Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 1 – And So It Begins [Rev.]

Avatar
Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan

Written by VTM_Legacy

 


Story Notes: This is the Final Revision of the story.

Chapter 1

Pagkatapos basahin ang kwadernong cattleya ay marahan niya iyong inilapag sa may lamesa. Ipinikit ang kanyang mga mata habang nakasandal sa upuan at minsan pang sinariwa ang mga alaalang may hatid na magkakaibang damdadamin sa kanya. Naroon ang mapapait na sandali at mga pagsubok na minsang labis na ikinalugmok niya. Ngunit kasama din naman ng mga nakaraan na iyon ang mga maiinit na alaala na walang kapantay na kaligayahan ang dulot sa kanya.

Namalayan na lamang niya pagbukal ng luha mula sa kanyang nakapikit na mga mata. Mga luhang laging naroon sa bawat sandaling binabalikan niya ang kahapong nagdaan. Sa bawat kabanata ng kanyang buhay kung saan laging may kaakibat na tukso na umalipin sa kanya. Ang mga tuksong naging parte ng kanyang pagkatao na siyang humubog din naman sa kung sino siya ngayon.

Ngunit ang lahat ay nagdaan na at narito siya ngayon sa hinaharap na itinadhana para sa kanya.

(“tok” “tok”)

Bumukas ang pinto ang muli siyang nagmulat ng mga mata. Pinahid ang luha sa sulok niyon habang nakatingin sa kariktang palapit sa kinaroroonan niya.

Inilagay nito ang palad sa cattleya na nasa lamesa at saka buong pagsuyong tumingin sa kanya.

“Reminiscing of the past.” Ang malambing nitong sabi.

Ngumiti nman siya ng tipid at saka bahagyang tumango.

“Once in a long while lang naman.”

Lumapit ito sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang itim na buhok patungo sa kanyang pisngi.

“I wouldn’t mind kahit pa naalala mo siya, dahil alam kong she’ll always be here.”

At saka lumapat sa kanyang matipunong dibdib ang malambot nitong palad.

“She’s somewhere here and I already accepted that. What matter to me the most ay narito ka at magkasama na tayong dalawa.”

Ginagap niya ang palad na nasa kanyang dibdib.

“Ikaw ang tunay na tadhana ko…, at hindi ko pagsisihan ang desisyon na pinili ko.”

Tumayo siya at banayad na niyakap ang kaharap na gumanti din naman ng yakap sa kanya.

“Ang ibigin mo…, ang pinakamahalagang regalong natanggap ko sa buhay kong ito. I love you, at hindi iyon magbabago kailanman.”

“And I love you too…, mula noon, hanggang ngayon.”

*****

Taong 1992.

Kanina pa nakaupo si Dan at naghihintay sa simula ng klase para sa unang subject. Unang araw niya sa ikatlong taon ng kursong Civil Engineering sa isang kilalang pamantasan sa Maynila kung saan siya ay nag-aaral bilang isa sa mga scholar.

Pagkatapos itigil ang ginagawang pagbabasa ay pasimple niyang iginala ang kanyang paningin. Halos lahat ay masayang nag-uusap at may kanya-kanyang grupo na agad. Malaking kaibhan sa kanyang kadalasang pag-iisa.

Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot, sapagkat hindi tulad ng nakakarami niyang kaklase ay kailangan pa niyang mag-aral ng mabuti at magtrabaho sa gabi para lamang makatapos sa kolehiyo. Maaga siyang naulila sa mga magulang at wala siyang ibang katulong sa pagtataguyod ng kanyang pag-aaral kung hindi ang kanyang sarili.

Dalawang taon na siya sa kolehiyo, tatlong taon pa ang kanyang mahirap na bubunuin. Maraming laman ang kanyang isipan, ang kanyang mga plano sa buhay at mga pangarap na gustong abutin. Mga pangarap na ang pangunahing hakbang ay ang makatapos sa kolehiyo.

Halos puno na ang kanilang classroom ng dumating ang grupo nina Christine. Dumaan pa kasi sila sa cafeteria sa labas ng school at hindi na nila namalayan ang takbo ng oras. Napilitan silang umupo sa may bandang likuran at si Christine ang nag-iisang naiwang nakatayo.

“Wala na bang bakante? Saan ako ngayon mauupo?” Ang inis na tanong ni Christine sa mga kaibigan.

“Sorry. All seats are taken. Doon ka na lang muna kaya maupo?” Sabay turo ni Cherry sa may bakanteng silya na nasa may bandang gitna.

