong lumabas ng condo at dinalaw si Jessica sa office niya na nagulat pa ito nung makita ako. “Anton!” “hi, sorry kung di ako tumawag na pupunta dito” sabi ko sa kanya “its ok, tatawagan na sana kita eh pero di ko alam ang number mo” sabi niya “bakit?” tanog ko “halika dito” hinila niya ako papunta sa desk niya at me kinuha siya sa drawer.

“Me surpresa ako sayo” sabi niya sa akin na kinuha niya yung tape recorder sa loob ng drawer niya at binigyan ako ng earphone “ano ito?” tanong ko sa kanya “pakinggan mo” sabi niya na pinindot ang play button. “Wala naman eh” sabi ko sa kanya “hintayin mo” nakangiting sabi niya sa akin at makalipas ang ilang segundo “Anton….” narinig ko ang boses ni Igme “si Igme?” sabi ko na tumango lang si Jessica “salamat…..” sabi niya sa tape na naluha nalang ako “mag-aswa kana…” natawa ako sa sinabi niya “gago talaga yun!” naluluhang sabi ko “date mo na.. siyaa…” paputol-putol yung boses niya sa recorder. “Salamat… Anton…” narinig ko ang boses ni Charito na napangiti nalang ako “salamat din, Miguel, Charito” sabi ko at nag stop na yung recorder. “Kelan ba ito?” tanong ko sa kanya “dala ko yan nung pumunta tayo ng Bukidnon, di ko alam naka on pala at na record yung boses nila” sabi niya sa akin. “Magpakasal ka na daw” natatawang sabi ni Jessica sa akin na natawa narin ako at tumingin sa kanya. “What?” tanong niya sa akin “Agent Marasigan?” sabi ni Jessica na nakangiti lang akong nakatingin sa kanya “how about dinner, Dr Dela Rosa?” tanong ko sa kanya na napangiti lang siya at sabing “its a start, sure why not” na hinawakan ko siya sa kamay at nagkatitigan kami. “Kiss her already” narinig naming sabi ni Crista na pareho kaming napahiya sa kanya at natawa kami.

Epilogue:

Isang taon na ang lumipas at sa condo ko na nakatira si Jessica, nakakatuwa dahil ang dating si Igme at ako lang ang naglalakad sa condo ko ngayon si Jessica na naka panty at sando lang ito habang ginagwa ang libro niya sa nangyari noon sa Bukidnon. Kumuha kasi siya ng time off sa University para tapusin ang libro niya habang ako naman ay tumaas narin ang rank ko sa NBI dahil sa kasong yun. Blessing in disguise para sa amin ni Jessica ang kasong yun dahil nabigyan din siya ng grant ng University nila para gumawa ng research tungkol sa after life and the journey towards it. “Honey, ikaw ba yan?” tawag ko kay Jessica isang umaga nung nasa loob ako ng shower dahil narinig kong me tumaas sa lid ng toilet namin. “hon?” tawag ko uli na walang sumagot “Nelia?” tawag ko “sorry Anton” sagot nito “haayyy.. ” sabi ko nalang at biglang tumunog uli yung lid at umihip ang malamig na hangin at nawala ito.

Nakita ko si Jessica na nagluluto ng agahan at matapos kumain hinalikan ko ito sa leeg na nag end up sa morning quickie ang halik kong yun at natawa nalang ako nung sinundo ako ni Julius dahil kinain niya ang sandwich na inupoan ni Jessica kanina nung nag sex kami. “Pare, sarap nito ah?” sabi niya “ah.. masarap ang bun na yan” sabi ko nalang at palihim na natawa sa kanya, pagdating namin ng opisina tinawag agad kami ni Sir Raymund kaya pumasok kami sa office niya at binigyan kami ng tig-iisang case file. “Sir?” tanong ko “bagong kaso yan and I want you two to take care of it” sabi ni Sir sa amin. “Ano po ang kaso Sir?” tanong ni Julius na tiningnan ko ang file at napailing nalang ako at natawa nung makita ko ang bata sa gilid ng desk ni Sir Raymund “another one Sir?” tanong ko sa kanya “yeah, nagustohan ng head natin ang ginawa mo kaya yan ang gusto nilang asikasuhin niyo” sabi niya sa amin. “When do we leave sir?” tanong ko “as soon as possible” sabi ni Sir sa amin at lumabas na kami ng office niya at sumakay ng kotse.

“Naman eh” sabi ni Julius nung nasa daan na kami “don’t worry partner, mag eenjoy ka” sabi ko sa kanya “multo? come on!” sabi ni Julius dahil ang kasong aasikasohin namin ang kaso ng isang pamilya na minasaker noong nakaraang taon. “Friendly naman sila… kagaya ni Igme” sabi ko na napalingon ako sa likod at nginitan ang batang nakaupo nito “naman oh!” sabi ni Julius. Nilagay ko ang file sa likod at lumabas ang litrato ng pamilyang pinatay noon at sa litratong iyon nakaupo ang batang kasama namin ngayon sa kotse.

The End

anino
Latest posts by anino (see all)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories