Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 40 – Choices That Been Made 4.8/5 (5)

ang mga tukso
This Story is part 40 of 42 in the series Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan

Chapters

Avatar

Written by Van_TheMaster

 

Chapter 40

Ilang araw na lang ang hihintayin ni Angela at aalis na sila. Alam niyang mahirap ang kanilang magiging buhay kapag lumayo na silang dalawa. Ngunit ang lahat naman ay matitiis niya manatili lamang silang magkasama.

Masayang kumakain ng agahan ang pamilya ni Angela na mismong ang dalaga ang naghanda. Bagaman iisang paraan pa lamang ang alam ni Angela ay natutuwa na siya. Sa isip ni Angela ay isang uliran at masipag na maybahay ang magiging ganap niya sa pagsasama nila ni Dan.

“How does is taste?”
 ang nakangiting tanong ng naglalambing na si Angela sa kanyang mga magulang.

Ngumiti si Alice sa anak, “It really taste good Iha. Kaunting practice pa at magagawa mo na din ito ng katulad ng kay Mommy.” Sa isipan ni Alice ay talagang naghahanda na si Angela sa gampanin ng isang mabuting asawa. Isang masayang pagsasama ang kanyang nakikita kina Dan at Angela.

“H-How about you Dad? Nagustuhan ninyo po?”

Nagseryoso naman ng mukha si Anton, “Well, Angela, parang may kulang pa eh.”

Natigilan naman si Angela, “Really po? I follow naman po all the instructions correctly.”, sa mukha ng dalaga ay naroon ang disappointment na hindi nagustuhan ng ama ang unang agahan na naihanda niya.

“I’m just teasing you Iha. You’re Mom is right. It really does taste good. Kung hindi lang kita nakitang naghanda nito ay iisipin kong Mommy mo talaga ang nag-prepared nito.” ang nagbibirong sabi ni Anton.

“Si Dad talaga, I feel nervous na akala ko ay hindi pa okay yung pag-prepare ko.” ang nagkunwang nagtatampong dalaga. Natutuwa siyang kahit sa ilang araw na makakasama niya ang mga magulang ay kapwa saya at tuwa ang iiwan nilang alaala sa isa’t-isa.

Kahit hindi nais ni Angela ay sumungaw ang butil ng luha sa kanyang mga mata. Mahirap pa lang iwan ang mga magulang na nagpalaki at nagmahal sa kanya ng buong puso.

Napansin naman ni Alice ang luha sa mga mata ng anak, “Angela…, are you okay Iha? Why are you crying Iha?”

Hindi naman nakatiis si Angela at mabilis siyang tumayo at yumakap sa kanyang ina.

“I love you Mom. Love na love ko po kayo ni Dad.”, at tuluyan ng napaluha ang dalaga dahil sa ang kapalit ng kanyang kaligayahan sa piling ni Dan ay ang paglisan niya sa piling ng mga magulang.

“We love you too Iha. You’re acting like a baby na naman.” ang nakangiting si Alice habang hinahagod ang mahabang tuwid na buhok ng anak.

Habang nakayakap sa kanya ang anak ay sinamantala ni Alice ang pagkakataon. Alam niyang hindi ito nais ni Anton ngunit kailangang matangap ng paunti-unti ng asawa ang kasintahan ng anak. Nais niyang tuluyan na silang makabalik sa dati at kasama na nila si Dan.

“Angela, we met Dan at the party. He is one the staff who serves there.”

Dahil sa narinig ay nakaramdam naman ng lalong lungkot at panghihinayang si Angela. Dapat pala sana ay sumama na lang siya sa mga magulang. Nagkita sana sila ni Dan ng maaga kaysa sa araw ng bukas na hinihintay niya.

Nagpunas ng luha sa mga mata ang dalaga, “I wish na sana po ay sumama na lang ako Mom. Nagkita sana kami. I really miss him na.” ang malungkot na nasabi na lang ni Angela. Labis na nanghihinayang sa isang gabi na nakita sana ang kasintahan habang nakasuot siya ng maganda.

Hinawakan ni Alice ang kamay ng anak at ngumiti dito, “Angela, tomorrow is Monday, magkikita na naman ulit kayo. Besides, I have something to say na magpapasaya sayo Iha. Dan call me Tita Alice while we were there…., in front of your Dad.”

At saka tumingin si Alice sa direksyon ng asawa.

Napangiti na din si Angela, “Really Mom? You are getting closer na talaga.”

Muling ibinalik ni Alice ang paningin sa anak, “He is a bit shy about it pero napilit ko din siya. I really like him too Iha, I think you are both perfect for each other.”

“Thanks Mom.” ang nakangiting sagot ng dalaga habang patuloy na nagpapahid ng luha sa kanyang mga mata. Ramdam naman niya ang hindi pagkagusto ng ama sa usapan nilang mag-ina. Kaya hindi na siya nagtangkang kausapin ang ama tungkol sa kanyang kasintahan. Ang mahalaga ay tanggap na sila ng kanyang ina at sa paglipas ng panahon ay sana ay matanggap na din sila ng kanyang ama.

Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang dalawa habang nakikinig lang si Anton. Ayaw niyang sansalain ang masayang pag-uusap ng kanyang mag-ina kahit kanina pa sumama ang kanyang timpla ng marinig ang pangalan ng kasintahan ng anak. Walang kaalam-alam ang kanyang asawa at anak sa tunay na pagkatao ng binatang nagugustuhan ng mga ito. Ngunit hindi na naman magtatagal ay mawawala na ang balakid sa masayang pagsasama nilang tatlo.

*****

Malapit nag mag alas-syete ng umaga ng bumangon si Ella mula sa kanyang pagkakahiga. Napangiti siya ng makita ang kapatid na natutulog sa kabilang kama na hindi pa din nahuhubad ang suot nitong itim na bestida. Hindi na niya namalayan ang pagdating ng kapatid na tiyak niyang madaling araw na ng nakauwi.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na si Ella upang saglit na magtungo sa tindahan. Natigilan siya ng kanyang makita ang isang lalakeng natutulog sa may mahabang upuan sa harap ng kwarto ni Dan. Ang kaba sa kanyang dibdib ay bahagyang nabawasan ng mapansin niya ang suot nitong puro itim din. Katerno ng damit ng kapatid niyang si Mika.

Ayaw sana niyang gambaliin ang pagtulog ni Mika ngunit hindi naman niya nais na iwan na mag-isa ang kapatid na may ibang taong hindi niya kilala ang nasa paligid.

Natigilan si Ella ng mapansin ang mga bakas ng luha sa pisngi ng kapatid. Banayad niyang niyugyog ang balikat ng kapatid, “Mika…, Mika…”

Dahil sa naramdamang banayad na pagyugyog sa kanyang balikat ay nagising na din si Mika.

“Bakit Ate?” ang mahinang tanong ni Mika. Halatang antok pa din ang dalaga.

“Pasensya ka na Mika, ayaw pa sana kitang gisingin. Pero may nakahiga sa labas. Halos magkatulad kayo ng kulay suot. Kakilala mo ba?”