“Nakakainis naman.” Ang nagdadabog na wika ng dalaga habang naglalakad patungo sa upuan.

“‘Wag ka ng mainis, maaga na lang tayong pumasok bukas para magkakatabi tayo.” Ang habol ni Rose sa kaibigan.

Padabog pa rin siyang naupo na naging dahilan para matigil sa pag-iisip ang katabing kaklase. Napalingon naman si Dan sa katabi at kaagad siyang nakaramdam ng paghanga sa dalaga. May napakagandang mukha kasi ito na kahit parang naiinis ang ekspresyon ay sadyang nakakahalina. Nakatawag pansin din kay Dan ang mahubog na pangangatawan ng kaklase na sadyang agaw-pansin talaga. Bahagya itong lumingon sa kanyang direksyon at nahuli siya nitong sa kaklase nakatingin. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata at saka mabilis na ibinaling ni Dan ang paningin sa papasok na guro. Hindi na niya napansin ang gumuhit na ngiti sa labi ng dalaga.

Kinuha ng kanilang propesora ang kanilang mga classcard at nagsimula na ang klase. Ngunit dahil sa unang araw ng klase ay magiliw silang hinikayat ng kanilang guro na magpakilala. Kaya isa-isang tumayo at nagpakilala ang mga estudyante sa harapan.

“Miss Christine Dela Fuentes.” Ang banggit ng kanilang professor at nagpunta sa harapan ang kaklaseng kanina pa nagpapagulo sa isipan ni Dan.

May ilang mga kalalakihan na kaagad na nagpakita ng paghanga at interes sa dalaga.

“May boyfriend ka na ba?” Ang unang tanong ni Carlo.

“Dati meron, ngayon wala na, so I’m willing to entertain any possible new candidates.” Ang may himig pagbibirong tugon ni Christine.

“Pwede bang pumasyal sa bahay nyo?” Turan naman ni James.

“Depende siguro kung papayag ako, if may go signal ko. Why not?” Ang nakangiting sagot ulit ni Christine na lalong nagbibigay ng saya sa mga kabinataan.

Habang sinasagot ni Christine ang bawat katanungan ay isinusulat naman ni Dan ang lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kaklase sa huling booklet ng kanyang dalang kwadernong cattleya.

Pabalik na si Christine at saglit na tinapunan siya ng tingin bago ito tuluyang umupo. Hanggang sa natapos ang lahat ng kanilang mga subject ay ang kaklase pa rin ang laman ng kanyang isipan.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Nakalabas na ang grupo nina Christine sa classroom ng humabol sa kanila si Carlo. Nakipagkilala sa kanila agad ang binata ngunit halatang kay Christine ito interasado.

“Hi girls, Carlo here.” Ang preskong muling pakilala ng binata na kay Christine naman nakatingin.

Ngumiti naman sila sa binata at isa-isa ding nagpakilala.

“Since ito ang unang araw na nagkakila-kilala tayo, my treat, tara sa canteen or sa cefeteria.”

Nagpaunlak naman sina Christine at magkakasabay na silang nagtungo sa labas ng building. Si Dan naman ay nakatingin lang sa mga ito. Wala siyang lakas ng loob o sa tamang antas para gawin ang ginawa ni Carlo kahit gusto din naman niyang makipagkilala ng personal kay Christine.

*****

Mamaya pa ang shift ni Dan pero nagpasya na siyang pumasok ng maaga sa pinapasukang fast food chain. Isa siya sa masuwerteng nakapasa sa scholarship ng school pero sagot naman niya lahat ng mga ibang gastusin. Kahit ang upa niya sa tinitirhan at lahat ng kanyang pang-araw-araw na pangangailangan ay sarili niyang gastos.

“Pare, musta ang unang araw sa school?” Bati ng kaibigang niyang si Edwin. Ito ang una niyang nakapalagayan ng loob sa Maynila. Inaanak ito ng kanyang tiyuhin sa probinsya at siya ding kumupkop at nagrekomenda sa kanya ngayon sa pinapasukan.

“Okay naman Pare, wala naman akong naging mga problema. Marami nga lang mga tiyak na darating na gastusin kaya kailangang kumayod pa ng husto.”

“Kaya mo yan, basta sa pag-aaral ka lang muna mag-focus, pasasaan ba at matatapos mo din yan. Iwas din muna sa mga relasyon, alam mo na din yan, mahirap mag-aral ng may babaeng kasama. Bukod sa magastos ay aagaw pa sa mga importanteng oras mo. Alalahanin mo Pre, nagtatrabaho ka pa sa gabi.”

“Alam ko naman ‘yan, naipangako ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makatapos. Kaya lang…” Si Dan na pinigil ang sasabihin at saka huminga ng malalim ng maalala si Christine.

“Kaya lang ano?”

“May naka crush-an kasi akong classmate ko sa school. Ewan ko ba, iba yung dating niya sa akin. Para bang siya na yung babaeng gusto kong maging kasama sa buong buhay ko.” Ang pabirong sagot ni Dan.

“Unang araw pa lang yan ah, mukhang sisipagin kang pumasok at di mag pa-late nan.” Ganting biro naman ni Edwin.

“Ang gaan nga ng pakiramdam ko eh, para tuloy akong nagkaroon ng inspirasyon sa klase. Ang problema ko lang, nag-aalangan ako kung makikipaglapit ba ako. Bukod kasi sa napakaganda, parang ang layo ng agwat namin sa pamumuhay.”

Napatingin sa kanya si Edwin na natigilan dahil sa huling sinabi niya.

“Dan, okay lang siguro yung humanga ka, magkaroon ng inpirasyon, libre naman yun. Pero kung makikipaglapit ka pa lalo na sa tulad niya. Baka ikaw din ang maapektuhan, aral sa umaga, trabaho sa gabi. Halos kaunti na lang ang oras mo para sa sarili mo. Pag-isipan mong mabuti Pare, hindii naman kita pinangungunahan Pare, paalala lang bilang kaibigan, lalo’t parang komplikado ang sitwasyon. Pero ikaw pa rin naman ang magpapasya para sa sarili mo.” Nakangiting sabi nito nang mapansin ang pananahimik ni Dan.

“Okay lang Pare. Para sa akin din naman yung mga sinabi mo eh. Salamat sa paalala, kaibigan talaga kita.” Si Dan na ibinalik ang ngiti sa kabigan.

“Una na ako Dan, ako nang bahala sa pagkain natin mamaya. Bahala ka na muna jan.” Paalam ni Edwin pagkatapos ayusin ang mga gamit pauwi.

“Sige Pare, ingat sa pag-uwi.”

Wala na si Edwin at naiwan siyang iniisip ang mga sinabi ni nito, alam niyang tama ang kaibigan at nagdulot iyon ng bahagyang kirot sa kanyang dibdib. Napakahirap pala ng ganito, hindi na nga patas ang sitwasyon niya sa ibang lalakeng kaklase ay lalo pa siyang pinanghinaan ng loob dahil sa katotohanang sinabi ng kaibigan.

*****

Madilim na ng maghiwa-hiwalay sina Christine at ang mga kasama niya. Pero nanatili silang magkasama ni Carlo at ngayon ay nasa loob ng malamig na kotse ng binata. Medyo tinted ang mga salamin kaya hindi masyadong aninag ang nangyayari sa loob ng sasakyan sa tagong lugar na iyon.

Kasalukuyang magkalapat ang labi ng dalawa. Nakayapos ang kamay ni Christine sa likod ni Carlo at ganun din naman si Carlo sa kanya. Kanina pa nagpaparamdam sa kanya si Carlo, dahil sa may itsura naman ito at katulad din niyang maganda ang pamumuhay ay naging madali ang ginagawa nila ngayon kahit hindi naman sila opisyal na magka-relasyon. Tulad ng dati, laro lang kay Christine, dahil mayroon na naman siyang mga karanasan at hindi na bago sa kanya ang ganito.

“Ang sweet ng lips mo Tin.”

“Well, your’s too Carlo.” Ang nakangiting ganti ng dalaga.

“Just Carl…”

“Okay Carl.” Ang malambing na pagsang-ayon ni Christine.

Muling naglapat ang kanilang labi at nagsimula ng maglakbay ang palad ni Carlo patungo sa malusog na dibdib ng dalaga. Mahina naman itong sinaway ni Christine ngunit hindi pinigilan ang kamay ng kaklase na ngayon ay pumipisil sa isa niyang dibdib.

“Dyan lang sa ibabaw ng damit ko ha.”

Nagpatuloy sa banayad na pagpisil si Carlo habang mas mainit na silang naghahalikan. Ngunit ng hindi nakatiis ang binata ay sinimulan niyang alisin ang butones ng blouse ni Christine.

“Please Tin, patingin lang ako.” Anas ni Carlo.