Biglang nawala ang antok ni Mika at napabangon siya sa kama.

“Baka si Alex yun Ate, kasama ko sa trabaho.”

“Bakit dun siya natulog sa labas? Wala ba siyang ibang uuwian?”

Natigilan naman si Mika, sana ay mali siya sa pag-aakalang si Dan ang hinihintay ni Alex. At nais ng kaibigan na kausapin si Dan tungkol sa nangyari kagabi. Hanggat maaari ay ayaw niyang mag-away ang dalawa ng dahil sa kanya. Ang kasalanan naman ay nasa kanya at wala kay Dan na simula pa lang ay alam niyang may ibang dalagang minamahal.

“Ako na lang Ate ang gigising sa kanya. Kaibigan namin siya ni Dan. Wag kang mag-aalala Ate at mabait naman si Alex.”

“Mika…, alam kong umiyak ka? May dapat ba akong malaman?” ang pag-aalala ay nasa tinig ni Ela.

“Wala ito ate, kaya ko naman.” ang matamlay na sagot na lang ni Mika, nais na ilihim sa kapatid ang dahilan ng kanyang muling pagluha.

“Mika…”

“Ate, please, wag ka ng magtanong. Okay lang naman ako.” ang pakiusap ni Mika na nais ng pilit na kalimutan ang nangyari ng nagdaang gabi.

Wala namang nagawa na si Ella kung hindi ang hayaan na lang kapatid kung hindi nito kayang magsabi pa sa kanya, “Nagtatanong lang naman ako Mika. Pero kung ayaw mong magsalita ay igagalang ko ang pasya mo. Basta nandito ako Mika, dalawa lang tayong magkapatid, kapag kailangan mo ng kausap at kadamay ay alam mo nandito lang si Ate.” sa isipan ni Ella ay tiyak na may kinalaman si Dan sa pagluha ng kapatid. Lalo’t sa tingin niya ay wala pa sa kwarto nito ngayon ang binata.

“Salamat ate.”

Ngumiti ng tipid si Ella sa kanyang kapatid, “Lakad na ako sa tindahan, wala na pala tayong pang-agahan. Dyan ka na muna.”

“Sige Ate, lakad ka na.”

At lumabas na si Ella ng kwarto nilang magkapatid at nagtungo na sa pinakamalapit na tindahan.

Tuluyan na din namang nawala ang antok ni Mika. Nagpasya na siyang gumising, nagpalit ng damit at inayos ang sarili. Habang nasa banyo at naghihilamos ay muling nalungkot si Mika. Nasa labas si Alex at nangangahulugan na hindi pa nakakauwi si Dan at magdamag nitong kapiling ang dalagang tunay nitong mahal.

Namalayan na lang ni Mika na muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ang akala niya ay tanggap na niya ang sitwasyon ngunit sadyang masakit pa din pala. Lalo’t nasaksihan niya ang mapait na katotohanan sa kanya mismong harapan. Na ang iniibig niyang binata ay pag-aari ng ibang dalagang mas higit sa kanya at siyang may karapatan kay Dan.

Pilit niyang pinayapa ang sarili, wala din naman siyang magagawa kung hindi ang magtiis sa kanyang kalagayan. Hindi din naman niya kayang iwan si Dan. Hanggat magkasama sila sa lugar na ito ay dapat na siyang makutento kahit masakit sa kanya. Ito ang kapalit ng kanyang labis na paghahangad sa isang lalakeng may iniibig ng iba. Ang magdusa at masaktan kahit kapiling niya ang lalakeng minamahal niya.

Lumabas na si Mika ng kwarto at pinuntahan ang natutulog pa ding si Alex. Mahina niyang tinapik sa balikat ang kaibigan at hindi din naman nagtagal ay nagising na din ito.

More Filipino Sex Stories :  Ang Ate Ko, Isang High Class Pokpok (Part 2)

“Bakit dito ka natulog?”

Bumangon naman si Alex at nahihiyang nagpungas-pungas sa harapan ni Mika.

“Inantok na ako talaga Mika, kaya nagpasya na din akong dito na antayin si Dan, at may sasabihin lang ako.” ang nakangiting pagbibigay dahilan na lang ni Alex kay Mika.

Sa isipan ni Mika ay sana ay hindi na mapag-usapan pa ng dalawa ng mabigat ang nangyari kagabi.

“Tungkol ba sa nangyari kagabi Alex?” 
ang nag-aalalang tanong ni Mika.Umiling naman ang binata, “May kape ba kayo Mika?”, ang pang-iiba ni Alex sa usapan. Nais niyang ilihim kay Mika ang totoo niyang saloobin para kay Dan ng sandaling iyon.

“Saglit lang Alex, ipagtitimpla kita.”,

ang paalam ni Mika.

Ngumiti naman si Alex sa dalaga, “Salamat Mika.”

Napakaswerte na ni Dan kay Mika at bakit naghangad pa si Dan ng mas higit kay Mika. Na maaaring maging dahilan ng isang panibagong gulo sa buhay ng kaibigan. Kailan lang ng may ngyaring hindi maganda sa pagitan nina Dan at Lance, ngayon ay kay Brandon naman. Bakit parang sadyang sinusubok ni Dan kung gaano kabuti sa kanya ang kapalaran? Ang mga ito ang mga tanong na gumugulo sa isipan ni Alex.

******

Nakadalawang ulit na nilang nalasap ang sarap ng muli’t-muli nilang pagniniig ng umagang iyon. At kailangan na nilang muling bumalik sa magkaibang mundong kanilang ginagalawan. Ngunit ang paghihiwalay naman nilang dalawa ay panandalian lamang. Hindi na magtatagal at makakapiling na nila ulit ang isa’t-isa at palagi na silang magkasama.

Pagkatapos magbihis ni Christine ay lumapit siya kay Dan. Isa-isa niyang isinara ang butones ng suot na itim na long sleeves ni Dan. Nakatingin lang naman si Dan sa magandang mukha ni Christine na sadyang labis na nakakahalina kahit na wala ng makeup ang dalaga. Nang ganap ng maisara ni Christine ang damit ni Dan ay yumakap siya sa binata habang nakatingin sa maamo nitong mukha.

“Dan, hindi na ako makapaghintay. I want to live with you na.”

Hinaplos naman ni Dan ang alon-alon na buhok ni Christine, “Ilang araw na lang naman Christine, maghahanda lang tayo nina Angela. At saka tayo magkakasamang lalayo.”

“We need to hurry Dan. Na-witness mo naman ang nangyari kagabi. My parents forced me to do that engagement, and later, to be a wife to someone I don’t love. The plan is after we graduate, pero sa nakikita ko, baka it will happen later this year. Nagiging aggressive na din sa akin si Brandon. He wants me so bad, and both our parents don’t even bothered to try to stop him. Ayaw kong mangyari yun Dan.”

Ngumiti naman si Dan, “Wag ka ng mag-aalala Christine, hindi mangyayari ang pangamba mo. Nandito ako Christine at hindi ko hahayaang mamuhay kang malungkot sa piling ng iba.”

Nangilid naman ang luha sa mata ni Christine, naalala ang buhay ng kanyang ina, “I don’t want to live a life like that, na nasa akin nga ang lahat ngunit hindi ko naman kapiling ang lalakeng mahal ko.”

Pinalis ni Dan ang mga butil ng luha sa mata ng dalaga, “Alam ko Christine, kaya kahit alam kong mali at hindi tama ay mas gusto ko na yung ganito. Na kasama ko kayong dalawa ng wala ng kailangang masaktan pa sa ating tatlo nina Angela.

“Thank you Dan. For really loving me too.”Nilagay ni Dan ang kanyang isang daliri sa pisngi ni Christine at banayad na hinaplos-haplos iyon.

“Malaki ang pagbabayaran kong kasalanan Christine dahil sa desisyong ginawa ko. Na piliin kayong dalawa, ngunit mahal ko kayo ni Angela, at hindi ko kayang iwan ka Christine. Ngunit kailangan kong gawin ito, alang-alang sa sarili kong kaligayahan.”


“Then we all pay the price for this sin Dan, dahil pinili naming makasama ka kahit alam naming hindi ito tama. Hindi mo lang ito happiness Dan, it’s our happiness too ni Angela na makasama ka.”

“Basta tandaan mo lang Christine, mahirap na buhay ang naghihintay sa atin. Ngunit magsusumikap ako para sa inyong dalawa. Dahil responsibilidad ko na kayo at hindi ko kayo pababayaan. Sana lang ay mapagtiisan ninyo kung ano lang ang kaya ko.”

“You’ll never me hear complain about anything. Kaya ko ding magtiis Dan sa piling mo. Like I said, I’ll support you in any way I can.”

“Salamat sa pang-unawa Christine.”

Isang ngiti ang pinakawalan ng dalaga, kinabig ang batok ni Dan upang muling paghinangin ang kanilang labi at saka sila mahigpit na nagyakap na dalawa. Naroon ang isang hindi na kailangang sambitin na pangako nila sa isa’t-isa. Na sa nalalapit na mga araw ay magkakasama na din sila.

Malambing namang napa-giggle ang dalaga ng pumasok sa kanyang isipan ang isang sitwasyon na haharapin nilang tatlo.

“Dan, just remember, you have to be fair sa amin ni Angela ha.” ang malambing na sabi ni Christine.

Napangiti naman ng maluwang ang binata ng maaala ang isang napakasarap na suliranin na naghihintay sa kanya sa piling ng dalawang dalagang minamahal niya.

“Akong bahala Christine, magiging fair ako sa inyo ni Angela. Sa lahat ng pagkakataon, okay?”

“Dapat lang Dan, you know naman na may pagka-maldita at selfish ako. I can give in a few things but not when it comes to you.”

Hinawakan ni Dan ang magkabilang pisngi ni Christine at saka muling hinalikan ang dalaga.

“Magiging fair ako Christine sa inyong dalawa.”

Ngumiti na din si Christine, at minsan pa silang yumakap ng napakahigpit sa isa’t-isa na para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Ngunit kailangan nila munang harapin ang mga suliraning naghihintay sa kanila. Kay Christine ay ang kanyang mga magulang at ang kay Dan naman ay si Mika na alam niyang labis na nasaktan ng iwan niya ng nagdaang gabi.

Magkahawak-kamay silang lumabas ng kwarto hanggang sa may labasan ng motel na iyon. Bago sumakay ng taxi ay binigyan ni Dan si Christine ng higit sa sapat na halagang kailangan ng dalaga. Nagpaalamanan na sila at nangakong magkikita bukas ng maaga. Nang makalayo na ang sinasakayan ni Christine ay saka naglakad naman si Dan papunta sa abangan pauwi sa kanila.

Sa kanyang paglalakad ay napatingin siya sa mga picture frame na naka-display sa isang tindahan. Naalala niya ang pangako niya kay Angela na doon ilalagay ang picture na ibinigay sa kanya ng kasintahan. Pumili siya ng isang magandang disensyo at saka siya nagtuloy ng umuwi pabalik sa tirahan nila ni Mika na alam niyang nagdadamdam na naghihintay sa kanya.

*****

Madaling araw pa lamang ay nakaparada na ang sasakyan ni Brandon malapit sa may bahay ni Christine. Naghihintay siya sa pagdating ng dalaga upang masabi dito na walang alam ang mga magulang ng dalaga sa ginagawa ng kanilang anak. Hindi pa din niya kayang isuko si Christine lalo na sa isang tulad ni Dan. Kailangang malaman niya kung alam ba ni Christine ang tungkol sa relasyon din ni Dan kay Angela.

Alas syete y media na ng mapansin niya ang isang taxi na tumigil sa harap ng gate nina Christine. Mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan at habang palapit sa taxi ay nakita niyang bumaba ng sasakyan si Christine na suot pa din ang mapang-akit nitong gown.

Bago pa makalapit si Christine sa kanilang gate ay bumusina si Brandon at lumabas ng kanyang sasakyan. Sa nakitang ayos ni Christine ay muli na namang bumangon ang mabigat na damdadamin sa kanyang dibdib. Napakaganda at kaakit-akit talaga ni Christine lalo na suot nito ngayong gown na alam niyang ibang lalake ang naghubad sa dalaga ng nagdaang gabi.

Napatingin naman sa kanya si Christine na parang nag-aalangan.

Lumapit si Brandon sa nakatayong dalaga, “Christine, please, can we talk for a bit?” ang pakiusap ni Brandon.

Pinagmasdang mabuti ni Christine ang itsura ni Brandon, suot pa din nito ang damit kagabi at halatang puyat ang binata. Malungkot ang mukha nito na nauunawaan naman niyang siya ang dahilan. Nais niyang mahabag kay Brandon ngunit ito naman ang may kasalanan kung bakit narito sila ngayon sa ganitong sitwasyon.

“Make it quick, okay?” ang malumanay na sabi ni Christine. Ayaw ng dagdagan pa ang nakikitang paghihirap ng binatang alam niyang umiibig naman talaga sa kanya.

Huminga ng malalim ang binata, “Sa loob na lang tayo ng sasakyan Christine. I promise you that I will not harm you or threaten you. I just simply want to talk Christine.”, ang muling pakiusap ni Brandon.

“Fine Brandon, but keep your promise.”, ang bahagyang nag-aalangang sagot ng dalaga.

“I will Christine.”, at saka lumapit si Brandon sa katabing passenger seat at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.

Pumasok naman si Christine sa loob ng sasakyan at hinintay na makapasok din si Brandon.

“Go ahead Brandon, tell me kung ano man ang gusto mong sabihin .”

“Christine…, alam ko kung sino ang kasama mo kagabi ng umalis ka.”

Saglit lang na natigilan si Christine, “It’s good then, dahil hindi ko na kailangang magpaliwanag sayo. Now you know that truth about him, na ever since, hindi isang laro ang pantasya ko kapag magkasama tayong dalawa. It’s real and I love him. I don’t care about his status in life now Brandon. Alam ko din kung ano ang naghihintay sa akin sa loob ng bahay namin. But I’m ready, I’m not afraid anymore.”