“Three buttons lang Carl, then stop there .” Bigay sang-ayon ni Christine upang lalong sabikin ang kaklase kapag nakita na nito ang puno ng malulusog niyang dibdib na alam niyang lalong magpapainit dito.

At sa muli na namang naghinang ang kanilang labi ay nagsimula na din ang paglalaro ng kanilang dila, kasabay niyon ay ang pagkalas ni Carlo sa mga butones ng blouse ni Christine.

Pagkatapos makalas ang tatlong butones ay tumigil saglit si Carlo sa palitan nila ng laway at saka buong pagnanasang pinagmasdan ang malulusog na puting punong dibdib na nakabilad sa kanyang harapan.

“Wow Tin, napaka-yummy naman.”

“So, nakita mo na, let’s stop here.”

“Tin naman, nagsisimula pa lang tayo eh. Let’s have more fun muna.”

Saglit na nag-isip si Christine, nais niyang bitinin ang kaklase pero mas pinili niyang pagbigyan ito, isang munting parting gift para kay Carlo sa unang gabi na magkasama sila.

“It’s getting late na Carl, just give it a gentle massage…”

Lalo namang nag-init naman ang pakiramdam ni Carlo dahil sa paanyaya ng dalaga. Hinawakan niya ang isang dibdib ni Christine at ibayong init ang nasa katawan niya ng maramdaman sa kanyang kamay ang mainit na balat ng malambot at malusog na dibdib na kanyang minamasahe ngayon.

Muling kinabig ni Christine ang batok ni Carlo at nagsimula na namang mag-espadahan ang kanilang dila habang nilalamas ni Carlo ang kanyang isang dibdib. Ngunit kahit napakasarap kay Carlo ang laway ni Christine ay hindi niya kayang tiisin ang paanyaya ng dibdib nito. Inalis niya ang labi mula sa labi ni Christine at inilapit iyon sa may punong dibdib. At saka niya hinalikan at dinilaan ang parteng iyon.

“Carll.., not there…, ahmm…”

Ngunit sa halip na tumigil ay mapusok na inilabas ni Carlo ang isang buong dibdib ni Christine gamit ang isa niyang kamay.

“It’s so firm Tin…”

At saka niya sinimulang dilaan at supsupin ang nipple ng dalaga.

“Ahh…, C-Carll, stop it naaa…”

Nag-init na din si Christine. Halos tatlong buwan na din ng huling may gumawa nito sa kanya, yung last boyfriend niya na taga kabilang school. Hinayaan niyang tuluyang mabasa ng laway ni Carlo ang kanyang nipple na naninigas na din.

Ilang ulit pang nilaro ng dila ni Carlo ang tuktok na iyon at saka niya muling susupsupin. Nag-aalab na din sa init ang kanyang pakiramdam at kanina pa galit ang kanyang sandata.

“Carrlll…” Ang nasasarapang si Christine, unti-unting nalulunod sa pagkadarang dahil sa ginagawa ng kaklase sa kanya.

Tuluyan na ding inilabas ni Carlo ang isa pang dibdib ni Christine na hindi naman tumutol sa ginawa niya. Salitan niyang pinagpala ang dalawang malulusog na bundok gamit ang kanyang dila at bibig. At saka niya sabay na imamasahe habang magkahinang na naman ang kanilang labi.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Dahil sa pagpapaubaya ni Christine ay lalong naging pangahas si Carlo, at nagsimula ng gumapang ang kamay niya mula sa isang dibdib na nilalaro niya papunta sa may palda. At pagkatapos ay dahan-dahang pinagapang ang kamay sa may tuhod, at saka nagsimulang haplusin ang makinis na hita ng kaklase na bahagyang nakaawang.

“Carlll…, wala sa usapan yann…”

Ngunit patuloy pa din si Carlo sa kanyang ginagawang paghimas sa bilugang hita ni Christine habang hindi nilulubayan ng pagsupsop ang isang nipple ng dalaga.

Ipinasok pa ng tuluyan ni Carlo ang kanyang palad at naramdaman na niya sa kanyang daliri ang sedang panty ni Christine na lalong nagpainit sa kanyang nag-aapoy na pakiramdam.

“Dito naman Tin…”

“Nooo…”

Ganap ng ipapasok ni Carlo ang kanyang kamay nang pinigilan ito ng dalaga.

Dito na itinigil ni Christine ang kanilang ginagawa. Inilayo niya ang labi ni Carlo sa kanyang dibdib at at inalis din niya ang kamay ni Carlo mula sa loob ng kanyang palda. Inayos niya ang kanyang sarili habang nangingiting nakakatingin sa dismayadong mukha ng kaklase.