“He is sure a lucky man Christine, dahil minahal mo siya ng ganyan. Na kaya mo ng isuko ang lahat para sa kanya. I do hope na he really deserves you.”

Umiling naman si Christine, “I am the lucky one Brandon, dahil minahal niya ako. Kung wala ka ng ibang sasabihin. I have to go, my parents are waiting and I have to tell them the truth about him.”

Malungkot na tumingin si Brandon sa determinadong dalaga. Sa kanyang puso ay naghahangad na sana ay para sa kanya ang pag-ibig ni Christine na kaya nitong ipaglaban sa lahat. Ngunit narito siya ngayon at hinahayaang saktan ni Christine ang kanyang damdamin sa bawat tapat na salitang lumalabas sa labi ng dalaga.

“They know nothing about what you did last night Christine. Ang alam nila ay magkasama tayong dalawa sa buong magdamag. That’s why I wait for you here, para alam mo kung ano ang sasabihin mo sa kanila.”

Saglit na muling natigilan si Christine, hindi makapaniwalang nanatiling tahimik sa Brandon sa kanyang ginawang pag-alis kagabi.

“You are telling me that you didn’t say anything to them. Then you wait for me here so that you can save me from my parents. Hindi mo naman kailangang gawin iyon Brandon, lalo mo lang pinahihirapan ang situation nating dalawa.”

Napabuntung-hininga na lamang ang binata, “I love you Christine. The last thing I want is to see you get hurt.”

Nakita naman ni Christine ang katapatan ng sinabi ng binata. Ngunit ang buong puso niya ay pag-aari na ni Dan at wala ng puwang pa ang isang tulad ni Brandon kahit gaano pa kalaki ang pag-ibig nito sa kanya.

“I love someone else Brandon. Please, don’t make it more difficult for both of us. Just stop and walks away from all this like you said. Hayaan mo na akong maging masaya sa piling ng lalakeng mahal ko.”
 ang buong pusong pakiusap ni Christine, ayaw na niyang patuloy na umaasa si Brandon sa pag-ibig na hindi niya kayang ibigay.

Mahigpit namang napakapit sa manibela si Brandon at napayuko na lamang. Pilit niyang pinipigilan ang luha sa kanyang mga mata. Tama ng lumuha siya kagabi ng hindi nakikita ng dalaga.Malungkot na ngumiti si Brandon sa dalaga, “I’m sorry Christine, but I can’t. Because I love you from the moment I saw you. And I promise myself na ikaw lang babaeng nais kong makasama sa buong buhay ko… Kaya hanggat hindi kita nakikitang naikakasal sa iba ay hindi ako titigil Christine.”

Ayaw man ni Christine ay nakaramdam siya ng awa kay Brandon dahil sa katapatan ng pag-ibig nito sa kanya.

“Brandon, I am not the right woman for you. Hindi ka mahirap mahalin, you are perfect and you have everything. Just look around you, I know for sure na mas may higit pa sa akin ang naghihintay na mahalin mo.”

Tiningnan ni Brandon ang magandang mukha ng dalaga na hanggang ngayon ay pangarap pa din sa kanya. Nais niyang muling hawakan ang malambot na pisngi ni Christine at halikan ito sa labi ngunit hindi niya magawa. Dahil kahit may kasunduan na ang kanilang pamilya ay hindi pa din niya pagmamay-ari ang puso at katawan ni Christine.

“But it’s you that I love Christine, like you said, we can’t dictate our own heart. Anong gagawin ko Christine? Kung hindi ang maghintay at umasa na dumating ang araw na mabibigyan mo ng pansin ang mga ginagawa ko para sayo. Love him Christine, but I will love you still.”

Si Christine naman ang huminga ng malalim, at malungkot na tumingin sa mukha ng binata.

“Then what do you want me to do Brandon?”

Inilabas ni Brandon ang munting karton mula sa kanyang bulsa at iniabot sa dalaga.

“Please keep it Christine.”

Nailing na lamang ang dalaga, “I can’t Brandon, I already told you, I love him.”

Muling huminga ng malalim si Brandon, “Christine, they know nothing, okay? Mas gusto mo pa bang salubungin ang galit ng parents mo rather than to just pretend that we are still okay. I’m not doing this for me Christine, I’m doing this for your sake.”

Saglit na nag-isip si Christine, kung walang alam ang mga magulang ay mabuti para sa kanya. Makakapaghanda pa siya ng mabuti sa lahat ng mga kailangan niya.

More Filipino Sex Stories :  Kinang At Lilim - Chapter 7: Love And Other Obstructions

Kinuha niya ang munting carton mula sa binata. Binuksan iyon at muling isinuot ang singsing.

“Okay Brandon, I’ll do what you says. But it’s only for a show, there is no meaning behind it. You have to accept that.”

Malungkot namang tumango si Brandon. Mabuti na ang ganito kaysa masaktan ng kanyang mga magulang ang dalagang minamahal niya. Ngayon labis naunawaan ni Brandon ang hapdi na dulot ng pag-ibig. Na kayang niyang mag-sakripisyo at lunukin ang kanyang pride alang-alang sa kapakanan ni Christine.

“I need to get inside Brandon. I’m really tired.”

Akma ng lalabas si Christine ng muling magtanong si Brandon. Isang tanong na hindi niya inaasahang magmumula sa binata.

“Christine, do you know about it?”

“About what? Get to the point please.”

“Dan is also in relationship with another girl. Hindi mo ba alam na dalawa kayong pinagsasabay niya?” ang may diin na sabi ng binata na labis ang lungkot na nasa mukha. Dahil sa pag-aakalang ang nag-iisang dalagang minamahal niya ay ginagawang laruan lang ng iba.

Nilingon ni Christine ang binata ang saka nagpakawala ng isang tapat ng ngiti, “I love him Brandon, and he loves me. Iyon lang ang mahalaga sa akin at wala ng iba. I don’t care kung ano man ang iniisip ninyo tungkol sa kanya. He can make me cry, and he can make me happy. He shows and taught me how to truly love. I miss him everytime, and he means the world to me. That’s why I love him so much Brandon. “

At saka tuluyan ng lumabas si Christine mula sa loob ng sasakyan at nag-doorbell sa may gate ng kanilang marangyang tahanan. Ilang saglit pa ay pumasok na din si Christine sa loob ng kanilang bahay na hindi man lang siya tiningnan.

Labis ang magkahalong lungkot at paninibugho ang nararamdaman ni Brandon ng sandaling iyon. Dahil para na ding inamin ni Christine na alam ng dalaga na dalawa sila ni Angela na karelasyon ni Dan ngunit tanggap pa din nito. Ang lahat ng paglalarong ginawa sa kanya ni Christine habang nasa isip nito si Dan ay totoo. Ang lahat ay malinaw na sa kanya kagabi pa lamang ngunit hanggang ngayon ay sadyang napakasakit pa din sa kanyang dibdib ang katotohanang natuklasan.

Pagpasok ni Christine sa kanilang bahay ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina.

“Are you okay Christine?” ang pag-aalala ay nasa tinig at mukha ng kanyang ina.

Nais na maging masaya ng kanyang puso. Ngayon lamang niya nakitang nag-aalala ng ganito sa kanya ang ina. Ngunit ang pag-aalang iyon ng ina ay wala ng kabuluhan sa kanya.

“Ma, you are asking if I’m okay?” ang buong pait na ganting tanong ng dalaga sa kanyang ina.

“You both know that I’m not ready for it. Ang matali sa isang kasunduan sa isang lalakeng hindi ko mahal. Pero may voice and rights ba akong tumutol?”

“Christine…” ang malungkot na pagtawag ng kanyang ina, ramdam niya ang paghihirap ng nag-iisang anak.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ni Christine, “Ma, have you ever love me as your daughter?”

“Ever since you were born Iha. I always love you Christine.”, at saka hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay at pinisil iyon habang buong pagmamahal na nakatingin sa kanyang nag-iisang anak..

Namuo ang luha sa mga mata ni Christine dahil sa sinabi at ginawa ng ina. Naalala ang mga nakalipas na taon na busog siya sa pagmamahal ng mga magulang. Ngunit nagbago ang lahat ng magdalaga na siya, nawala na ang init ng pagmamahal na dati niyang naramdaman. Naging isang parang bagay na lamang siya sa mga ito bagaman sunod ang kanyang layaw sa lahat ng mga materyal niyang pangangailangan.

“Then, bakit hindi nyo ako kayang ipaglaban? Not even one time na you take my side in front of Pa.”

“You never really love me Ma. What you love is a doll na araw-araw ninyong nakikita at nadadamitan. But you and Pa are both wrong, dahil hindi darating ang araw na hinahangad ninyo. I will be happy with a man I truly love.”

At saka siya mabilis na tumalikod sa kanyang ina upang umakyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto. Naiwan ang kanyang ina na malungkot lang na nakatingin sa paglayo ng anak. Sa kanyang isipan ay naroon ang napakaraming pagkakataon na hindi niya kailanman sinuportahan si Christine kapag hindi sang-ayon ang asawa sa nais ng anak. Ngayon ang hindi maipaliwanag na pangamba ay nasa kanyang dibdib.

Mayamaya pa ay lumabas na ang ama ng dalaga mula sa study room nito at lumapit sa kanyang asawa na nakatingin pa din sa direksyon ng hagdan.

“Are you talking to Christine? Is she already at home?”ang tanong ng kanyang asawa.

Tumingin naman ito sa asawa, “Yes, but she is tired at kailangan niyang magpahinga.”

Isang masayang ngiti naman ang iginanti ng ama ng dalaga, “Of course she is, Brandon is so eager to have her. And now that Brandon get what he want. Makukuha ko na din ang gusto ko without any obstacles.”

Napatingin na lamang ang kanyang ina sa asawa. Sa isipan ng ng kanyang ina ay huli na ang lahat upang baguhin pa ni Christine ang kanyang kapalaran. Pag-aari na si Christine ni Brandon at wala ng magagawa pa ang kanyang anak kung hindi ang tanggapin ang kapalaran na nakalaan sa kanya.

Pagkapasok ni Christine sa loob ng kanyang kwarto ay mabilis niyang hinubad ang lahat ng kanyang suot. At saka niya inilapat ang kanyang kahubaran sa ibabaw ng kanyang malambot na kama. Minsan pa niyang tiningnan ang magandang singsing na nasa kanyang daliri. Ngayon niya napatunayan ang pag-ibig sa kanya ni Brandon. Na sa kabila ng lahat ng kanyang mga ginawang paglalaro at pagbibigay ng pighati sa damdamin ng binata ay nanatIli itong umiibig sa kanya. Na ang kanyang kapakanan pa din ang inuuna ni Brandon ng higit sa pagdurusang ibinigay niya dito. “I’m really sorry Brandon, but you and I are not meant to be.”, at muli niyang hinubad ang singsing at ipinatong sa side table malapit sa kanyang hinihigaan. Ipinikit niya ang kanyang mata habang ang nasa isip pa din ay si Dan. Ilang araw na lang at magiging maligaya na silang dalawa.

*****

Pagpasok pa lang ni Dan sa may makitid na eskinita papunta sa kanyang tinitirhan ay napansin na agad niya ang kaibigang si Alex. Napatayo si Alex ng makita siya at matiim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Isang malungkot na ngiti ang nasa labi ni Dan habang palapit sa kanyang kaibigan. Habang nakatingin siya kay Alex ay naramdaman niya sa mata ng kaibigan ang galit nito sa kanya. Ganito kasakit ang ipinaranas niya kay Mika na naging dahilan kung bakit narito ngayon si Alex na naghihintay sa kanya.

Ngunit bago pa siya makalapit sa kaibigan ay lumabas si Mika mula sa kwarto ng dalaga.

“Dan…”, nasa mukha ni Mika ang labis na lungkot. Alam naman niyang wala siyang karapatan ngunit labis pa din siyang nasaktan dahil sa ibang dalaga ang magdamag na kapiling ni Dan.

Tiningnan niya ang dalagang halatang matagal ding umiyak ng dahil sa kanya, “Mika…” ang malungkot na pagtawag ni Dan.

Nagpilit na ngumiti si Mika, “Nag-agahan ka na ba? Nakaluto na si Ate. Tapos na kami nina Alex.”, pilit na itinatago ni Mika kay Dan ang kanyang totoong nararamdaman.

Isang ngiti lang ang ibinigay ni Dan sa dalagang tapat na nag-aalala sa kanya. Lumapit siya sa harap ng kaibigan niyang si Alex at ibinaba sa upuan ang kanyang mga dala.

Galit ang mata ni Alex ngunit isang malungkot na ngiti ang ibinigay muna nito kay Dan.

“Musta Dan? Nag-enjoy ka ba kagabi?”

Isang malungkot na ngiti na lang naisagot ni Dan sa kaibigan. Hindi naman niya kailangang sagutin ang tanong na alam na din naman ni Alex ang sagot.

“Alex, handa na ako.”

, ang malumanay na sabi ni Dan.

(“BAM!”)

At isang malakas na mabilis na suntok ang ibinigay ni Alex sa mukha ng kaibigan niyang si Dan. Ang bigwas na iyon ay punong-puno ng damdamin, magkahalong pag-ibig sa dalagang labis na nasaktan dahil kay Dan, at pagpapahalaga sa kaibigang itinuring na din naman niyang kapatid.

“Alex!”, ang halos naisigaw ni Mika ng makitang bumagsak si Dan sa lupa.

Maagap na ibinaba ni Mika ang katawan papunta kay Dan. Labis na nag-aalala sa binatang minamahal niya. Lumabas naman si Ella dahil sa narinig na pagsigaw ng kapatid. Nagulat din siya sa kanyang nakita, nasa lupa ngayon si Dan habang dinadamayan ni Mika at nakatayo naman sa harap nila si Alex.

“A-Anong nangyayari dito?” si Ella na hindi maitago ang kaba.

“Dan..” ang nag-aalang si Mika ng makitang may dugo sa gilid ng labi ni Dan.