“Tin naman, wag mo naman ako ibitin.”

“Sorry, but no, we barely know each other tapos gusto mo ganun agad, no.” Ang sagot niya sa binata na may kasamang mapanuksong ngiti.

“Tin, next time, let me feel it? Nakakagigil lalo eh. Pinatakam mo lang ako ng husto tapos hindi mo pala ipatitikim. Hindi ako papayag na hindi sa susunod.” Ang madiing pahayag ni Carlo. Sobrang nabitin ang kanyang pakiramdam habang nakatingin sa parteng kamuntik na niyang mahawakan.

“Pag-iisipan ko muna…, since it’s mine.” Ang natatawang sagot ng dalaga kahit aminado naman siya sa sariling nag-enjoy din siya at basa na siya doon. Natutuwa siya sa bawat ekspresyon ng mga lalaking binitin niya. Dahil alam niya kung gaano takam na takam ang mga ito sa kanyang katawan.

Nakadalawang boyfriend na siya ng hindi naman matagal, ibinigay niya ang kanyang virginity noong seventeen pa lang siya sa isang lalakeng mas matanda sa kanya. Sa lalakeng unang nagparamdam sa kanya ng masarap na sensasyon ng pisikal na relasyon. Marami ding beses siyang nagpaubaya sa lalake at nagustuhan din naman niya ang kanyang mga natutunan. Ngunit pagkalipas ng limang buwan ay nakipag-break na din siya dahil ayaw niyang maging committed sa serious relationship na gusto nito.

Ang sumunod ay isang college student din na sa kabilang school naman nag-aaral. Na-miss lang niya ang sex lalo na ang isang itinuro sa kanya ng una niyang karelasyon na labis talaga niyang nagustuhan. Gaya ng nauna ay nakipaghiwalay na ulit siya pagkatapos ng tatlong buwan nilang relasyon.

Pagpaparaos lang ang gusto ni Christine, ang mag-enjoy at makipaglaro sa paraang gusto niya.

Ngunit marami na ang naging tulad ni Carlo. Kissing ang touching lang, no sex. Thrill lang habol niya, wala naman kasing special feeling kung hindi libog lang talaga. Kung hanggang saan sila makakarating ni Carlo ay ang hindi pa alam ni Christine.

“Hatid na kita Tin?”

“Well, wala akong sundo ngayon, pero hindi na Carl, mag taxi na lang ako, thanks for asking.” Ang nakangiting sabi ni Christine sa alam niyang nasusuya pa ding binata.

Inilapit ni Christine ang labi kay Carlo na kaagad namang siniil ng mainit na halik ng kaklase.

“Tinn, can I change your mind, it’s not that late pa naman.”

“There’s always a next time Carl… See you tomorrow.”

Lumabas na si Christine sa kotse ni Carlo at naglakad patungo sa abangan ng taxi. Naiwan namang bitin si Carlo at hindi maalis ang pagkasuya.

“Shit, I’m almost there”. Ang gigil na sabi ni Carlo na pinaalis na din ang sasakyan.

Pagkababa ni Carlo sa sasakyan ay kaagad siyang lumapit kina James at Dave na naglalaro ng billiard sa may isang parte ng kanilang terrace.

“It’s too soon pa para sa uwi mo Carlo ah, wag mong sabihin na for the first time ay parang challenging yung bago mong apple of your eye.” Ang nakakalokong sabi ni James.

Kumuha si Carlo ng isang basyo ng serbesa at binuksan iyon.

“A girl like Christine is not that easy to have…” Si Carlo.

“So wala ngang nangyari?” Si Dave.

“Syempre meron, papayag ba naman akong wala. Pero I’ll take it slow and easy this time…, tamed her, then gaya ng dati. I’ll turn her to be my bitch. Wala pa namang babae ang nakakatanggi sa karisma ko.”

“Ibang klase ka talaga Carlo.” Ang naiingit na sabi ni James dahil lihim din niyang pantasya si Christine.

“And, trust me, very soon…, bibigay din ng tuluyan sa akin si Christine.” Ang kumpyansang pahayag ni Carlo.

“Baka naman may close friend yan na pwede mong ibalato sa akin?” Ang tanong ni Dave.

Dahil sa tanong ng kaibigan ay pumasok sa isipan ni Carlo ang isa pang kaklase. Ang isa sa mga kaibigan ni Christine na pagdating sa ganda ay hindi naman padadaig. Nagkataon lamang na mas gusto ni Carlo ang pagkilos at ugali ni Christine kumpara sa yumi at hinhin ng nasa isipang kaklase.