Lumingon si Mika kay Alex, “Alex, please, umuwi ka na.”

Inalis ni Dan ang pagkakahawak sa kanya ni Mika at muli siyang tumayo. Muling humarap kay Alex at saka tipid na ngumiti.

“Sige lang Alex…”

Sa sulok ng mata ni Alex ay naroon ang luha sa kanyang mata. Dahil sa harapan ng dalagang mahal niya ay gumagawa siya ng dahilan upang lumayo ang loob nito sa kanya. Ngunit ang salita ay nabitawan na niya at kailangan niyang maging totoo sa kanyang pangako. Kaibigan niya si Dan ngunit mahal niya si Mika. Alam niyang nauunawaan siya ni Dan kaya tanggap nito ang ginagawa niya.

Isang suntok pa sana ang ibibigay ni Alex sa kanyang kaibigan ngunit natigilan siya ng mabilis na humarang si Mika upang ipagsanggalang si Dan.

“Alex, pakiusap, tama na. Walang kasalanan si Dan, ako ang may kasalanan Alex. Ako ang may gusto nito, kung bakit ako nasasaktan kahit wala akong karapatan.”, ang lumuluhang pagsamo ni Mika kay Alex. Hindi na niya kayang makitang masaktan si Dan na wala namang kasalanan talaga. Minsan ng nangyari ito sa kanyang Ate Ella na naulit na naman kay Alex. Hanggang kailan magbabayad si Dan sa kasalanang siya ang dahilan.

Ibinaba naman ni Alex ang kanyang kamay, kinuha ang kanyang bag at saka walang paalam na iniwan ang magkapatid at ang kanyang kaibigan. Hindi niya lubos na nauunawaan ang ibig sabihin ni Mika. Ngunit ng makita ang pagluha ng dalagang mahal niya at ipagsanggalang ang lalakeng mahal nito ay sapat ng dahilan upang tumigil siya.

Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanilang tatlo sa muli nilang pagkikita. Ngunit kung lalayo na ang dalawa sa kanya ay tanggap naman niya. Dahil kahit wala siyang karapatan ay nakialam pa din siya. Labis niyang mahal si Mika, kung lalayo na sa kanya ang dalaga ay umaasa siyang kasama sanang mawala ang pag-ibig na nasa puso niya.

Hinabol na lang ng tingin ni Dan ang papalayong si Alex. Sa kabila ng nangyari ngayong umaga ay kaibigan pa din ang turing niya dito. Nauunawaan naman niya si Alex at dapat lang ang ginawa nito sa kanya.

“Dan, okay ka lang ba?” si Mika na ngayon ay banayad na nakahawak na sa pisngi ng binata.

“Okay lang ako Mika, wag ka ng mag-aalala.”

Mula naman sa loob ng kwarto ng magkapatid ay muling lumabas si Ella na may dala ng bulak at gamot na pamahid at iniabot iyon sa kanyang kapatid.

“Dan, sa loob na tayo.”

Binuksan ni Dan ang kanyang kwarto at pumasok na sila ni Mika. Naupo silang dalawa sa gilid ng kama at dito inasikaso ni Mika ang sugat sa gilid ng labi ni Dan.

“Mika…”

“Hm?” ang maiksing tugon ng dalaga habang nagpapahid ng gamot sa sugat ng binata.

“I’m sorry Mika.”, si Dan na ngayon ay nakatingin sa mata ni Mika.

Natigil naman sa ginagawa ang dalaga. Napaluha naman siya ng maalala ang nagdaang gabi na hindi niya kapiling si Dan.

“Wala ka namang kasalanan Dan, sinunod mo lang ang puso mo. At kasama mo ang totoong mahal mo.” ang malungkot na sabi ni Mika, alam naman niya ang kanyang lugar sa puso ni Dan.

Hinaplos ni Dan ang luhaang mukha ni Mika, ilang beses pa niyang paluluhain ang dalagang ito na wala din namang kasalanan kung hindi ang mahalin siya. Niyakap niya si Mika ng mahigpit na yumakap din naman sa kanya.

“Mika, ayaw na kitang masaktan.” at saka hinalikan ni Dan sa buhok ang dalagang nakayakap sa kanya.

Umiling naman si Mika, ayaw niyang matapos na ang pagsasama nilang dalawa ni Dan. Maging kapalit man iyon ng walang katapusan niyang pagluha sa piling ng binata.

“I love you Dan, kahit alam kong iba ang mahal mo. Kaya okay lang sa akin na nasasaktan ako. Magkasama naman tayong dalawa kaya wag mo akong alalahanin. Kaya ko naman Dan, please hayaan mo akong masaktan basta wag mo muna akong iwan.” , ang buong pusong pagsamo ni Mika. Ang pag-asang unti-unting nabubuhay sa kanyang puso ay nawala na. Nag-iisip na si Dan iwan na siya at tiyak na lalayo na ito sa kanya. Ngunit kung maaari ay wag muna dahil hindi pa niya talaga kaya.

“Mika..”

Nag-angat ng paningin ang luhaang dalaga, “Dan, please, wag na nating pag-usapan ito. Pangako, hindi ako maghahangad ng higit sa kaya mong ibigay sa akin. Basta wag mo lang kong iwan please.”

Muling isinubsob ni Dan ang mukha ni Mika sa kanyang dibdib. Dahil sa kanyang kagagawan ay marami ang damdaming nasasaktan. Kung maaari lang niyang ibalik ang kahapon ay gagawin niya. Upang baguhin ang mga desisyon na nagawa niya. Ngunit huli na ang lahat dahil ang sanga-sangang pag-ibig ay nakapalibot na sa kanya. At ang bawat kapalit ng sangang babaliin niya ay pagluha at pagdurusa na magpapahirap din naman sa kanya.

More Filipino Sex Stories :  Pay It Forward - Ela

*****

Tanghali na ng nagising si Dan, nakaramdam na din siya ng gutom. Naalala niyang hindi pa nga pala siya nag-agahan kaninang umaga. Napabuntung-hininga siya ng maalala din ang nangyari sa kanila ng kaibigan niyang si Alex, gayundin ang muling pagluha ni Mika.

Lumabas na siya ng kwarto upang magtungo sana sa malapit na karinderya upang kumain. Nahihiya naman siyang abalahin pa ang magkapatid na lagi na lang problema ang dala niya. Nabungaran niya agad si Mika na nagsasampay ng mga damit na kasama ang sa kanya.

“Mika, nagpahinga ka na lang sana.”

Tumigil naman sa ginagawa si Mika at tumingin sa kanya, “Alam kong pagod ka Dan kaya isinabay ko na yung sayo sa mga nilabhan ko.”

Wala namang magagawa na din si Dan, dahil halos lahat ng gawain niyang hindi tungkol sa pag-aaral ay si Mika na ang nagkukusa.

“Alis muna ako Mika.”

“Saan ka pupunta? Hindi ka pa naman kumakain?” ang nag-aalalang si Mika, pakiramdam niya ay hindi pa nakain si Dan mula kanina pang umaga.

“Dyan lang Mika..”

Itinigil ni Mika ang kanyang ginagawa at hinawakan ang kamay ni Dan pabalik sa kwarto ng binata.

“Naku Dan, baka naman sa kariderya ka lang pupunta. Maupo ka lang at nakaluto na kami ni ate, kumain na kami at ipinagtira ka namin.”

Napangiti na lang si Dan, “Salamat Mika, nakakahiya na talaga sa inyong magkapatid.”

“Dan naman, ikaw ha. Parang wala tayong relasyon kung magsalita ka.” ang may himig pagtatampong sabi ni Mika. Sila pa din naman ni Dan kahit hindi patas ang kanilang relasyon. Ngayon ay pilit ng tinanggap ni Mika ang kanyang sitwasyon sa relasyon nila ni Dan.

Nagtungo na si Mika sa kwarto nilang magkapatid upang kunin ang pagkain na para kay Dan.Nakaramdam naman si Dan ng bigat ng dibdib para sa dalaga. Labis ng hapdi sa damdamin ang ibinibigay niya kay Mika ay panay pa din ang mabuting pag-aasikaso nito sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na din si Mika at dala na ang pagkain ni Dan. Inayos iyon sa harapan ni Dan at saka siya saglit na nagpaalam.

“Kain ka na Dan, ininit ko pa kasi saglit kaya natagalan. Balik na ako sa sinasampay ko ha, ako na din maghuhugas nan mamaya pagbalik ko.” ang nakangiting si Mika.

“Salamat Mika.”, ang nasabi na lang ni Dan.

Bumalik na si Mika sa pagsasampay at nagsimula ng kumain si Dan. Laman ng kanyang isipan ang sitwasyon nila ngayon ni Mika. Ayaw man niyang masaktan si Mika ay wala naman siyang magagawa.

Bago pa siya matapos kumain ay nakatapos na ding magsampay si Mika at ngayon ay nasa kwarto na niya ulit ito at may dalang malamig na tubig. Nagsalin sa baso at inilapag sa harap niya. At saka umupo si Mika sa bakanteng upuan sa tabi ni Dan.

Kinuha ni Dan ang baso ng tubig at inilagay sa harap ni Mika, “Ikaw na muna Mika, pawisan ka na.”

Hindi naman tumanggi ang nasiyahang dalaga, pagkatapos uminom ay muli siyang nagsalin at inilapag muli sa harap ni Dan.

“Mika, ayaw mo bang kumain ulit?”

“Busog pa ako Dan, kain ka lang.”

“Si Ella?”

“Natutulog siya ngayon, pang-umaga na siya bukas. Bakit?”

“Hihingi sana ako ng pasensya dahil sa nangyari kaninang umaga, alam kong kinabahan din siya at natakot sa nangyari.”

“Hayaan mo na yun Dan, ako na ag nagpaliwanag kay ate kanina. At saka, wala ka naman talagang kasalanan. Ako naman talaga eh.” ang napayukong si Mika. Dahil sa kanyang labis na pagmamahal ng hindi dapat kay Dan ay nagiging problema ang dulot niya dito. Ngunit ayaw pa din niyang tumigil. Mas nanaisin pa niyang masaktan basta kapiling pa din niya si Dan.

“Mika…”

Nag-angat ng paninngin si Mika.

“Kapwa tayo may kasalanan, hindi lang ikaw. Kaya wag mong pabigatin ang pasanin mo sa dibdib.”

Ngumiti na lang si Mika, kahit sa kanyang isipan ay nanatiling siya lang ang may kasalanan. Dahil siya ang nagpumilit kay Dan sa sitwasyon nila ngayon.

Nang matapos kumain ay nagkusa na din si Mika na imisin ang mga nasa lamesa.

Dahil sa kanyang nakikita ay hindi na din nakatiis si Dan. Niyakap niya si Mika mula sa likuran na nagbigay naman ng saya sa puso at katawan ni Mika. Kaysarap para sa dalaga ang mga munting paglalambing sa kanya ni Dan.

“Mika, mamayang gabi. Maaga kang pumunta sa kwarto ko, para matupad ko yung sinabi ko sayo ng nagdaang gabi. “

Nangilid naman ang luha sa mata ni Mika, mahalaga pa din siya kay Dan kahit hindi siya nito mahal. Ipinaling niya ang kanyang mukha na alam niyang alam ni Dan ang gusto niyang mangyari.

Hinawakan ni Dan ang pisngi ni Mika at mainit na hinalikan ito sa labi.

“Mamayang gabi Dan ha, yung sinabi ko sayo. Dalawang beses dapat.” ang naglalambing na pakiusap ni Mika.

Ngumiti naman si Dan, “Kaya pumunta ka ng maaga Mika, para makadalawa tayo.”

Napahagikhik naman ang masayang si Mika, “Nasa kwarto mo na ako ng alas-otso.”

At nagtuloy na si Mika sa kabilang kwarto habang muling nahiga si Dan. Sinabi niya sa sarili na labis niyang paliligayahin si Mika sa bawat araw na natitirang magkasama silang dalawa.

*****

Alas-tres ng hapon. Habang nag-aayos ng sarili mula sa kanyang kwarto ay narinig ni Christine ang pagtawag ng ina.

“Christine, Iha, Brandon is here is to see you. Please come down muna Iha to entertain him.”

Hindi alam ni Christine kung ano ang gusto niyang higit na maramdaman ng sandaling iyon. Pagkasuya sa binata dahil sa alam naman nito na may mahal siyang iba ay patuloy pa din sa panggugulo sa tahimik niyang buhay. O awa sa binata dahil sa labis nitong pagmamahal sa kanya ay kahit paulit-ulit itong masaktan ay patuloy pa din sa pagsisikap na mahalin niya.

“Okay Ma, I’ll be there in a moment.”

Muling tiningnan ni Christine ang kanyang natural na ganda sa salamin at napangiti siyang mag-isa. Bumaba na siya upang puntahan ang mga magulang na kasama si Brandon.

Nagtuloy siya sa isang may kalakihang kwarto na maaliwalas at malamig. Malalaki ang mga salaming bintana na para talaga sa mga bisita. Nakita niyang naroon ang kanyang mga magulang na kasama si Brandon. Sa isang magarang lamesa ay mayroong mga tea na naka-serve at ilang mamahaling munting tinapay.

Tumayo si Brandon ng makita si Christine. Kahit na walang may make-up ay talagang napakaganda ni Christine. At para kay Brandon ay mas gusto niya ang natural na ganda ng dalaga. Hinila niya ang isang upuan sa tabi niya upang doon maupo si Christine.

“Thank you.” ang tipid na sabi ni Christine.

Nang nakaupo na silang dalawa ay saka nagsalita ang kanyang ama.

“Christine, I invite Brandon here to have some moments with us. Para maging close din siya sa amin ng Mama mo, and especially, to strengthen the bonds between you two.”

Ngayon nalaman ni Christine na ang ama niya ang dahilan. Malamang na napilitan lang si Brandon na magpunta dito.

“Iha, this is beneficial for both of you. After yesterday night, hindi na kayo totally strangers sa isa.t-isa.” ang nakangiting sabi naman ng kanyang ina.