“Don’t worry Dave, may irereto ako sayo. At alam kong magugustuhan mo talaga.”

*****

Lumipas ang mga araw at naging normal na ang lahat para kay Dan. Tinikis na lang niya ang sariling damdamin at dinaan na lang sa mga lihim na tingin ang espesyal na nadarama para kay Christine. Kung minsan ay isinusulat na lang niya sa kanyang cattleya ang mga saloobin na hindi niya masabi sa kaklase. Para bang sa cattleya niya lang pwedeng aminin ang nadarama para kay Christine.

Nang matapos na ang kanilang huling subject ay dagli na siyang tumayo para lumabas ng silid. Saglit niyang tiningnan muna ang kaklaseng si Christine na nag-aayos na rin ng mga gamit mula sa upuan nito. Gusto sana nyang makipagkilala dito ng personal pero parang may pumipigil sa kanya. Nais na sana niyang tawirin ang pader na nakapagitan sa kanila, pero sa tuwina ay bigo siya. Nakita niyang lumapit kay Christine si Carlo at nakipag-usap. Halatang close na agad ang dalawa at lalo iyong nagpapahirap sa nararamdaman niya. Nang gumawi sa kanya ang mga mata ni Christine ay mabilis niyang isinakbit ang dalang bag at lumabas na ng silid.

Nakakailang hakbang na siya palayo mula sa silid ng may tumawag sa kanya.

“Dan, saglit lang.”

Tumigil si Dan sa paglalakad at hinarap ang pinanggalingan ng tinig.

“Nakalimutan daw ibigay ni Mam yung mga assignment sheet natin.” Isa ito sa mga kaibigan ni Christine.

“Salamat…” At saka kinuha ni Dan ang papel na hawak ng kaklase.

“Im Angela. Yan ha, ako pa ang unang nagsabi sayo. ‘Wag mo nang kakalimutan ang name ko ha.” Pagpapakilala ng dalaga na may kasamang matamis na ngiti.

Alam naman ni Dan ang pangalan ng kaklase, ngunit hindi niya agad nasabi ang pangalan nito dahil nag-aalangan siya kung sa pangalan o apelyido niya ito tatawagin.

“Thank you ulit Angela, and nice meeting you.” Sabay lahad ng kanyang palad na pinunasan muna niya sa kanyang pantalon.

Dahil sa napansin ay muling napangiti si Angela at masayang pinaunlakan ang nakalahad na palad ng kaklase.

“Same here.”

“Angela, hindi ka ba sasama sa amin?” Iritado ang tinig na pinanggalingan ng boses, si Christine.

Nagtama ang kanilang paningin at ewan kung imahinasyon lang ni Dan na parang galit ito.

“Just give me a moment…” Ang tugon ni Angela at saka ibinalik ang paningin kay Dan. “Dan, we’re going to unwind and you’re welcome to join us.”

“Gusto ko sana, pero may trabaho pa ako. Sa ibang araw na lang siguro.” At saka siya sumulyap kay Christine bago ibinalik ang paningin kay Angela.

“I see, working student ka pala. Basta sa susunod ay sasama ka na ha.” Ang malambing nitong sabi.

“Siguro… bahala na, mahirap mangako. Ingat na lang kayo and have fun. Inaantay ka na yata nila.” Paalala niya sa kaharap.

“Okay Dan, ingat, see you.” At saka humakbang na ito palayo pagkatapos bigyan ng isang ngiti ang binata.


Signup, Chat, share and read more stories on our new website: www.libog-stories.com


Naiwan siyang nakatingin lang sa paglayo ni Angela na sumabay na ng paglalakad kina Christine.

Ipinangako nya sa sarili na sa pag-aaral lang ibabaling ang atensyon habang nasa kolehiyo. Ngayon ay pinagdududahan na niya kung matutupad ba niya ang pangakong iyon dahil kay Christine.

(Ipagpapatuloy…)

Author’s Note: Do give “Likes”, “Hearts” and “Comments”, if you appreciate the story.

Donation Request: Please do consider giving small donation to support my writings so that I can continue to write more . SmartLoad or GCash lang po. MagPM lang po sana ang nagnanais na tumulong. Salamat po ng marami.

Facebook: https://www.facebook.com/van.themaster.12/

Copyright @ 2022 VTM_Legacy ALL RIGHTS RESERVED.

VTM_Legacy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Libog Stories