Sa isipan ni Christine ay nais niyang matawa sa mga sinabi sa kanya ng mga magulang. Kung alam lang ng mga ito na wala namang namamagitan sa kanila ni Brandon. Maliban sa suot niyang singsing na palabas lamang nilang dalawa.

“I get what you mean Ma. I really don’t mind na Brandon is here with us.”

Dinulutan ni Brandon ng tea si Christine at saka nilapagan ng ilang munting tinapay. Labis namang natutuwa ang mag-asawa sa kanilang nakikitang pag-aasikaso ni Brandon kay Christine.

“Christine, you are very blessed to have someone like Brandon na maging husband mo sa near future. He is very caring and attentive sayo. Sana ay maging dedicated ka din naman sa kanya and make some efforts to make him happy sa relationship ninyo.” ang sabi ng kanyang ina. Nais nitong ipabatid sa anak na si Brandon ang future ng dalaga at wala ng iba pa.

“I’ll keep that in mind Ma.” ang kaswal na tugon na lang ni Christine.

“Thank you Tito, Tita.” ang nakangiting si Brandon. Malungkot ang kanyang pakiramdam dahil alam niyang palabas lang ang parang sigla ng dalaga habang magkasama silang dalawa. Ngunit naroon din naman ang munting saya dahil nasa kanya ang pagsang-ayon ng mga magulang ng dalaga.

“Brandon, you have to call us Pa and Ma from now on. You’re our son now and Christine is already your wife even though hindi pa kayo naharap sa altar. That makes no diffrence since both of you already shared your first night.” ang nakangiting sabi naman ng kanyang ama.

“Pa..” ang may pagtutol na tinig ni Christine. Labis siyang nabigla sa tahasang sinasabi ng kanyang ama.

“Christine…” ang sabi ng kanyang ama kasabay ng isang makahulugang tingin.

Tumingin ang kanyang ama kay Brandon, “Iho, spend some nights with Christine here in our own house. We will not mind since isang anak na din ang turing namin sayo. Christine is yours now, be bold Brandon. You are a man afterall.”

Nag-aalangan naman si Brandon sa mainit na paanyaya sa kanya ng ama ni Christine. Alam niyang hindi ito magugustuhan ni Christine kahit gustong-gusto ito ng kanyang puso at katawan.

“Y-Yes Pa, I think I’ll do that.” ang napilitang sagot ni Brandon, ayaw ng kanyang isip ngunit hindi tumanggi ang kanyang katawan.

Natigilan naman si Christine, hindi niya inaakalang sasang-ayon si Brandon sa sinabi ng kanyang ama dahil alam nito ang sitwasyon niya.

“Very good Brandon. How about tonight?”

Napalunok naman si Brandon at napatingin sa napakagandang si Christine na malamig na nakatingin sa kanya.

“Thank you Tito, but not tonight. Christine is still tired and we have schools tomorrow. Maybe some other time.”

“Okay Iho, but I expect to have breakfast with you soon.”

Napangiti na lang si Brandon, kinakabahan siyang baka biglang magsalita si Christine at aminin sa mga magulang ang tungkol kay Dan. Ngunit hindi niya maitatangging napakainit ngayon ng kanyang pakiramdam. Ang makasama si Christine sa mga magdamag sa loob mismo ng kwarto ng dalaga ay isang napakainit na pangarap sa kanya.

Si Christine naman ay nagpigil lang sa sarili. Hindi din naman mangyayari ang nais ng mga ito dahil ilang araw lang ay lalayo na din sila ni Dan. “Pa, kayo ang magtabi ni Brandon sa sarili kong kama kapag nakaalis na ako.”ang inis na nasabi na lang ni Christine sa sarili.

*****

Maghapon na nag-isip si Anton sa kanyang balak gawin. Tumingin siya sa direksyon ng kusina kung saan masayang naghahanda ang kanyang mag-ina ng hapunan. Kailangan niyang maging matatag para sa pamilyang minamahal niya. Alang-alang sa kanyang pangarap at bilang pagganti sa paglalaro ng isang binata sa kanyang nag-iisang anak. Kailangan niyang gumawa ng isang hakbang upang tuluyan ng mawala sa buhay ng anak ang kasintahan nito ngayon.

Nagtungo siya sa kanyang study room at lumapit sa telepono. Nag-dial ng numero at nagsimulang makipag-usap.

“Kailangan ko ang tulong mo.”

“Basta ikaw Anton, walang problema. Magsabi ka ng pangalan at kung ano ang gusto mong gawin ko at ng mga bata ko.”

At nag-usap pa ang dalawa ng matagal habang sinasabi ni Anton ang nais niyang mangyari at ang ilang impormasyon na nalalaman niya sa binata. Kung saan ito nag-aaral at ang pangalan ng bar na pinapasukan nito.. Natigil sa pagsasalita si Anton ng bumukas ang pinto sa kwartong iyon.

“Dad, come na, kanina pa kami nakapag-prepared ni Mommy ng dinner.” ang naglalambing na si Angela, at saka siya lumapit sa ama at humawak sa braso nito.

“Sige na…, maghihintay ako ng tawag mo.”

“Makakaasa ka Anton.”

At ibinaba na ni Anton ang telepono at saka tumingin sa kanyang anak. Hinaplos ni Anton ang buhok ni Angela na ngumiti naman sa kanya.

“Dad…”

Ngumiti ng buong pait si Anton sa anak, isang kasalanan ang kanyang gagawin na dapat manatiling lihim sa kanyang nag-iisang anak maging sa kanyang asawa. Dahil sa sandaling makalabas ang katotohanang iyon ay tiyak na ang katapusan ng kanyang masayang pamilya.

“Angela, I love you so much Iha.”

“Dad, I love you so much din naman po.”

Minsang pang nakipaglaro ang tadhana kay Dan at ang huling hagupit ng unos ay dumating na. Ang kabayaran ng mga tuksong dumating sa kanyang buhay na hindi niya pinaglabanan ay maniningil na kaya sa kanya? May darating kayang masayang bukas na naghihintay kay Dan upang makasama ang dalawang dalagang minamahal niya? Gayung ang langit ay nananatiling bingi sa kanyang mga daing.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note : Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at paghihintay. At gaya po ng aking binitawang pangako sa inyo. Kahit po ako ay labis ng nahihirapan sa aking pagsusulat, at ang pagbabago ay inyo pong nakikita. Pilit ko pong bibigyan ng wakas ang kwentong ito na akin pong nasimulan.

PS: Please do comments and give your reactions, it inspires me to continue. Giving rates doesn’t requires an effort. Do this only if you think that my story deserves one. Thank you.

Copyright @ 2020 Van_TheMaster ALL RIGHTS RESERVED.

Stories NavigationPrevious ChapterNext Chapter

You may also like...

2 Responses

  1. Avatar Diomhel says:

    Sana Boss Madugtungan pa..

  2. Avatar jeysi says:

    pauwiin mo na si Dianne pls. para ung mga classmate ni Dianne naman ang maging jowa ni dan.
    Gustong gusto ko mga bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Alert: Content is protected !!